20 "Bad news"

44.5K 786 34
                                                  

20

"Bad news"

Felly's Residence

Binuksan ko na ang gate habang kinakapa ko ang susi ng bahay sa loob ng bag ko. Napansin kong bukas na ang pintuan at bukas na din ang ilaw sa loob. Napaaga ata ang uwi ni papa. Madalas kasi syang nagoovertime sa trabaho.

"Papa, nandito na po ako." Hinubad ko agad ang shoes ko at kinuha ang slippers. Sumilip ako kusina, nakita ko si papa nagluluto. Parang hindi nya ako narinig, o baka hindi nya lang din inaasahan ang pag-uwi ko ng maaga. Umupo ako at tinikman ko ang mga pagkain sa table.

"Papa, bakit ang aga nyo pong umuwi?" Habang nginunguya ko yung hotdog.

After nyang haluin yung niluluto nya ay tinakpan nya 'to bago humarap sa'kin.

"Kasi anak, may nangyari kasi─" Nakita nya yung braso kong may benda. "Anong nangyari sa braso mo ha? Okay ka lang ba?"

Ang overprotective kong papa sumumpong na naman.

"Pa, okay lang po ako. Nadulas lang ako kanina tapos naituon ko 'tong braso ko." Kumuha ako ng baso at binuksan ko ang ref para kumuha ng juice.

"Kaya ba maaga ka din ngayon? Hindi ka nakapasok sa trabaho?" sabi ni papa habang nagyayadyad ng cheese.

Bumalik ako sa upuan habang napapapak ng cheese. Nagluluto pala si papa ang favourite kong spaghetti. "Opo. Kasi hindi din naman ako makakagawa dun kung ganito yung braso ko. Medyo nakirot."

Pinatay na ni papa yung stove. Mukhang luto na yung sauce nung spaghetti. Sa mga nangyari sa'kin buong araw talagang nagutom ako. Nagtataka lang ako kay papa kasi super asikaso sya sa pagkain ko. Talagang nagplating pa sya para lang sa simpleng spaghetti huh.

"Sige anak kumain ka na dyan." Minamasahe nya ako habang gusto nya akong pakainin. Something's not right.

"Papa, are you okay? May problema ba?"

Pero hindi sya nasagot at tuloy lang sya sa pagmasahe sa'kin. Hinawakan ko yung mga kamay nya at iniupo ko sya sa tabihan ko. "Papa?" Then tiningnan ko sya ng diretso sa mga mata nya. "I know there's something wrong. Ano bang nangyari at napaaga ka ngayon ng uwi?"

Parang nabwelo pa si papa bago magsalita. "Kasi anak, natanggal ako sa trabaho."

Oh no! Tama ba yung pagkakarinig ko kay papa? Natanggal sya sa trabaho? Uminom agad ako ng juice, parang hindi ako makahinga. Paano na kami ngayon? At nagluto pa sya ng spaghetti huh. Ipinaghahanda ba nya yung pagkatanggal nya sa trabaho?

"Paano na yan pa? Paano yung bahay? Yung bills? Yung pagkain natin araw-araw? Yung ibang gastusin sa school? Gosh! May field trip pa mandin kami next month." Hindi ko mapigilang maluha sa binalita ni papa sa'kin.

"Anak, sorry. Mahina na kasi yung company kaya kinailangang magbawas ng tao."

Nagpunas ako ng luha dahil wala namang mangyayari sa pag-iyak ko. Hinakawan ko sa kamay si papa. "Pa, hindi na ako mag-aaral. Titigil na lang muna ako. Tutal hindi naman lahat sagot nung scholarship ko eh. Maghahanap na muna ako ng iba pang trabaho. Tutulungan kita papa."

Bigla namang napaiyak si papa. Hinawakan nya din ako sa kamay at umiiling-iling sya.

"Hindi anak. Hindi ka titigil. Ako ang papa mo kaya ako ang magtatrabaho."

"Pero papa?" Halos nag-iiyakan na kami.

"Anak, alam mo namang hindi pwede. Ano na lang ang sasabihin ng my Lola mo sa'kin? Na tama Sila." Tumahimik si papa sandali. "Gusto mo bang mag-asawa ng mayaman?"

Hindi ako makapiwalang tatay ko sya. Yun ba ang gusto nya kung bakit pinipilit nyang huwag akong umalis sa Airman Academy.

"Papa naman eh. Kung dodoblehin natin ang pagtatrabaho, aasenso din naman tayo eh." Kumuha ulit ako ng hotdog na nasa table.

"Anak, hindi ka kagandahan. Hindi ka din ganun katalino, paano ka naman makakakuha ng magandang trabaho nyan. Kaya anak, huwag ka nang tumigil." Sabi nya habang hinahawakan ang buhok ko.

Naiyak talaga ako sa sinabi ni papa na yun. Kanino kaya ako nagmana kung ganito ako.

"Papa naman eh. Mana lang naman ako sa inyo. Kung hindi ako titigil san kayo kukuha ng pambayad sa mga utang natin?"

Nagpunas ng luha si papa. Medyo umaliwalas na yung mukha nya.

"May isang nag-offer sa'kin sa bagong bukas nilang resto as assistant chef at tinggap ko naman agad."

Kainis to si papa. May good news naman pala nag-iyakan pa kami dito! Napatayo ako at napayakap kay papa.

"Yun naman pala papa eh. Wala na tayong dapat problemahin."

Inalis ni papa yung pagkakayakap ko. Alam mo yun, malungkot sya. Parang naiiyak na naman sya.

"Anak, magte-training palang ako dun kaya hindi pa ganun kalakihan yung magiging sweldo ko." Sinusubukan nyang hindi umiyak.

"Papa, okay lang po yun. Magdodouble shift na lang ako sa store para may pandagdag gastos tayo dito sa bahay." Masaya kong sabi para mabago na ang mood namin.

Pero hindi pa din mapawi yung sad face ni papa. Nakuha pa nyang sumubo ng spaghetti huh.

"Kasi anak, kelangan kong magstay in dun habang nagte-training ako. Iniisip ko wala kang makakasama dito. Hindi naman kita pwedeng isama dun dahil malayo sa school mo, di bale sana kung may kotse ka."

Maghihiwalay kami ni papa? Hindi na ko nakapagsalita. Napaiyak na lang ako.

"Iniisip ko kung magdorm ka na lang muna o kaya magtanong ka dun kay Katy kung pwede ka muna sa kanila. Para konti lang yung expenses mo. Magpapadala naman ako sa'yo kahit paano."

Alam ko namang ginagawa 'to ni papa para sa'min. Alam kong mahirap din 'to para sa kanya. Kaya hindi nya dapat makitang mahina ako.

"Sige po papa. Kung yun po yung kailangan nating gawin, okay lang po. Kelan po ba kayo magsisimula dun?"

"Sa makalawa na." Halos matumba ako sa sinabi nya.

"Ganun kabilis?" Bakit ganun? Palagi na lang may problema sa likod ng maraming problema?

"Oo eh. Wag kang mag-alala anak, kapag hindi na ko nagte-training at regular na ko kukuha ulit tayo ng bahay. Syempre ayokong mahiwalay sa prinsesa ko."

Si papa talaga. This time sya naman yung minasahe ko habang naiyak kaming dalawa. Hindi kasi ako sanay na malayo kay papa. Simula kasi nagkaisip na ako sya na yung naging nanay at tatay ko. Puro kapakanan ko naman ang iniisip nya eh. Kaya dapat suportahan ko lang sya sa lahat ng gagawin nya.

"Aasahan ko po yan papa. Huwag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para makakuha ako ng magandang trabaho pagkagraduate."

"Eh kung maghanap ka na din kaya ng boulder?" pagbibirong sabi ni papa. Pero mukha syang seryoso huh.

"Pa, sa dami ng magaganda at mayayamang babae dun malabong may magkagusto sa'kin."

"Anak, unique ka. Kaya kahit ganu pa sila kaganda at kayaman matatalo mo pa din sila. Ikaw pa, eh ang tapang mo kaya at hindi maarte. Kaya kapag may nanligaw sa'yo patulan mo na agad."

"Ay naku pa, ewan ko sa'yo. Mabuti pa kumain na tayo baka gutom lang yan."

Kumain kami ni papa ng niluto nyang spaghetti. Parang napakaespesyal ng gabing iyon. Parang ang saya namin. Siguro nagluto talaga si papa dahil matagal-tagal din nya akong hindi maipagluluto. Naiisip ko palang na magkakahiwalay kami ni papa nalulungkot na ako agad. Sana kayanin ko 'tong mga pagsubok sa buhay ko. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon