"Ricci." tawag ko. Bumisita siya ngayon sa clinic. So hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para masabi ko sa kanya ang totoo. Ilang minuto din akong nag-isip ng mga sasabihin ko.
"I...I have something to tell you." sabi ko.
"Ano? Sasagutin mo na ako?" tanong niya nang nakangiti.
"N-Nagkabalikan na k-kami ni D-Donny." seryosong saad ko. Ilang minuto ding tahimik sa loob then I heard him sighed.
"As expected." mapait siyang ngumiti.
"I guessed nag work yung plano namin." he said.
"Plano?" gulat na tanong ko.
"Before your birthday, Blaire contacted me about her plan. Sabi niya plano niyang pagselosin si Donny. Gusto niyang magkabalikan kayong dalawa dahil alam niyang mahal pa din ninyo ang isa't-isa. At nasa indenial stage pa daw si Donny. So inisip niyang gamitin ako laban kay Donny. Ayaw ko sana nung una, pero inisip ko yung mga pinagdaanan mo nung panahong hindi mo siya kasama. Naisip ko din yung sakripisyo mo para sa kanya. I like you a lot, Shar. Gusto ko man diktahan yung puso mo na gustuhin din ako, pero ayoko. Ayokong maging selfish." he said as he held my hand.
"I'm happy that you are happy." nakangiti niyang sabi na may sinseridad pero makikita mo sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"Salamat, Ricci." napapaiyak kong sabi.

Donny went to our house the next evening. We formally introduced our relationship to my parents. At first, of course nagulat sila at nagalit because they thought Donny has a relationship with Janina at nililigawan ako ni Ricci. Hindi namin sinabi na nagpapanggap lamang sila Donny at palabas lang ang kay Ricci. Sinabi niya lang na nag break sila ni Janina dahil naisip niyang mahal niya pa rin talaga ako. At kay Ricci naman, sinabi ko na binawi ni Ricci yung panliligaw niya sa akin dahil alam niyang mahal ko pa din si Donny. Which is partly true naman. Hindi na namin dinetalye sa kanila kung paano nangyari dahil we lost of kind of words. Disappointed sila sa kanilang nalaman. Pero kalaunan ay natanggap na rin naman nila at naisipan pa nilang patulugin si Donny dito pero hindi na din ako pumayag pa.

"Love naman. Sige na." pagpupumilit niya habang inihatid ko siya sa labas.
"Magkailang beses ka ng nakatulog dito. Umuwi ka na. And please...wag ka ng bumalak pa na akyatin yung kwarto ko. Isasarado ko yung bintana." sabi ko. He pouted like a kid.
Napatawa ako sa pagiging cute niya.
"Hoy Engr. Pangilinan! May work ka pa kaya bukas." sabi ko.
"And so? I just want to be with you." sabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Sige na. Drive safely. Good night!" I kissed him before I gently push him inside his car.
"I hate you but I love you." sabi niya nang nakangiti.

Halos isang linggo kaming di nagkita ni Donny. Nagpunta kasi siya ng Cebu para sa project nila doon. Nagvivideo call din naman kami from time to time. Di ko na rin nakita si Ricci simula nung huli naming usap. Siguro nasa Palawan siya ngayon.
Itetext ko sana si Donny ngayon nang tumunog yung cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin.

From: Janina

Good afternoon, Shar. I just want to tell you that I am sincerely happy that you and Donny are back together. I'm sorry that I've caused you a lot of misunderstandings. Alam kong alam mo na mahal ko pa rin si Donny. Eventhough I'm still in love with him, it doesn't changed the fact that he really loves you from the very start and I am just a nobody to him. I don't want to hinder to your lovestory anymore. Matatalo rin naman ako. Anyways, I'll be gone for a short period of time. Babalik ako na wala ng sakit sa puso ko at sana sa pagbalik ko, maging magkaibigan na tayo and my only favor is I hope you will love him as much as I loved him. Goodbye for now and please send my regards to Donny :)

Napangiti ako sa nabasa ko. Nireplyan ko siya.

To: Janina

Thank you, Janina. Ingat ka.

Halos mahulog ang cellphone ko sa gulat nang tinawag ako ng sekretarya ko.

"Doc." tawag niya sa akin.
"Yes, Mae? May appointment ba?" tanong ko.
"Wala naman. Tanong lang po sana ako kasi..." pag-alinlangangan sabi niya.
"Kasi?" I asked.
"Diba po boyfriend ninyo si Engr. Pangilinan?" tanong niya.
"Yes, why?" I asked back. Namutla siya.
"Are you okay, Mae?" concerned na tanong ko.
"Saan po siya ngayon, doc?" tanong niya.
"Why are you interested, Mae? Crush mo ba ang boyfriend ko." asar ko sa kanya na napapatawa. Okay lang naman kung may gusto siya doon. I am aware of how popular he is. At  malabong walang may magkakagusto sa kanya.
"Doc naman!" angal niya. Napatawa ulit ako.
"Well...to answer your question, nasa Palawan pa siya ngayon. Baka bukas o sa makawala pa yung balik niya." I said as I pouted. Miss ko na kasi siya.
"D-Doc, w-wag po kayong magbibigla ha. Ayokong po masaktan ka kasi parang ate na po kita." sabi niya na nauutal.
"Ano yun, Mae? Wag mo naman akong pinapakaba." kinakabahang tanong ko.
"I think he cheated on you." napatayo ako.
"That's nonsense! Paano mo nasabi iyan?" galit na tanong ko.
"Doc, kasi...may nakakita po sa kanya. Nasa isang restaurant po sa Makati." sabi niya then she gave me her phone. Tinignan ko ang litratong pinakita niya.
It was him may kasamang pamilyar na babae na nasa isang restaurant. Just only the two of them. He was smiling as if he's really in love with Kirsten Delavin.

Anong ibig sabihin nito?

A/N Hey guys! Sinipag talaga ako ngayong mag update. Hahaha! Btw, dahil malapit na po itong matapos, meron po akong bagong SharDon story na pinamagatang, WILLIARD UNIVERSITY. Sana po masuportahan niyo po ito. Maraming salamat po and keep safe everyone!

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now