Chapter 3

255 18 4
                                        

[Chapter 3]

(ALEERA POV)

Napahinga ako ng malalim .. nandito ako ngayon nakatayo sa tapat ng malaking bahay na papasukan ko bilang bodyguard ng isang anak na mayaman.

Hays, kaya mo yan Alee. Kung sakaling rapist o bastos ang lalaking pagsisilbihan mo, kaya mo naman ipagtanggol ang sarili mo eh, sapakin mo siya! Oo. Tssh

Napailing nalang ako at akmang kakatatok na ako sa gate nang mapansin kong may paparating na sasakyan. Kaya naman tumabi muna ako.

Huminto yung sasakyan, pagbaba .. si Ma'am Lilibeth pala.

"Oh Alee nandito kana pala."- napangiti siya at lumapit sa akin.

Napangiti din naman ako, actually nakilala ko si Ma'am Lilibeth sa jeep. Muntikan na rin kasi siya dun madukutan kaya ako naman itong si pakielamera, hindi ko hinayaan na mawalan si Ma'am Lilibeth. Kaya ayun, tinulungan nya ako makahanap ng trabaho.

"Kanina ka pa ba nandito?"- she ask

"Ahm hindi naman po, kadarating ko lang din po."

"Oh siya tara na sa loob, sakto at nandyan ang anak ko, ipapakilala na kita."

Tumango nalang ako at ngumiti. Then after that sinabayan na ako ni Ma'am Lilibeth na pumasok sa loob.

"Kumain kana ba?"- she ask

Tumango lang ako.

Pagpasok namin sa loob ng bahay halos mamangha ako, sobrang laki ng bahay nila. Ang ganda!

"Maupo ka muna, tawagin ko lang si Rayden."

Tumango lang ulit ako at ngumiti then pumanik na siya sa itaas. Ako naman naupo muna habang nakatingin pa rin ako sa buong paligid.

Napangiti naman ako dahil nakita ko yung picture ni Ma'am Lilibeth na malaki, i think dalaga pa siya dito at ang ganda nya.

"Pababa na siya, magha-handa lang ako ng pagkain mo."

"Salamat po."- i smiled, tumango lang sya then pumasok sa kitchen.

"Mom, where's him?"

Napatingin ako sa taas ng hagdan.

Napahinto siya at halatang nagulat nang makita ako

W-Wait, siya yung ..

Napatayo ako bigla.

Siya naman nagmadaling lumapit sa akin, nanlalaki pa ang mga mata nya.

"I-Ikaw?!"- gulat nyang tanong

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa.

Umiwas agad ako ng tingin.

Tsk! Bakit ba nakahubad sya?!

"Rayden?!"

Nagulat naman ako at napatingin kay Ma'am Lilibeth.

"Mom, I know her!"- sabi nung Rayden.

"Okay? Pero magbihis ka muna! Mahiya ka naman sa bisita, anak."

Parang ngayon lang nya narealize na wala siyang saplot sa katawan kundi ang boxer nya lang. Tss

Agad siyang napatakip ng katawan at tumingin pa sa akin, umiwas ulit ako ng tingin.

Napa-tsk siya at nagmadaling pumanik ulit sa kwarto.

__________________________

(RAYDEN POV)

Halos masabunot ko yung buhok ko sa sobrang kahihiyan. M-Malay ko bang babae yung bodyguard ko?!

T-Tapos .. tapos ..

SIYA??? Y-YUNG BABAENG TUMULONG AT NAGLIGTAS NG BUHAY KO!!! OH MY GOD!!! HINDI KO INAASAHAN 'TO.

Okay, hingang malalim Rayden! Siya ang babaeng nagligtas at tumulong sa'yo kaya dapat maging masaya ka.

Pero hays, bakit kasi ganito yung nararamdaman ko?

Bakit parang nahihiya ako na ewan? Tss.

Maya-maya naisipan ko nang bumaba, nakita ko siyang ngumingiti habang kausap ni Mommy.

Dalawang mukha nya na ang nakikita ko. Kahapon ang angas tignan basta ewan ko, para sa akin ang ganda nya habang nakikipag-laban sa snatcher.

Wait .. maganda?

Ah basta!

Tapos ngayon ..

N-Ngumingiti siya ng ganyan?

Napalunok ako at umiwas ng tingin, hinampas ko ng mahina yung noo ko. Tsk, ano bang mga pinagsasabi mo Rayden?! Yan ba yung mga tipo mong babae? Hays!

"Rayden? Ano pa bang ginagawa mo dyan? Dumito ka na at kausapin mo na ang magiging bodyguard mo."- Mom said

Napahinga ako ng malalim at bumaba na, umupo ako sa sofa sa tapat nya. Pagtingin ko sa kanya nakatingin siya sa akin, marahan namang umiwas ng tingin ang mga mata ko. Tsk!

"Oh ano na?"- nalito naman ako sa sinasabi ni Mommy

"Why?"- i ask

"Anak magpa-kilala ka ng pormal sa bodyguard mo."

Tumingin ako sa kanya, ngumiti naman siya ng slight at tumango din. Kaya naman ngumiti na rin ako.

"I'm Rayden De Villa, call me Ray nalang if you want."- i said

"I'm Alee, Aleera Forteza."- sabay lahad nya ng kamay nya, ngumiti ako ng slight at nakipag-shake hands sa kanya.

"Nabanggit sa akin ni Alee na nadukutan ka ng snatcher sa Divisoria, magpa-salamat ka at nandun si Alee kung wala hay nako bata ka."- Mom said

Si Mommy talaga! Tsk.

"Ahm pwede ko po ba makausap si Rayden?"- napatingin ako bigla kay Alee

H-Ha? Bakit?

"Oh sige mabuti pa nga."- tumayo si Mommy at umalis na.

Napapalunok ako .. tsk, bakit ba ganito yung pakiramdam ko?

"Kumusta ka?"- she ask

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Ha? O-Okay naman ako."

"Hmm mukha nga, mukha namang hindi ka nagka-trauma."

Napangise naman ako sa sinabi nya.

"Hindi naman ako takot para magka-trauma."

"Oh? Talaga? Bakit kailangan mo ng bodyguard?"

Tss, wow? Bakit feeling ko maiinis ako sa kanya?

"I need bodyguard because I'm famous."

Unti-unti naman siyang tumawa.

"Hoy hindi nakakatawa, totoo yung sinasabi ko."

"Okay sabi mo eh, pero heto lang ang gusto kong malaman mo. Hindi ikaw ang boss ko."







To be continued ...

When I'm with YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang