t w o !

862 47 18
                                    

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

mielle cho

"Funny ka talaga, Sicheng! Nakakainis ka!" Natatawang sabi ni Michi. Tawa siya nang tawa ngayon kasi pinagtritripan ni Michi ngayon si Sicheng sa field. Pinatakbo niya si Sicheng, natalo kasi siya sa isang laro, kaya ayun.

Bumalik naman si Sicheng sa bleachers kung nasaan kami at pawis na pawis siya dahil sa katatakbo.

"So, Mielle, napag-isipan mo na ba?" Humarap sa akin si Michi, hinihintay 'yung sagot ko.

"Ha? Saan?" Tanong ko sa kanya.

"Sa banda nila— "

"'Wag mo na pilitin si Mie kung ayaw niya." Biglang singit ni Sicheng habang nagpupunas siya ng pawis niya.

"Panira ka talaga kahit kailan, Sicheng!" Mataray na sabi ni Michi kay Sicheng kaya napa-'hay' na lang ako sa kanilang dalawa.

"Aalis na ako." Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko kaya tumingala sa akin si Sicheng at Michi. Kinuha ko naman 'yung bagpack ko at sinabit ko sa balikat ko.

Nagmadaling tumayo si Michi nang makita niyang sinuot ko 'yung bag ko, "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa library." Sagot ko.

"Wow, uwian na, mag-aaral ka pa rin?!" Sambit niya.

"Ang dami ko kasing mali dun sa quiz kanina."

"Kami ba niloloko mo, Mielle?! Ikaw na nga pinakamataas sa quiz kanina!" Medyo malakas na pagkasabi ni Michi sa amin.

Napakamot ulo naman ako dahil sa sinabi ni Michi, "Hayaan mo na ako mag-aral."

Kaya napa-'hehe' na lang siya at hinayaan niya ako umalis. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at dumiresto na ako sa building kung nasaan 'yung library.

Pero napatigil ako nang makita ko si Jaehyun na nakangiti, may dalang mga paperworks at dala-dala 'yung bag niya sa tapat ng faculty room.

Nung matapos niyang tignan 'yung mga papel na hawak niya, nagsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ko at nilagpasan niya lang ako na para bang hindi kami magkaklase.

Ok lang 'yan, Mielle. Sanay ka naman diba? Kaso kasi kahit ningitian niya manlang ako o kaya tignan niya manlang ako, kaso talaga hindi e.

Umiling na lang ako at dumiretso na lang sa library na malapit lang din sa faculty room.

Natapos na ako mag-aral. At aaminin ko, sumakit 'yung ulo ko sa mga binabasa ko. At aamin ulit ako, wala talagang pumasok sa utak ko dahil sa kakaisip about dun sa sinasabing banda ni Michi.

"Hay, wala na patutunguhan 'to." Bulong ko sa sarili ko kaya sinarado ko 'yung libro ko at nilagay na lang sa bag ito.

Dumiresto na ako palabas ng school at nagpatungo na lang sa bus stop para umuwi sa bahay.

Habang naghihintay nang bus na masasakyan, umupo muna ako at sinuot 'yung earphones ko para magpatugtog. At dahil wala kong magawa, sumabay ako kumanta ng medyo mahina dun sa pinapatugtog ko.

"You have a nice voice." Nagulat ako at napatayo kaya tinanggal ko 'yung earphones ko mula sa tenga ko dahil sa boses ng isang lalaki.

"Hala, nagulat ba kita, Mie? Sorry." Tumingin ako sa kanya nang nagtataka kaya ningitian niya ako. Parehas pala kami ng school, napansin mo kasi dahil sa uniform niya.

"Paano mong alam na ako si— "

"Bakit hindi mo kasama babe mo?" Natatawang sambit nung lalaki.

"B-babe?" Nagtatakang sabi ko.

"Si Jaehyun. May iba ka pa bang babe?" Natatawang sabi nung lalaki tapos tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa kaya napalayo ako onti. Jaehyun? Babe ko? Ano ba akala niya sa akin? Si Miette?

"Teka, nag-iba ata taste mo? Mas maganda ka ng walang make-up, Mie. Mas naging simple ka ngayon, ah." Nakangiting sabi ulit ng lalaki na nasa harap ko.

"Hindi mo naman kasi muna ako pinagsasalita. Hindi ako si Miette." Sabi ko sa kanya. Kaya tumingin din siya sa aki na nagtataka, "Mielle ang pangalan ko."

"Woah, you look like Miette. Pero the simple version ka naman," Tumawa siya, "I'm Taeyong. Nice to meet you, Mielle." Nilahad naman ni Taeyong 'yung kamay niya at tinanggap ko ito para makipagshakehands.

"Okay lang ba sayo kung may mga tao rin ako papakilala sayo? I mean, ang ganda mo kasi— 'yung boses mo." Napakamot naman si Taeyong ng ulo niya at tumingin sa akin, hinihintay 'yung sagot ko.

"Basta hindi mo ako ipapahamak, may pangarap pa ako sa buhay ko." Sabi ko sa kanya.

"Syempre naman, papakilala lang naman kita e."

Saktong dumating na 'yung bus na sasakyan ko kaya tumingin ko sa kanya, "Bye, aalis na ako."

"Ingat ka, Miet— Mielle!" Tapos sumakay na ako sa bus na nakangiti at medyo natatawa dahil napagkamalan akong girlfriend ni Jaehyun.

Sana nga ako na lang si Miette.

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

note; boring, sorry.

la douleur exquise | jaehyunWhere stories live. Discover now