KABANATA 01

19 2 0
                                    

MAGANDANG umaga binibini't ginoo nais ko lamang sabihing maganda ngayun ang aking gising dahil napanaginipan ko lang naman ang aking minamahal. Walang iba kundi si Ryll Monroe Altair, yep yep siya nga!


Nakakatuwa! Alam niyo bang muntik na kaming mag-kiss? Oo muntik palang dahil pinigilan ko siya! Ano siya sinuswerte? Na ganun ganun ko nalang ibibigay yung first kiss ko? Ni hindi pa nga ako pinapakasalan tas ganun? Aba'y hindi naman ata tama yun!.

Pero charot lang talaga yun so yun nga muntik na kaming mag-kiss kaso bigla akong na ihi kaya naman heto at gising na ako para umihi.

Bumangon na ako sa aking higaan at dali daling tumakbo. Hindi ko na kayang pigilan pa ang bugso ng aking damdamin, pag-kaupong pag kaupo ko sa inodoro ay inilabas ko na lahat.

Pyuh! Grabe solid na solid handa na naman akong makipag laban pero charot lang ulit syempre wala pa akong gagawin dahil wala pa naman akong work. Duh?! Kakatapos ko lang kayang grumaduate! Yes yes pipol of the world nag tapos na ako sa wakas ng pag-aaral at kasalukuyang nag-hahanap ng trabahong mapapasukan, pero kamalas-malasan nga naman walang gustong tumanggap sakin sa kadahilanang hindi daw ako marunong magseryoso puro daw ako biro at hindi daw nila ako kailangan! Ouch!

Pero syempre think positive lang ako iniisip ko nalang na baka naiingit lang sila sa kagandahan kong taglay at ayaw ko namang masamain yun kaya hinayaan ko nalang.

"Mory Shane Makaloka! Bumangon kana at mag-handa para sa interview mo! Naku kang bata ka ilang months kanang tumatambay lang dito hanggang ngayun wala ka pading trabaho!" At ayan na nga po sumabog na ang bulkan joke lang nanay ko yun at handa nanaman siyang pumutak ki-aga aga hayst.

"Heto na po! Naku naman nay! Dapat ako ang mag papakilala sa sarili ko ba't inunahan mo ako? Hayst" napailing nalang ako at nag simulang ayusin ang aking mga gamit at sarili.

Akala ko pa naman makakapag pahinga lang ako ngayung araw mukhang hindi pala, ayaw ko namang dumanak ang dugo sa paligid kaya heto at nag mamadali na akong kumilos. Para sa kinabukasan!

"Mabuti at naisipan mo ng bumaba? Jusko kang bata ka napakatagal mong kumilos daig mo pa ang suso!" Putak ng aking nanay.

"Ma alam mo bang mabilis na yun? Ilang minuto lang naman akong naligo at hindi pa ako satisfy dun napilitan lang akong maligo ng ganun kabilis at sa pag papalit naman abay ang hirap kayang mamili ng isusuot na damit syempre kailangan nating maging kaaya aya sa paningin ng iba ma" sabi ko at umupo sa tabi ng aking kapatid na lalaki. Panganay siya at ako naman ang bunso.

"Hayaan mo na kasi hon dapat lang naman talagang maging kaaya aya ang anak mo para matanggap siya" pagtatanggol naman sakin ni papa. Hihi kampi kami nan oy!.

"Hay! Ayan ka nanaman sa pangungunsinti mo! Eh ano kung hindi siya kaaya ayang tignan? As long as tapat siya at maayos magtrabaho ay matatanggap siya! Isa pa dapat din samahan ng tiyaga at respeto yun ang kaaya aya para saakin!" Ayan ngayun alam niyo na huwag na huwag kayong makikipag-talo kay mama dahil siya lagi ang tama at nananalo.

"Umakyat ka at mag-palit ng damit! Ano yang suot mo parang kinapos sa tela? Yan ba ang usong sinasabi niyo? Eh parang imbes na mag-aaply k-" bago pa nito matapos ang sasabihin ay tumayo na ako.

"Oo na ma mag papalit na hindi niyo na po kailangan pang sabihin ang nasa isip niyo baka umabot pa tayo hanggang bukas" naiiling na nag-lakad ako. Ang kj talaga ni mama kahit kailan pero kahit na ganun love na love ko yun no.

"Tama si mama bunso ka-" sinamaan ko ito ng tingin.

"Oo na kuya eto na nga o paakyat na konting kembot na lang mararating ko na yung kwarto ko" asar na sabi ko dito. Kung di ko lang talaga alam ang kalokohan nito ay siguro binato ko na ito ng sandal ko.

Idol Series #1: My Savage Sweet Idol (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon