Chapter 48

123 25 36
                                    

Horace's POV

Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang pinto ng private office ni papa. Nagpatulong pa siya kay Fire Lieutenant De Guzman na pauwiin ako sa bahay, alam niya kasi na hindi ko sasagutin ang tawag niya. Bakit ko naman siya kakausapin kung siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay si mama.

"Anak," nakangiti nitong sabi sa akin.

Tumayo lang ako sa harapan nito habang nakaupo ito sa kanyang swivel chair. Kapansin-pansin din ang pinayat ng katawan nito maging ang itsura na kakikitaan na ng kapaguran at katandaan.

"Ano ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Kumusta anak? Hindi naman ba mahirap ang trabaho mo?"

"Hindi," inip kong sagot.

Bagamat ayaw nito ang pinili kong propesyon — ang pagiging bumbero, hindi naman ako pinigilan nito dahil pinaramdam niya sa akin na suportado at nirerespeto niya ang pinili ko.

"I see," sabi nito.

"Umupo ka muna anak," dagdag nito.

"Sabihin niyo na kung ano ang kailangan niyo? May dinner date pa kami ng asawa ko."

"Kumusta pala si Seonaid? Hindi na ako nakakabisita sa inyo anak, medyo busy lang sa negosyo."

Mayroon kasi itong negosyo, ang paggawa at pagbebenta ng bagoong.

"Ano ba papa? May sasabihin ba kayo o wala?" naiirita kong sagot.

"Mula nang mawala ang mama mo, ngayon mo na lang ulit ako tinawag na papa, anak," pagdadrama nito.

Apat na taon na ang nakakaraan ng namatay si mama at mula noon hindi ko na pinapansin si papa kahit anong pilit sa akin ni Seonaid na patawarin siya, hindi ko pa talaga kayang patawarin ito sa panloloko nito kay mama.

Tatalikuran ko sana ito dahil wala naman kwenta ang sinasabi nito.

"Si auntie Wilma mo, anak!"

Napatigil ako sa paglakad dahil sa winika nito.

"Anak, pakiusap huwag ka munang umalis. Oras na para malaman mo ang totoo Horace," mabilis nitong dagdag.

Lumingon ako sa kanya at seryosong tumingin dito.

"Ano ba 'yon?" naiintriga ako sa sinasabi nito.

***

Pinarada ko na ang kotse sa garahe ng aming bahay. Ilang minuto muna akong nakatunganga sa loob ng kotse bago ako tuluyan bumaba. Hindi mawala sa isip ko ang binunyag sa akin ni papa. All this time, hindi ko pa talaga lubos na kilala ang pamilya ko — ang pamilyang Dela vega.

Hindi ko rin maitatanggi na masakit sa akin na malaman ang tungkol sa kalagayan ni auntie Wilma pero hindi ko pa rin mapapalitan ang naramdaman kong galit nang malaman ko na hindi nag-suicide si mama dahil sinadya itong patayin. Umabot pa sa punto na sinisi ko si papa ng ilang taon dahil akala ko na totoong niloko nito si mama.

Binuksan ko na ang pinto at napangiti ako nang makita ang asawa ko na naghihintay sa akin.

"Mahal," tawag ni Seonaid. Lumapit ito sa akin.

"Mahal ko," tawag ko rin sa kanya sabay halik ko sa mga labi nito.

Ilang segundo natapos ang paghahalikan namin.

"Mahal, halika ka na habang mainit pa ang mga niluto ko."

"Teka lang, mahal ko," pigil ko. Binigay ko sa kanya ang binili kong isang bungkos ng paborito nitong bulaklak. "Heto, mahal ko para sa 'yo," dagdag nito.

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now