Kabanata 10

288 25 7
                                    

Problemadong pabalik-balik sa paglalakad si Vice sa labas ng bahay nina Lola Delia. Kakarating lamang ni Anne, kasama si Vhong, at bakas din sa mga mukha nito ang labis na pagkadismaya.

"Maniwala kayo, wala na sa akin yung hinahanap niyong brilyante. At pinagsisihan ko na yung ginawa ko nung gabing yon, lalong-lalo na sayo," nanginginig na giit ni Virgilio sabay tingin kay Vice. Panaka-naka rin siyang lumilingon sa loob ng bahay dahil ayaw niyang marinig ng kanyang lola ang tunay na dahilan kung bakit naroon ang mga di nila inaasahang bisita. Hindi rin kasi nito alam ang naging tunay na trabaho ng apo sa Maynila.

"Aksidente yung nangyari, hindi ko sinasadyang saktan ka nun. Parang-awa niyo na, wag niyo akong ipakulong. Pinagsisihan ko na lahat ng nagawa ko. Sinusubukan ko ng magbagong buhay. Kaya nga umuwi na ako dito," patuloy niyang pagpapaliwanag.

"Wag kang mag-alala, wala akong balak na ipakulong ka. Ibalik mo lang samin yung ninakaw mo at wag kang magsisinungaling," diretsong napatingin sa kanya si Vice na tila naninindak.

"Sorry pero maniwala man kayo o hindi, nagsasabi ako ng totoo. Wala na nga sakin yung hinahanap niyo. Naibenta ko na."

"Hindi ako naniniwala," pagmamatigas ni Vice. "Kung totoong naibenta mo na ang brilyante, ano pang ginagawa niyo dito? Hindi ba dapat nakapaglipat na kayo sa mas maayos na bahay? O napagamot mo na yung lola mo?"

Agad namang umiwas ng tingin si Virgilio dahil dito. Akmang may sasabihan pa sana si Vice nang biglang magsalita ang kanina pang tahimik na si Alena.

"Nagsasabi siya ng totoo. Hindi na niya hawak ang brilyante." Seryoso lamang ang mukha nito at walang pinapakitang emosyon habang pinagmamasdan ang may sala.

"But it doesn't make any sense. Kung naibenta na niya yung brilyante, saan naman napunta yung pera?" turan ni Anne na hindi pa rin kumbinsido.

Napalingon naman si Vice kay Alena na nakatingin pa rin kay Virgilio at tila unti-unting nagkaroon ng ideya na nagsasabi nga ito ng totoo.

"Nawala rin yung pera," giit ni Vice at napatingin sa kanya ang tatlong kasama maliban sa sang'gre. "Wala siyang naiuwing pera — dahil sa sunog."

Dahil dito ay malungkot na napayuko ang lalaking kaharap. "Matagal na akong huminto sa ganung trabaho. Sinubukan kong maghanap ng matinong pagkakakitaan pero kahit anong kayud ko, kulang pa rin yung natatanggap kong pera. Hindi pa rin sapat yun para ipagamot ko si lola. Desperado lang talaga ako kaya ko nagawa ulit yon."

Napalitan naman ng awa ang inis na naramdaman ni Vice. Hindi man niya naranasan ang ganung klaseng hirap ay tila ramdam niya ang pinagdaanan nito.

"Nung gabing ninakawan kita, pinangako ko sa sarili ko na yon na ang huling beses na gagawin ko yon. Magbabagong buhay na ako at mapapagamot ko na rin si lola. Ibenenta ko ang sinasabi niyong brilyante," pagkukuwento ni Virgilio. "Pero tama nga sila, mabilis nga ang karma sa mga taong katulad ko. Dahil sa mismong araw na naibenta ko ang brilyante, biglang nagkaroon ng sunog sa lugar namin. Natupok lahat ng gamit, kasama yung pera, at ni isa, wala manlang ako naisalba."














Marahan ang pag-ihip ng hangin at paghampas ng mga alon habang mag-isang nakaupo si Alena sa labas ng bahay. Tahimik nitong pinagmamasdan ang dagat sa di-kalayuan. Walang emosyon ang mukha nito ngunit tila malalim ang kanyang iniisip.

Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pag-upo ni Vice sa kanyang tabi. "Kamahalan, nandito ka lang pala. Mayamaya, aalis na tayo. Nasa loob lang sila Anne at Vhong, kinakausap pa kasi sila ni Lola Delia. Si Virgilio na rin pala ang hahatid sa atin sa bayan, at mamayang hapon, babalik na tayo ng Maynila. Doon na natin hahanapin si Mr. Kim. Siya raw kasi yung mayamang negosyanteng pinagbentahan niya ng brilyante mo."

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now