"Kala ko di ka sasama?"
It's the start of summer season at nagkayayaan na naman ang mga kaibigan ko na mag swimming sa twin falls dito samin. Gawain na namin 'to every summer dahil na rin sa sobrang init kaya napagpasyahan naming magswimming na lang.
"Pinilit ko yan. Hindi na sa'tin sumasama e." Sagot ng kaibigan kong si Lyn kay Egan
"Bakit hindi ka na nga ba sumasama samin lately?"
Totoong hindi ako sumasama sa kanila nitong mga nakaraan. I have to avoid them, no, I have to avoid him to stop my feelings from growing. They don't know anything about it kaya nagtataka sila kung bakit hindi ako sumasama.
Napabuntong hininga na lang ako at sinagot si Lyn, "Masyado lang maraming ginagawa sa school."
"Hmm bakasyon na pero ang dami paring pinapagawa sa inyo."
Marami ngang ginagawa sa school pero bago pa lang magbakasyon ay natapos ko na iyon. Ayoko lang talagang sumama sa kanila pa lalo na't makikita at makakasama ko sya. Napilitan akong sumama ngayon dahil baka magtaka na sila kung bakit ayaw kong sumama.
"Ang tagal naman nila Jozefh? Kanina pa tayo dito! Daig pa nila tayo sa kupad kumilos!" Narinig ko na naman ang reklamo ni Lyn sa tagal dumating ng dalawang lalaki. Napangisi ako sa sinabi niya dahil isang oras na nga kaming naghihintay at wala pa sila. Nauna na kami sa falls dahil ang akala namin nandito na sila. Kung sino pa ang malapit ang bahay sa falls, sila pa ang nahuli.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan na ewan. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Umupo ako sa tabi ng batuhan at inilubog ang paa ko sa tubig.
Naririnig ko ang bagsak ng tubig sa falls. Nakaka engganyo ang tubig. Maybe if I take a dip, mawala ang mga iniisip ko. Gusto kong mag enjoy ngayon dahil matagal na panahon na akong hindi nakakapunta dito.
Hinubad ko ang t-shirt ko at inilagay iyon sa mga gamit namin para hindi mabasa.
"Lalangoy ka na?" Tanong ni Egan ng makitang nagtanggal na ko ng damit.
"Oo. Aahon na lang ako kapag nariyan na sila" sagot ko sa kaniya.
Lumayo ako sa mga gamit namin at nagpasyang lumubog na sa tubig. Malamig ang tubig at nakakarelax ng katawan. Sumisid ako at nagpasyang pumunta sa ilalim ng talon kung saan bumabagsak ang mga tubig mula sa itaas.
Pagkarating ko roon ay agad akong pumailalim at dinama ang bawat pagbagsak ng tubig sa aking katawan. The water makes me calm. It helps me forget what i was thinking.
Nagtagal ako doon ng ilang minuto at nagpasyang umalis nang marinig ko ang tawag ni Egan sa akin.
Lumangoy ako papunta sa kanila at nakita kong dumating na ang dalawang lalaki na may dalang mga pagkain. Umahon ako at agad kong kinuha ang tuwalya ng hindi tumitingin sa mga kaibigan ko na kadarating lang. Naririnig ko na naman ang reklamo ni Lyn sa mga bagong dating namin na kaibigan.
"Kanina pa kami dito! Ang usapan natin ay ala una! Anong oras na oh! Tss!", Patuloy na reklamo ni Lyn.
"Natagalan kami kasi sa pagluluto ng mga pagkain. Pasensya na baby ko." Sagot ni Billy sa reklamo ni Lyn. I don't know what's the real score between the two, pero ang alam ko ay matagal na silang naglalandian at ewan ko kung umangat na ba sila sa panibagong lebel ng relasyon nila.
"Asan na ang pinsan mo, Jozefh?" Tanong ni Lyn. Napalingon naman ako sa kanila at tiningnan kung sino-sino ang dumating kanina. Agad kong napansin na wala siya. Baka hindi siya sumama dahil iniiwasan niya rin ako.
"May kinukuha pang pagkain sa bahay. Susunod na yun. Masyado kasing maraming pinaluto si Mommy," sagot ni Jozefh.
I don't know what I will do kapag magkita kami ngayon. It's been 1 month and 2 weeks since we stop communicating. Yes, bilang ko. Hindi ko alam kung bakit tumigil basta isang araw hindi na siya nagmessage sa akin.
"Mamaya na tayo lumangoy. Kumain na muna tayo habang hinihintay si Ralph. Tirhan na lang natin ng pagkain yun. Drey, halika na! Dito ka umupo." Tawag sakin ni Egan. Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Agad ko namang napansin ang pagtitig ni Jozefh sakin kaya nilingon ko siya ng nakataas ang kilay.
"Long time no see Drey ah. Ngayon na lang kita nakitang sumama samin." Nakangising sabi niya sa akin. Agad ko namang sinamaan siya ng tingin at inirapan.
"Busy sa school e." Yun lang ang tanging sinagot ko at iniwas ko na ang paningin ko sa kanya. Ayokong mahalata ng mga kaibigan ko kung bakit ako hindi sumasama. Alam ni Jozefh ang lahat dahil napaamin ako sa kanya noong nakita niya akong umiiyak sa classroom namin. Kaklase ko siya at siya lang ang malapit sa akin kaya, sa kanya ako nagkukuwento. Ayaw ko mang mag sabi noon at umamin sa kanya, pero alam kong makakagaan ng pakiramdam kung ilalabas ko ang saloobin ko.
Nakakairita lang dahil inaasar niya na naman ako sa mga tanong at pag ngisi -ngisi niya sakin. Masasapak ko talaga 'to mamaya kapag di pa siya tumigil kakadaldal niya!
"Okay guys, let's celebrate dahil muling sumama sa'tin si Audrey!" Sabay halakhak niya.
Nakakainis talaga! Pag hindi ako nakapagpigil ay lulunurin ko talaga ang lalaking 'to mamaya!
Nagsimula na kaming kumain. Agad akong kumuha ng paborito kong isaw at nilantakan iyon. Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga ginawa nila last sem habang kumakain. Tahimik lang akong kumakain sa tabi ni Egan nang napansin ko ang bagong dating. Agad na naghuramentado ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumayo at tumakbo para hindi niya makita.
Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. Agad akong may naramdaman na kung ano kaya iniwas ko ang paningin ko.
Bakit ako kakabahan sa kanya? Wala naman akong ginawa sa kanya ah. Calm down self! Wala kang kasalanan dahil siya ang tumigil na makipag usap sayo! Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay gusto niyang mangyari!
Napansin kong nilapag niya ang mga dala niyang pagkain at tumabi sa pinsan niya.
"Oh andito na pala si Ralph. Anong dala mong pagkain?" Tanong ni Egan sa kanya
"Nagluto ng banana que si mama. Pasensya na natagalan lang sa pagluluto." sinulyapan niya ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Agad naman siyang nag iwas ng tingin at nakipag usap sa pinsan niya at sa ibang lalaki.
"Diba favorite mo 'to Drey?" Binalingan ko ng masamang tingin si Jozefh sa sinabi niya ngunit humalakhak lang siya sa ginawa ko. Napaka mapang asar talaga ng lalaking iyon!
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na si Lyn na lumangoy na ngunit nagpaiwan ako para ligpitin ang mga kalat na kinainan namin.
Napansin kong hindi sumama si Ralph sa kanila. Lumapit siya sa akin at kinuha ang mga paper plate para ilagay sa basurahan. Napalingon ako sa kanya "Hindi ka ba maliligo?" Tanong ko ngunit tiningnan niya lang ako at nagkibit balikat lang siya saka lumakad palayo.
Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. I guess my thoughts are right. Iniiwasan nya nga ako. Hindi ko alam kung bakit pero siguro nga hindi kagaya ng nararamdaman nya sakin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pagkatapos kong magligpit ay lumapit na ko sa kanila at nakisama na. His cold treatment keeps on bothering me kaya wala ako sarili.
Tinawag ni Lyn si Ralph at niyayang sumama na sa ginagawa namin kaya napalingon ako sa banda niya. Nakita ko naman siyang naghubad at lumapit kung saan kami naroroon.
Napabuntong hininga na naman ako. It's not healthy. I need to calm my mind. Napagpasyahan kong umakyat sa tuktok ng talon. Agad na napansin ni Billie ang pag ahon ko kaya nagtanong siya,
"Oh saan punta mo Drey?"
Lumingon ako sa kanila,
"Sa tuktok ng talon. I want to dive." ngumiti ako sa kanila at tumalikod.
Narinig ko pang nagsabi si Egan na sumunod sila dahil magandang ideya ang gagawin ko. I guess I will not enjoy this day hangga't may bumabagabag sakin.
Patuloy ako sa pag akyat at alam ko namang susunod sila sa akin. Narinig kong sumigaw si Egan, "Careful!" Nilingon ko siya at tumango. I took a deep breath and I ready myself. Tumalon ako ng walang pag aalinlangan na para bang matagal ko nang ginagawa ang bagay na iyon.
