Author's Note

130 19 16
                                    

Una sa lahat, gusto ko pong pasalamatan si God for giving me strength and ideas para mabuo at matapos ang storya na 'to. Hindi man ito kagandahan o kasinggaling ng stories na sinusulat o sinulat ng mga magagaling na wattpad writers pero alam ko na kahit papaano ay may mapupulot na aral ang lahat ng babasa nito. 

Simple lang naman po ang gusto kong ipunto sa story na ito.

Alam kong hindi naman madaling magpatawad pero minsan kailangan natin matutong magpatawad hindi dahil karapat-dapat patawarin ang taong nagkasala sa atin pero dahil ito ang magbibigay sa atin ng totoong kalayaan at ang hinahangad nating kapayaan ng kalooban. Hindi naman natin kailangan magpatawad agad-agad dahil ang pagpapatawad ay isang malaki at mahabang proseso. Ang pinupunto ko lang dito ay dapat nating matutunan magpatawad sa tamang panahon. Manalangin lang tayo kay Hesus ng may buong pagpapakumbaba at sinseridad para dahan-dahan mawala ang galit na nasa puso natin. Bagamat mahirap magpatawad lalo na sa mga taong nakasakit sa atin ng sobra, sana huwag lang nating hayaan na mapuno tayo ng galit dahil kapag sobra na, hindi na ito mabuti para sa atin.

Huwag tayong magyabang dahil lagi nating tatandaan na ang lahat ng nagpapakataas ay binababa at ang nagpapakumbaba ay tinataas.

Huwag maging gahaman sa lahat ng bagay. Matuto po tayong makontento at magpasalamat sa kung ano ang meron sa atin. Wala naman masamang humanga sa iba o maghangad ng mga bagay rito sa mundo pero sikapin lang natin na hindi umabot sa puntong unti-unti na tayong nilalason ng inggit at pagiging gahaman.

Kung ikaw naman ang nagkasala, matuto tayong tanggapin ang pagkakamali natin, matuto tayong harapin ang kaukulang parusa sa kasalanan na ating nagawa at matuto tayong maging totoo sa kung ano ang nagawa natin. Lagi nating isipin na walang lihim na hindi nabubunyag, at walang kasalanan ang hindi pinagbabayaran o pagbabayaran balang araw. Kahit ano o saan man, hindi man nakikita ng mga tao ang lahat ng ginagawa natin pero ang Diyos kitang-kita niya lahat ng ginagawa natin dahil alam niya ang laman ng puso ng bawat isa. Tandaan, mayroon mang mga tao ang nakakaligtas sa batas ng tao ngunit wala ni isa atin ang makakaligtas sa batas ng Diyos.

Minsan naman nakakagawa tayo ng isang pagkakamali na hindi sinasadya. Takot tayong malaman ng lahat lalo na ang mga taong malalapit sa atin dahil natatakot tayong husgahan nila o baka masaktan natin sila. Maaaring takot tayo dahil ayaw natin mapahiya kaya pinipilit natin itago ang katotohanan. Nakakagawa tayo ng pagkakamali dahil hindi naman tayo perpekto. Kaya gaya ng sinabi ko, matuto tayong tanggapin ang pagkakamali natin at harapin kung anuman ang kaukulang parusa para sa nagawa natin. Huwag lang natin kakalimutan ang aral na maaari natin makuha rito ng sa gayo'y alam na natin ang tamang gagawin sa susunod na pagpapasya.

Alam kong normal lang na nagkakamali o nagkakasala tayo dahil tao lamang tayo pero sana bago nating gawin ang isang bagay na alam mong makakasakit ka sa ibang tao, pakiusap pag-isipan mo muna. Huwag tayong gumawa ng isang pagkakamali na pagsisisihan natin sa huli. Huwag tayong magdedesisyon kapag galit tayo o nasasaktan tayo dahil maaaring makagawa tayo ng isang pagkakasala. Magpalamig ka muna bago ka magdesisyon. Laging tatandaan, nasa tao ang desisyon kung gagawa ba siya ng tama o mali.

Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan. Wala ngang poreber eh! Char!! Pero meron kang pagkakataon na magbago at ayusin ang sarili lalo na kapag ika'y nagkamali. Huwag kang sumuko sa buhay dahil alam kong kakayanin at malalagpasan mo ang lahat ng pagsubok, fight! Kung nadapa ka, bumangon ka!

Sa huli, huwag tayong mapapagod magmahal at magpatawad. Matuto tayong makontento at magpakumbaba, huwag tayong susuko, at higit sa lahat magkaroon tayo ng pananalig kay God dahil wala tayong halaga kapag wala Siya.

Maraming marami pong salamat sa mga nagtiis basahin ang storya ko. Sana po ay may nakuha kayong aral sa sinulat ko.

Please do vote and share this story. Thankiee my bebes.

Special thanks to lemmeshowmyart for making another book cover for my story "Wait For Me"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Special thanks to lemmeshowmyart for making another book cover for my story "Wait For Me".

To God be all the glory. All rights reserved.
Text Copyright ©whenIsaySandy™2020
S

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now