"Spin the bottle" sigaw ni walter

"Luma na yan!" Sagot naman ni gavin.

"Eh ano? Luksong baka? Tumbang preso? Chinese garter? Wala namang ibang laro na pwede dito sa room" aabi naman ni bryan.

"Sige! Spin the bottle na lang, pero dahil wala tayong bottle dito, iibahin natin!" Nakangiting sabi ni gavin na parang may naiisip na.

Ayokong sumali sa kalokohan nila, pero pinilit nila ako. Nilagay na nila ang mga upuan sa side at nagform kami pacircle sa gitna. Sinulat nila ang pangalan naming lahat bago nilukot at pinaghalo halo. At dahil wala kaming paglalagyan, nilagay na lang nila sa sahig. Sunod na nagsulat sila sa papel ng mga tanong at ang parusa nito kung hindi sasagot ang nakabunot nito, at nilukot din nila at pinaghalo halo bago nilagay sa tabi ng mga pangalan. Naiintindihan niyo ba? Tamad kasi akong mag explain kaya intindihin niyo na lang. Hahaha

"Ako ang unang bubunot sa pangalan" nakangiting sabi ni gavin at kumuha na sa mga pangalan. "Ang nabunot ko ay siiiiiiii.......Dexter!" Malakas na sabi niya.  tumayo na si dexter at kumuha ng tanong saka ito inabot kay gavin.

"Tatahol ka sa labas ng room tuwing may paparating ang prof sa loob ng isang linggo kung hindi mo sasagutin ang tanong na ito!" Natatawa si gavin habang binabasa ang nakasulat sa papel.

"Palitan mo ng math ang tanong para hindi siya makasagot!" Natatawang sigaw ni Ethan.

"Gago ka ethan! Hindi pwedeng palitan ang tanong!" Inis na sabi ni dexter.

"Tama na yan! Ito na ang tanong. Ano ang tawag sa pinakamalaking buto sa ating katawan?"

"Teka! Ang daya naman oh! Pinalitan mo ata ang tanong!" Reklamo ni dexter at inagaw ang papel kay gavin at saka binasa ito. "Tangina naman oh! Sinadya to eh!" Lugmok na sabi niya nang mabasa na ang nakasulat sa papel.

Hahahahahahahahhahahahahahaha

Napuno ng tawanan ang buong classroom namin. Mukhang may magiging watchdog na kami ah. Hahahaha

"Next! Next na!" Natatawa paring sabi ni andrew.

Mangiyak ngiyak parin si dexter habang bumubunot ng pangalan ng susunod.

"Ang daya talaga!" Sabi pa niya bago basahin ang pangalan ng nakasulat sa papel. "Ikaw na Perry!" Dagdag niya kaya kumuha na ng papel si perry at inabot kay dexter.

"Wag mong papalitan ang tanong, makakatikim ka talaga sakin!" Banta ni perry

"Tahimik na! Eto na. Sasayaw ka ng sexy dance na nakatopless sa gitna ng field pag hindi mo nasagot ang tanong na ito!...May Nakahalikan ka na ba na same sex? At sino?" Ngumisi si dexter sa tanong at tumingin kay perry "lagot ka! Wahahaha" halakhak niya.

"Ano bang klaseng tanong yan! Parang sinasadya ata!" Reklamo ni perry

"Sagutin mo na lang kasi!" Nakangising sabi naman ni Owen.

"Tanginang yan... Oo!" Sigaw niya.

What the fuck! Totoo?

"Sino?" Tanong naman ni fred.

Bakit parang alam nila?.

"Hindi ko kilala. Kasalanan niyo kasi! Tinulak niyo ko, kaya nahalikan ko ang lalakeng yun!" Inis na sagot niya.

WHAT.THE.FUCK!

"For real?" Di makapaniwalang tanong ko. Kaya nagtawanan silang lahat maliban kay perry na gusto ng lumubog sa kahihiyan.

Scarlet Eyes [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon