KABANATA 07

1 3 0
                                    

A/N: Hi! Gusto ko lang malaman kung may interesado pa ba sa istoring ito. Madalas ko kasing minomonitor  tong story na ito and wala pa akong nakikitang pag babago, especially sa votes and comment.

Actually hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong ituloy kasi parang wala namang interesado pero naisip ko din na hindi naman importante kung merong nag babasa nito kasi in the first place naman ginagawa ko lang itong libangan pero ikinatutuwa ko pa din naman lalo na pag may ng co-comment or nag vovote.

Kaya nakapag desisyon na ako na itutuloy ko pa din ito hindi ko nga lang alam kung kailan ko matatapos kasi minsan nakakatamad talaga lalo na kung wala masyadong nag babasa pero okay lang😊.

Ito na ang bagong update! Happy reading sa mga magbabasa!.

                                ♡♡♡♡♡♡♡♡


"Perfect! Another pose naman! Good!"

Di ko maiwasang mapatanga kada pose ni boss sir. Naku! Ganito pala yun pag personal na! Ang galing niya parang memorise niya lahat ng galaw na dapat gawin niya! Kung siguro ako naging artista wala pang isang shot ipagtatabuyan na ako.

Hindi kasi ako photogenic na tao, hanggang finger heart nga lang ata ako eh hehe pero syempre charot lang! Kaya ko naman mag pose pero iilan lang din ang mga nagagawa ko para pang tanga yung iba.

"Last shot and were done!" Paga-anounce ng photographer.

Nangalumbaba lang ako at tinitigan ang boss sir ko na napakagwapo at sexy! Bat ganun? Siguro nung time na nag pasabog ng ka gwapuhan si papa God nandun si boss sir at naliligo? Ako kasi nung mga time na yun nakapayong ako kasi naawa na ako sa ibang tao baka sa sobrang kagandahan ko na kasi baka mapag iwanan na sila.

"Done! Good job Ryll di ka pa din talaga kumukupas! Napakagwapings!" Sabi ng baklang director na tuwang tuwa kay boss sir.

"Thank you it was nice to work with you guys" Pagpapasalamat naman ni boss sir sa kanila at dumaretso na sakin.

Feeling ko tuloy ang haba na ng buhok ko hihi.

"Water" Sabi nito ng makalapit.

Agad ko namang nilapit ang tumbler ko dito para makainom.

"My next schedule?" Tanong nito matapos uminom.

"Ah may aatendahan ka pong isang party ng mga 6 pm boss sir" Sabi ko dito.

Nakakapagod siguro ang trabaho niya no? Sana okay lang siya.

"Wala akong sched this afternoon?" Tanong pa nito.

"Yes boss sir, may gusto po ba kayong puntahan or something?" Pagtatanong ko naman dito.

Malay niyo naman baka sabihin niya gusto niyang makipag date sakin? HAHA charot lang! Bawal harot para di ma charot.

"Nah mag papahinga lang ako sa condo ko mag hapon, orderan mo nalang ako ng makakain" Utos nito at agad ko naman kinuha ang phone ko.

San ba magandang mag order ng food? Hmm.

Wala akong maisip! Tyaka di naman siya mabubusog sa order order nayan eh!. Ahh! Alam ko na ipag luluto ko nalang siya.

"Let's go" Sabi nito at nag lakad na kami pabalik sa naka assign na kwarto nito.

"Sir Ryll! May sasabihin ako!" Pag habol ng babae sa kaniya na sa pag kakaalam ko ay anak ng manager ng kompaniya.

Agad naman niya itong nilingon.

Idol Series #1: My Savage Sweet Idol (On-hold)Where stories live. Discover now