e i g h t !

589 37 8
                                    

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

mielle cho.

"So, 'yun nga. Kambal mo nga si Miette?" Tanong ni Taeyong nung tapos na kami maka-order sa isang kainan.

Tumango ako, "Yeah."

"Hoy, Taeyong, ah! 'Wag mo ipagkakalat! Sasapakin kita kahit gwapo ka!" Sambit naman ni Michi na katabi ko.

"Bakit ko naman ipagkakalat?" Natatawang sabi ni Taeyong.

"Famous ka e. Baka ipagkalat mo sa lahat." Sabi ni Michi.

"Mahalaga sa akin si Mielle kaya 'di ko gagawin 'yun sa kanya." Tapos ngumiti si Taeyong sa akin.

"Wow." Tanging sambit ni Michi.

Nang matapos kami kumain at nagkwentuhan, lumabas na kami ng kainan.

"Bestieee, thank you sa libre! Happy birthday ulit!" Sabi ni Michi tapos niyakap niya ako.

"Happy birthday, Mie! Thank youuuu!" Sabi ni Sicheng.

Tapos nun sabay silang umalis ni Sicheng at Michi kaya kami ni Taeyong 'yung naiwan sa labas ng kainan. Sabi niya ihahatid niya raw ako sa bahay e.

"Sure ka bang ihahatid mo ako? Baka gabihin ka naman umuwi." Sabi ko sa kanya.

"Oo naman," Tapos tumango-tango siya, "Tsaka delikado na oh, kaya ihahatid na kita." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Mielle," Nag-'hmm' naman ako bilang sagot, "Thanks for trusting me."

"Kaibigan naman na kita." Sabi ko sa kanya.

-

Natapos na rin 'yung kaarawan ko at normal day ulit ngayon, papasok ng school at mag-aaral.

Kasalukuyang kaming nasa cafeteria dahil break time, ako lang 'yung kumakain sa aming tatlo dahil si Michi at Sicheng, busog pa raw. Sinamahan lang nila ako kumain.

"Ang bilis ng oras, no? Tapos na agad ni birthday ni Mielle." Biglang sambit ni Michi.

"Birthday ni Mielle kahapon?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Jaehyun na nakatayo na ngayon sa harap ng table namin.

"H-ha?" Ang tanging sambit na lang ni Michi.

"Nung isang araw pa birthday ni Mielle, Jae." Dumating naman si Taeyong at tumabi sa akin.

"Ah. Bakit hindi mo sinabi sa amin? Bakit kay Taeyong hyung lang?" Tanong ni Jaehyun.

"Ah, hindi. Wala naman talaga akong balak sabihin kay Taeyong. Narinig niya lang kami." Sabi ko na lang sa kanya.

"Belated Happy Birthday, Mielle. Sorry, hindi ko kasi alam e." Bati ni Jaehyun.

Ngumiti ako at sinabing, "Thank you."

Kunyari kalmado ako pero deep inside talaga kinikilig ako. Tumingin ako kay Michi na nakatingin sa akin ngayon at kinikilig din tapos nakangiti nang nakakaloko. Tapos bumaling naman 'yung tingin ko kay Sicheng na masama tingin sa akin.

Pagkatapos naman nung eksenang nun, umalis na kami nila Michi at Sicheng sa canteen.

"Taray, Mielle! Binati ka ni Jaehyun bebe mo." Kinikilig na sabi ni Michi habang naglalakad kami pabalik ng classroom.

"Parang binati lang e." Sambit ni Sicheng.

"Shh, 'wag ka maingay, Michi. Baka may makarinig sa atin." Sabi ko naman kay Michi.

"Ito talagang si Cheng! Akala mo naman?! Sabihin ko 'yang sikreto mo kay Mielle e." Sabi ni Michi kay Sicheng kaya napatingin ako kay Sicheng at nagtaka. Anong sikreto?! May tinatago sila sa akin?

"Anong sikre-"

"WALA!" Ang bilis naman sumagot ni Sicheng, 'di ko pa nga tapos yung tanong ko.

"Crush-" Naputol ni Michi dapat 'yung sasabihin niya nang takpan ni Sicheng 'yung bibig ni Michi. Nakatingin pa rin ako sa kanila nang nagtataka.

"May crush ka na, Sicheng?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, pauso 'yan si Michi e." Sagot ni Sicheng. Napa-'hehe' na lang si Michi. Sakto na ring nasa harap kami ng klase namin kaya pumasok na kami sa loob.

'Di tumagal may teacher na rin na pumasok sa loob ng klase. Pero 'di ko maiwasan mapa-isip na at mapansin na, puro pala ako pag-aaral, 'di ko napapansin si Sicheng. Matagal ko ng kaibigan si Sicheng, bata pa lang kami magkaibigan na kami, pero ngayon, konti na lang 'yung nalalaman ko tungkol sa kanya. May nagugustuhan na nga siguro ata 'yun? Kailangan ko malaman, kung sino 'yun para matulungan ko siya.

"Sicheng." Tawag ko sa kanya nung nag-uwian na at nag-aayos kami ng gamit namin.

Tumingin naman siya sa akin at naghihintay na magsalita ako.

"Yayain sana kita bukas, date tayo." Sabi ko sa kanya.

"Ha?"

"Friendly date!"

"Ah." Tumango-tango naman siya.

"Ano payag ka ba?" Tanong ko sa kanya na nakangiti.

"Oo naman." Mahinang sambit niya.

"Okay ka lang ba?" Tumango siya bilang sagot niya. 'Di pa rin maalis sa isip ko kung ano tumatakbo sa isip nito ni Sicheng. May problema ba siya? Dati, nasasabi niya pa sa akin 'yung mga nagpapagulo sa isip niya. Ngayon, hindi na.

"Ok lang ako, Mielle." Tinawag niya akong Mielle.

"Mielle na lang?"

"Edi Mie." Natatawang sambit niya.

"Sicheng, sabihin mo lang sa akin kung may problema ka. Nandito naman ako. Matagal na tayong magkaibigan, diba?"

"Oo naman, Mie, tsaka wala naman akong problema."

Sinungaling ka, Sicheng, kilala kita.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

la douleur exquise | jaehyunWhere stories live. Discover now