s e v e n t e e n !

539 34 14
                                    

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

mielle cho.

Tahimik lang kami ni Jaehyun sa sala. Pero deep inside, nagpapanic talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko!!

"Totoo ba, Mielle? Nagquit ka?" Tanong ni Jaehyun. Tinignan ko muna siya bago ako sumagot. Ano na sasabihin ko sa kanya?

"Oo, mas bagay kay Kristen 'yun." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Bakit mo naman nasabi?"

"Maganda si Kristen, bagay sa kanya 'yung role." Ako naman hindi.

"So, sinasabi mo bang hindi ka maganda?" Natatawang sabi ni Jaehyun.

Tinignan ko siya ng masama, "Bakit ka tumatawa?"

Lumapit siya sa akin at nilagay niya 'yung dalawang kamay niya sa magkabilang pisnge ko at pinagpisil ito.

"Bakit mo ba iniisip na hindi ka maganda, huh?" Tanong niya. Bumilis 'yung tibok ng puso ko nang tignan ko siya sa mata niya. Mga mata niyang nagninining. Mga matang nakatingin sa akin pero para kay Miette lang.

"Mielle, uy, kausapin mo ako."

"Ano ba dapat ko sabihin?" Hirap na hirap akong magsalita kasi nakanguso ako dahil sa pag-ipit pa rin ni Jaehyun sa pisnge ko.

Tinanggal niya na sa wakas 'yung kamay niya sa mukha ko at ngumiti sa akin, "Bumalik ka na sa play."

"Ayoko na nga." Sabi ko sa kanya.

Paano pa kaya kung malaman niyang aalis na rin ako sa Neo Band?

Niyaya ako ni Jaehyun na gumala sa malapit na main park dito sa lugar namin. Nabored na raw siya sa bahay namin.

"Jaehyun, may problema ba kayo ni Miette?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

Tumingin ako sa kanya at napansin kong parang nahihirapan siyang sumagot sa tanong ko.

"Wala, konting tampuhan lang kamkng dalawa." Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya.

Hindi ako naniniwalang nagtatampuhan lang sila dahil sinabi na rin sa akin ni Taeyong na may problema silang dalawa.

"Jaehyun, paano kapag umalis na rin ako ng banda? Hahanap pa rin ba kayo ng ibang papalit sa akin?" Nagtakang lumingon sa akin si Jaehyun at nagkunot 'yung noo niya.

"'Wag mong sabihin na aalis ka rin ng Neo?"

"Ang sabi ko lang naman ay kung paano."

"Hindi kami hahanap ng iba kasi ikaw lang gusto namin. Iba ka sa lahat, Mielle." Ngumiti sa akin si Jaehyun at ningitian ko rin siya pabalik.

"How can I help you para bumalik ka sa play?" Sambit ni Jaehyun.

"You don't need to. I already made my decision and it's final." Sagot ko sa kanya.

Napansin kong biglang nanahimik si Jaehyun kaya napayuko na lang ako at hindi alam ang gagawin.

Sorry, Jaehyun. Para sayo rin naman 'tong ginagawa ko para hindi rin masira image mo sa school nang dahil lang sa akin.

Kinabukasan na simula nung pinuntahan ako ni Jaehyun sa bahay namin.

Pumasok na nga ako ng school at syempre, fair week pa rin kaya wala mga klase.

Nagulat ako ng sumulpot nanaman si Jaehyun sa harapan ko at kinuha 'yung kamay ko at hinila na lang ako bigla.

"Hoy, saan mo ako dadalhin?!" Sabi ko sa kanya. Hinila niya lang ako at hindi siya nagsalita. Ano naman trip nito?

Nabigla ako dahil dinala niya ako sa loob ng auditorium kaya napatingin lahat sa amin. Hingal na hingal ako dahil mabilis din maglakad ni Jaehyun.

"Mielle, you're back." Sabi ni Ms. Choi sa akin.

"Good to see you here, Mielle. Nako, kailangan ka talaga namin." Sabi ni Johnny.

Tumingin ako kay Jaehyun at nagthumbs up siya sa akin. Pero pagkatapos nun, tumingin ako kay Kristen at inirapan niya ako. Patay ako nito.

Umupo muna ako sa pinakadulo ng auditorium kung saan malayo sa kanila. Pero hindi ko inaasahan na sinundan pala ako ni Jaehyun.

"Sorry, Mielle. Hindi talaga ako comfortable kay Kristen. Forgive me, please?" Sabi ni Jaehyun na katabi ko na ngayon.

Pero hindi ko siya pinansin kaya ginamit ko na lang 'yung phone ko.

Tila hindi ako makagalaw ng ipatong ni Jaehyun 'yung ulo niya sa balikat ko, "Hoy, ano ginagawa mo?"

"Hindi mo ako kinakausap e." Sabi ni Jaehyun.

Bakit ka ba ganto, Jaehyun? Bakit ka biglang naging ganto sa akin? Ano ba nangyari sayo?

Sana hindi mo lang ako pampalipas oras dahil hindi kayo ayos ni Miette. Sana. Sana nga.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝


boring ba siya huhuhu let me know. kasi feeling ko ang boring niya na.

la douleur exquise | jaehyunWhere stories live. Discover now