Chapter 57

1.2K 77 4
                                    

Allysa.

Sa ilang linggo ko sa hospital, sa wakas naka labas na din ako. Naka labas na nga ako pero itong nga tukmol kong kaibigan at pinsan grabe kung maka pag alaga daig ko pa lola, ang ooa nila dagdag nyo pa si kurt.

"Ako na!" Irita kong sabi kay justine.

"Cous! Ako na mag pahinga ka na lang" Irita niya ding sabi.

"Alam mo na sosobrahan ka na sa pagiging oa mo! Kukuha lang ako ng tubig na maiinom mabigat ba yun?" Namumuro na talaga sila.

Buti na lang at wala si kurt, dahil may inaasikaso daw na di ko alam. At yung mga kaibigan ko Naman may mga kailangan gawin si justine lang andito at yung dalawang brat, nasa bahay karen.

"Hays! Bala ka na nga" Pag suko niya. Saka sya lumabas ng kusina

Buti na lang sumuko na siya dahil pagod na din akong makipag away pa.

Kumuha na ko ng tubig sa ref saka ko ininom. Sakto naman na kaka pasok lang ni Elijah ng kusina

"Himala wala kang bantay ngayon"sabi niya saka kumuha ng pag Kain sa ref.

"Buti nga wala sila ngayon dahil nasasakal na talaga ako" Irita Kong sabi.

''Naka pag usap na kayo ni Allison?" Tanong niya.

"Hindi pa" Sagot ko "wala pa kong balak kilala mo naman yang asawa mo madaling uminit ang ulo"

"Sa bagay, pero sana mag ka usap na kayo" Sabi niya

Sasagot na sana ako ng marinig namin si kristal na official name alliah.

"Daddy!" Tawag ni alliah kay Elijah.

Masaya ako na nag nasa sanay sya at masaya sya sa pamilyang meron sya ngayon dito. Nalakad na nila unnie ang papel na kailangan nila para maging official na maging anak nila si kristal, at ngayon tapos na nilang lakarin ang mga papel, alliah na ang pangalan ni kristal. Natuwa naman si daddy dahil may apo na daw sya. Masyadong spoiled si alliah kay daddy kay kuya sa dalawang brat at sa mommy at daddy ni Elijah and of course mag papahuli ba ko. Ako ang pinaka na ngunguna sa lang s-spoiled kay alliah.

"Hi my princess" Bati ni Elijah kay alliah saka binuhat "bat pawis na pawis ka?"

"Galing po kami ni yaya melay sa playground" Sagot niya saka tumingin sakin "tita ganda sorry po hiniram ko muna yaya"

Natawa naman kami ni Elijah ng dahil kay alliah. Alam niya kasi si yaya melay ang personal na yaya ko.

"Ok lang, Hiramin mo si yaya melay kahit kailan mo gusto, kung San ka masaya alliah" Sabi ko saka ko ginulo buhok niya.

"Talaga po? Pero pano po kayo?" Nag aalala nyang sabi "sabi po ni mommy may sakit ka po, kaya po mas kailangan nyo po si yaya melay"

"Magaling na ko, saka madaming oa dito sa bahay" Natatawakong sabi.

"Sige po, basta po wag nyong pababayaan sarili nyo nag aalala po kami sayo, saka si mommy po nag aalala din sayo" Napangiti Ako sa sinabi ni alliah.

Kahit na mag ka away kami ni unnie, alam kong nag aalala sya sakin. Gusto ko na talagang makipag ayos kay unnie pero alam ko na makikipag ayos lang sakin yun pag kina usap ko na si mommy, pero hindi pa ko handa.

"Cousssssss!!" Sigaw ni Jessica na kaka pasok pa lang ng kusina.

"Hmm?"

"Don't 'hmm' me, remember your promise" Pag mamaldita niya.

Ms. Sungit meet Mr.PilosopoWhere stories live. Discover now