Kabanata 17

185 28 8
                                    

Unti-unting minulat ni Vice ang kanyang mga mata at kulay puting kisame at tunog ng mga aparato ang bumungad sa kanyang paggising. Dahan-dahan niyang nilibot ang kanyang paningin ngunit hindi niya magawa ng lubusan dahil sa kaunting kirot ng kanyang natamong sugat. Dahan-dahan niya ring sinubukang igalaw ang kanyang mga daliri at napansing may kung sino ang mahigpit na nakahawak sa kanyang kamay. Unti-unti niya itong naaninag at hindi niya mapigilang mapangiti nang makita ang mahimbing na pagtulog ni Alena.

Tila naging tahimik ang buong silid nang sandali niyang pinagmasdan ang maamong mukha nito. Bumalik sa kanya ang mga pangyayari noong nabaril siya ngunit ni katiting ay wala siyang naramdaman na pagsisisi. Dahil sa pagkakataong iniligtas niya si Alena, ang tanging alam niya lamang ay ang idiniktang dapat gawin ng kanyang puso .

Nanghihinang ginalaw ni Vice ang kanyang sariling kamay at hinawakan rin ng mahigpit ang kamay ni Alena. Nanatili siyang nakatitig lamang sa sang'gre hanggang sa maramdaman niya ang unti-unti ring paggising nito. Sandaling nagtapat ang kanilang mga mata at bakas sa mukha ni Alena ang gulat at tuwa nang makitang mayroon ng malay si Vice.

"Good morning, kamahalan," pagbati ni Vice gamit ang mahina niyang boses dahil kumikirot pa rin ng kaunti ang kanyang sugat. Napatingin naman siya sa maghawak nilang kamay at mas lalong napangiti dahil hindi pa rin ito binibitawan ni Alena.

Mula sa pagkagulat at labis na pagkatuwa ay biglang sumeryeso ang mukha ng sang'gre at tinanggal ang kanyang kamay sa pagkahawak ni Vice. Matalim niya itong tinignan kaya napakunot naman ang noo ng huli. "Bakit mo ginawa yon? Bakit mas pinili mo ang aking kaligtasan kesa sa iyong sarili?" walang emosyong tanong ni Alena ngunit ramdam ni Vice ang matinding pag-aalala sa boses nito.

"Labis na pangamba at takot ang naramdaman ng mga mahal mo sa buhay dahil sa iyong ginawa. Inilagay mo sa panganib ang iyong buhay at kamuntikan ka ng mawala sa kanila," tila naiinis at seryosong pagsasalita ni Alena. "Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ng iyong lolo? Ang mararamdaman ni Anne? Ang mararamdaman ng iyong mga kaibigan? At ang mararamdaman ko sa oras na mawala ka?" diretsong sambit ng sang'gre na ikinagulat nilang pareho. Sandaling hindi nakapagsalita si Vice hanggang sa mapansin niya ang nanggigilid na luha ni Alena.

Muli niyang hinawakan ang kamay nito at sinserong napangiti. "Siguro ginawa ko yon kasi hindi ko rin maisip ang mararamdaman ko kung ikaw ang napahamak," mahinang tugon ni Vice dahilan para matuod ang sang'gre sa kanyang kinatatayuan. "Masyado ka ng mahalaga para sa'kin, Alena kaya hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo."

Hindi naman agad nakapagsalita si Alena nang marinig ang naging tugon sa kanya ni Vice, lalong-lalo na sa pagkausap nito sa kanya gamit ang kanyang pangalan. Napaisip na lang si Alena na maaring epekto iyon ng operasyon na isinagawa ng mga doktor kay Vice at sa mga gamot na itinurok ng mga ito. Gayunpaman, hindi mapigil ang tibok ng kanyang puso habang magkatapat ang kanilang mga mata at mahigpit na magkahawak ang kanilang mga kamay.

Ilang sandali lang ay narinig nila ang hindi mapakaling pagkatok ni Anne sa bintanang salamin. Mabilis namang binawi ni Alena ang kanyang kamay sa pagkahawak ni Vice at naiilang na nilingon si Anne, na bakas sa mukha ang matinding saya nang makitang gising na ang kaibigan nito.



















"I am very glad to inform you that Mr. Viceral is currently in a stable condition," panimula ng doktor na ikinatuwa naman ni Anne, at Don Gonzalo na kakarating lang mula sa kanyang business trip.

"It is quite unexplainable but his vital signs are now completely back to normal. The gunshot wound is still evident but all of the sudden, everything else seems well," dagdag nito dahilan para tignan ni Vice ang tahimik na si Alena na nakatayo lamang sa isang sulok. Maging si Anne ay bahagya ring napalingon sa sang'gre dahil sa kanyang narinig. "However, Mr. Viceral still needs to stay here in the hospital for a couple of days, so that we can conduct further tests to ensure everything is really okay, and of course, to prevent certain infection and complications on his wound," bilin ng doktor bago sandaling magpaalam at iwan muna ang mga ito sa loob ng silid.

Ang Mahiwagang PusoWhere stories live. Discover now