KABANATA 09

1 2 0
                                    


"What did you say?" Tanong nito.

Sumipol ako at di nag salita. Ayaw ko ngang ulitin nasabi ko na eh  umatras na yung kakapalan ng mukha ko.

"Hey! I'm asking you!" Sabi nito at akmang lalapit na ulit sakin ng takbuhan ko ito at lumabas ng condo niya ng di nag papaalam.

Kailangan ko ng umuwi magpapatulong ako kay mama maghanap ng dress at yung sapatos naman hihiram nalang ako sa kaibigan kong lukaret.

Kringggg! Kringgg!

Halos mapatalon ako sa gulat ng mag ring ang phone ko.

Ng tingnan ko kung sino ang tumawag ay napangiti ako.

"Yes boss sir, may problema po ba?" Pagbungad ko dito. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil mukhang di pa ito nakakamove on sa sinabi ko kanina.

Affected much boss sir? Hihi.

"Ulitin mo yung sinabi mo kanina" Ma-awtoridad na sabi nito.

Naku mukhang seryoso na si boss sir.

"Ah eh ano s-sabi ko ano ahm kung pwedeng next time mag date ta- kami ni Rhym he-he?" Nauutal na sagot ko dito at napasapo nalang sa noo ng marealise kung anong sinabi ko.

Babawiin ko na sana ang sinabi ko ng babaan ako nito ng tawag.

Hayup! Baka kung anong isipin ni boss sir! Huhu bat ba kasi ang ingay ng bunganga ko?!

Hanggang sa makauwi ako ng bahay di ko maiwasang mapaisip kung anong gagawin ko. Nakakaasar! Joke lang naman yun eh! Bat kasi bini-big deal ni boss sir?! Huhu! Pano pag sinabi niya kay Rhym edi naasar nanaman ako?!

"Oh anak nakauwi kana pala" Sabi ng nanay ko.

"Ay hindi ma poster ko lang to" Pambabara ko dito at agad akong nakatanggap ng pingot.

"Aray ma! Joke lang naman eh ito naman, umuwi po ako para sana mag patulong maghanap ng magandang dress na susuutin sa isang party, invited kasi yung amo ko at kailangan nandun ako" Sabi ko dito at umupo sa sofa namin.

"Eh bat ngayun mo lang sinabi? Edi sana napaghandaan natin yan" Sabi naman nito at kumuha ng tubig sa kusina at binigay sakin.

"Eh ngayun ko lang din naman nalaman ma, nakakaasar pa dahil di man lang ako nasabihan agad para naman kahit papano makasabay ako sa mayayaman na dadalo dun" I said then pout.

Gusto ko naman kahit papano mag mukha akong okay para di mapahiya si boss sir pero wala akong choice kasi late ko din namang nalaman busy pa ako kaya di ko man lang nasabihan agad si mama.

"Hay naku! Sige ako ng bahala try ko makihiram kila tita mo joyce" Sabi nito kaya natuwa naman ako.

The best talaga si mama kahit kailan!

"Thank you ma! Babawi talaga ako sainyo promise!" Sabi ko at kiniss ito sa pisngi at nag mamadaling umakyat para maligo dahil nanlalagkit na ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapag ayos na din ako. Simple lang ang ayos ko konting make up at lip tint lang ang inilagay ko sa mukha ko at di na nag kilay pa kasi maganda naman na ang kilay ko no need to draw HAHAHA.

"Ay! Napakaganda talaga ng anak ko! Kamukhang kamukha ko!" Tuwang tuwa a sabi ni mama at inilapag ang damit na sa tingin ko ay susuotin ko.

May tiwala naman ako sa taste ng mama ko kaya sure akong maganda ang napili nitong damit kahit pa medyo may pagkaconservative ito.

Idol Series #1: My Savage Sweet Idol (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon