Chapter 4

155 9 1
                                        

[Chapter 4]

__________________________


"I can't do this."

(Ano ba dude? Mag-sstart pa lang ang bodyguard mo na samahan ka tapos ayaw mo na agad? )

"Eh kasi naman, feeling ko hindi ko siya makakasundo."

(Bakit naman? Gwapo ba yang bodyguard mo? Ayaw mo ng nasasapawan?) - sabay tawa ni Warren

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.

"Yung babaeng kinikwento ko sa'yo kahapon, siya ang bodyguard ko."

(WHAT?!) - nalayo ko yung phone mula sa taenga ko, badtrip 'tong si Warren.

Naibaba ko naman yung phone agad nang makita ko na siyang papalapit na sa akin, simple lang ang suot nya. Naka-pants na black while checkerd longsleeve habang may suot na bucket hat na brown.

Napahinga ako ng malalim.

"Sorry, nalito ako sa paggamit ng shower nyo eh."- sabi nya sabay tawa ng mahina. Tsh she's boyish.

Hindi naman na ako sumagot at sumakay na sa kotse. Siya rin naman sumakay na sa likod.

"Huwag ka diyan, dito ka."- i said

"Bakit? Okay lang naman ako dito eh."

"Gagawin mo pa akong driver mo?"

Nakita ko siyang napangise sa salamin, nagulat pa ako dahil basta-basta syang lumipat dito sa unahan nang hindi manlang lumabas ng kotse.

"Ano ba? Bakit hindi ka lumabas?"- angal ko

Tumingin siya sa akin.

"Alam mo ang arte mo, pwede namang pumunta dito nang hindi na kailangang lumabas pa."

Tss, sumasagot pa siya!

"Okay na, so let's go."- sabi nya habang kinakabit yung seat belt sa kanya.

Tssh!

Pagpunta ko photoshoot area ..

"Dito ka magpo-photoshoot?"- tanong nya

"Yeah."

"Oww maraming tao dito hindi ba?"

"I know."

"Baka pagkaguluhan ka, famous ka diba?"- nang aasar ba siya?

"You're my bodyguard right? So trabaho mo ang ilayo sila sa akin."- pagkasabi ko nun lumabas na ako ng kotse.

Lumabas na rin siya at agad na tumabi sa akin. Pero ang weird masyado na ang pagkaka-shield nya sa akin.

"Omg!!! Si Rayden!!!"- sigaw ng mga kababaihan na papalapit sa amin.

"Ops ops ops!"- humarang agad sa kanila si Alee.

"Bawal lumapit."- sabi ni Alee sa mga babae

"Ha? Bakit? Ano kaba nya?!"

"Ako lang naman ang bodyguard nya, kaya bawal lumapit!"- natawa ako ng simple, ang angas nya talaga tignan kapag gumaganyan siya.

Halatang walang nagawa yung mga babae at umalis nalang.

"Ano? Saan yung area ng photoshoot mo?"- she ask

"Doon banda."- i said, sinabayan ko na siya sa paglakad.

Medyo okay siya, mukhang magagawa naman nya ang trabaho nya bilang bodyguard ko. Kaya kailangan ko rin na makipag-sundo sa kanya. Dahil halos araw-araw ata siya ang kasama ko.

When I'm with YouWhere stories live. Discover now