Ilang minuto ang dumaan at nandito na kami ngayon sa labas school gate namin, kasalukuyan naming kinukuha ang mga maleta namin sa likod ng sasakyan.

Habang kinukuha namin ang maleta namin lumapit ang adviser ko sa kay Mama at nagmano. Alam kung nagtataka kayo kung bakit nagmano ang adviser namin sa mama ko kasi dahil yun ay relatives ko lang din naman si Ma'am kaya ayun.

Pero kahit na magkadugo kami di ako gaano lumalapit sa kanya kapag nasa paaralan kasi baka akalain ng iba na sumisipsip ako sa kanya para itaas ang marka ko kasi magkadugo lang kami. Lalong lalo na kasi alam na ng mga kaklase ko na magkadugo kami kaya ayun.

Nag-usap lang silang dalawa habang kami naman ni Kyrstal ay nasa tabi nila nakikinig. Ipinagbilin ako ni Mama sa kay Ma'am at sinabihan si Ma'am na kuhanin ang camera ko sa gabi para di iyon mawala at sinang ayunan naman ito ni Ma'am.

Matapos ang pag-uusap nila ay pumasok na kami sa loob ng paaralan at nagtungo na sa may waiting area kung nasaan ang iba pa naming mga kaklase.

Sa pagpasok ko nagtagpo agad ang mga mata namin ni Vance. Ngumiti ito sakin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Pero huli na ang lahat dahil nakita na iyon ni Kyrstal. Kasi habang naglalakad kami doon mas humigpit ang pagkapit ni Kyrstal sa braso na para bang kinikilig. Pinagdidilitan ko ito ng mata dahil nagpapahalata na siya.

"Tumigil ka nga diyan Kyrstal." Inis na bulong ko sa kanya

"Ayiee kinikilig siya kasi ngumiti si Vance sa kanya." Tukso nito habang kinikilig

"Tumahimik ka nga, ikaw ha basta ma buking ako. Ibabalibag talaga kitang gaga ka." Saad ko habang amba siyang babatukan pero nakaiwas din agad siya dahil binitawan niya ang pagkahawak niya sa braso ko at nagmamadaling umuna papunta sa mga kaibigan namin. Abugh!?

Sa pagdating namin sa pwesto nila ay umupo agad ako sa bakanteng upuan. Naguusap lang kami ng kung ano-ano.

Habang naguusap kami ay may biglang tumabi sakin kaya liningon ko ito at nakita ko ang kaklase kung lalaki na si Carlton.

"Hi Jaime" nakangiti nitong bati sakin

"Hello" kumakaway kung sagot at matapos ko siyang batiin ay umiwas agad ako ng tingin kasi naiilang ako sa kanya.

Di ko alam kung bakit di ako masyadong komportable sa kanya kahit na naging seatmate ko siya.

Isa siya sa mga transfer student at sa unang araw ng pasukan nag assign agad si Ma'am ng seating plan kaya ayun naging seatmate ko siya at si Vance bali napapagitnaan ako ng dalawang lalaki.

Awkward nga paminsan minsan eh kasi kapag naguusap sila maririnig ko ang pinag-uusapan nila kasi nasa gitna nila ako dalawa. At kapag naman naguusap sila parang wala ako sa gitna

Pero matapos ng first quarter ay nagpalit na naman ng seating plan kaya ayun sobrang tuwa ko kasi nakakatakas na ako sa kanilang dalawa. At ito na ang time na magkatabi na kami magkakaibigan maliban nalang kay Chea.

"Excited ako sa activities na gagawin natin mamaya."

"Haha obvious nga eh." Natatawa kung sagot

"Nag retreat din kayo noong Third year kayo?" Kuryosidad na tanong nito sakin

"Di kami nag retreat pero nag recollection kami para lang din siyang retreat pero ang kaibahan lang di kami nag overnight." Pagpaliwanag ko sa kanya

"Wow!nakaka excite talaga ang mga activities dito sa school nato. doon kasi sa dati kung pinag-aaralan wala kaming mga activities na ginagawa."

Make It With YouWhere stories live. Discover now