t w e n t y - f o u r !

Start from the beginning
                                    

After getting bored, lumabas na ako ng club room. Siguro sa bahay na lang ako mag-aaral.

Nakita ko si Taeyong nasa labas, nakasandal sa pader. Naka-earphones, isang strap lang ng bag niya nakasabit sa balikat niya.

Hindi naman sa hindi ko gusto si Taeyong. He's good looking and he's very nice. He's someone that makes everyone will fall in love with him.

Oo nga, Mielle. Bakit si Jaehyun na hindi ka naman gusto? Bakit hindi na lang sa taong nagkakagusto sayo?

"Mielle." He smiled as I came to him.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Nalaman ko kay Michi na nandito ka. I'm waiting for you."

"Ahh."

"Sorry sa kahapon. Nabigla kita. Kalimutan mo na lang, I know you still like Jaehyun."

Ngumiti siya. His smile. Nakakaguilty. If I didn't met Jaehyun first, I'm sure that I'll be in love with Taeyong.

"I'm sorry." Tumingin ako sa sahig.

Ginulo niya 'yung buhok ko at tumawa, "Okay lang, Mielle, wala kang kasalanan."

Sumabay ulit sa akin si Taeyong kaya nagkwentuhan na lang kami about sa kung ano-anong bagay na pwede namin mapagkwentuhan. I know I said it's awkward but after him making me smile, I realize I'm still comfortable when I'm with him.

"Nga pala, dumaan si Jaehyun kanina sa room. Nagtaka ako sa kanya kasi hindi niya ako pinansin. Kinausap niya naman ako pero iba dating sa akin as if iniiwasan niya ako. Nahalata niya na kaya ako?"

Napatingin ako kay Taeyong habang naglalakad kami pero nagulat akong nakatitig pala siya sa akin. Kaya nung nakatingin ako sa kanya, bigla siya umiwas ng tingin.

"Mielle, bakit umaasa pa rin ako sayo kahit wala alam kong iba pa rin ang gusto mo?"

And this hit me like a truck. Taeyong is feeling the same thing like I do. We're both experiencing the same situation.

Would I be okay if I moved on from Jaehyun and try to consider others' feelings?

-

Nahiga ako sa higaan ko nung inaantok na ako. Iniisip ko pa rin si Jaehyun. Ano kaya na nangyayari sa kanya? Okay lang kaya siya?

Hay nako, Mielle. Hanggang ngayon si Jaehyun pa rin iniisip mo. Hindi mawawala feelings mo sa kanya at hindi ka talaga makaka move-on niyan.

I sighed at myself before drifting to dream land.

Nagising ako sa alarm ko at nakarinig ng patuloy na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Mie! May bisita ka!" Tumayo ako sa higaan at inaayos ang sarili ko. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Manang.

"Saan po si Dad?" Tanong ko.

"Nako umalis. May bisita ka diyan." Sabi ni Manang.

Bumaba ako sa sala at nakita si Taeyong at Doyoung.

"Ano naisip niyo at pumunta kayo rito?" Tanong ko sa kanila. Umupo ako sa sofa na bakante rito sa may sala.

"Masama ba? Kung gusto mo, uuwi na lang kami." Natatawang sabi ni Doyoung. Hahampasin ko sana si Doyoung pero lumayo siya.

"Dapat lang kasama pa namin si Mark, Taeil at Kun. Si Kun at Taeil kasi may pinaghahandaan. Si Mark, ewan ko dun, tulog pa." Sabi ni Doyoung.

Tumingin ako kay Taeyong, ngumiti siya sa akin.

"Naisip ko, malapit na club week. Tutugtog ba tayo?" Tumingin ako kay Doyoung na nagsalita pa rin.

"Hm, okay lang naman sa akin." Sabi ko.

"Hindi ka maprepressure, Mielle? May play ka pa." Tanong ni Taeyong.

"Kaya ko." I assured.

"Naiinis na ako kay Jaehyun. Tinatanong ko siya kung ano problema niya kung bakit ayaw niya na magplay tapos ngayon gusto niya magtake ng break sa Neo Band!" Sabi ni Doyoung.

"Speaking of Jaehyun," Tumingin sa akin si Taeyong, "Mielle, alam na ni Jaehyun."

Anong alam ni Jaehyun? Nalaman ni Jaehyun 'yung feelings ko sa kanya?

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

sorry i had to put taylor swift's song and the lyrics somewhat fits mielle's situation. tswift's old songs are gold. i just remember my old self jamming to her songs.

okay that's it. skl. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

la douleur exquise | jaehyunWhere stories live. Discover now