Bigla naman lumapit si Seonaid at hinawakan sa kamay si auntie Wilma. "Tita, magpalakas po kayo ah. Babalik po kami," nakangiti nitong sabi kay auntie.

Napatingin kami sa isa't isa nang hinawakan din ni auntie Wilma ang kamay ni Seonaid at tumingin ito sa amin habang umiiyak. "Ahg," hirap nitong sabi.

Nalaman kasi namin na na-stroke si auntie Wilma last year na labis na naapektuhan ang pagsasalita nito. Hindi naman sana magiging malala ito pero dahil ayaw nitong magpa-speech therapy at hindi na raw ito nagsasalita pakatapos ma-stroke, posibleng mahihirapan na itong magsalita.

Niyakap ko ito habang umiiyak kaming pareho. Bagamat hindi ko kadugo si auntie Wilma, tinuturing ko pa rin siya bilang pamilya ko. Hindi pa lubos na tinatanggap ng sistema ko ang ginagawa ko ngayon pero alam ko na darating ang araw na gagaan ang bigat na nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa pamilya namin.

Halos gabi na kaming nakauwi ni Seonaid dahil sa layo ng mental hospital mula sa bahay namin. Inaamin ko na ayokong patawarin si auntie Wilma pero tama ang asawa ko, hindi naman ibig sabihin na kapag pinatawad ko si auntie ay kakalimutan ko na ang lahat ng ginawa nito. Kahit hindi siya karapat-dapat na patawarin ay mas pinili kong patawarin ito dahil gusto kong makuha ang hinahangad kong katahimikan. At sigurado akong ito rin ang nais nina mama at papa na kailangan kong gawin.

"Mahal," sabi ko sabay amoy ko sa kanyang leeg. Naglo-lotion kasi ito sa harap ng salamin. Napatulog ko na rin ang kambal.

Bigla naman itong tumayo at tiningnan ako ng seryoso. "Ano ba Horace?!"

"Bakit ba?" sabi ko. Nagugulahan ako sa reaksyon nito sa akin.

"Huwag mo akong lapitan. Ang baho-baho mo!" Inipit nito ang sariling ilong ng kanyang dalawang daliri.

"Grabe ka naman mahal, kakaligo ko pa lang," sagot ko. Inamoy ko ang sarili, oh hindi naman ah? Ang bango ko nga! dugtong ko sa isip ko.

Napansin ko rin ang pagkuha nito ng unan at nagulat ako nang tinapon niya sa akin ito, mabuti na lang magaling akong umiwas.

"Ano ba ang problema mo Seonaid?" seryoso kong tanong.

Nakita ko ang gulat nitong reaksyon sa sinabi ko, bigla naman itong humagulhol. "Hindi mo na ako mahal!" atungal nito.

Agad ko itong nilapitan at niyakap. Ayokong umiiyak ito dahil nasasaktan ako kapag nakikita ko ito na umiiyak.

"Ano ba?! Lumayo ka nga sabi!" sigaw nito. Tinutulak naman ako nito.

Ano bang problema ng asawa ko? Pansin ko ang pagiging moody nito kanina pang umaga pati nga ang french fries na nabili namin sa drive thru kanina ay kailangan daw na isawsaw ito sa bagoong, hindi sa ketchup. Naisip ko nga na baka ganoon lang kamahal ng asawa ko ang produkto namin.

Akala ko lang pala. Kanina dumaan kami sa wet market bago kami umuwi sa bahay dahil may bibilhin daw siya. Akala ko bibili siya ng isda, kaso nang nakita ni Seonaid ang pagtadtad ng isang vendor sa isang malaking isda, bigla itong umiyak. Iniiyakan niya raw ang isda dahil tinatadtad ito. Hindi ko alam kung tinotopak na naman ito o hindi. Nagalit pa ito sa akin dahil wala raw akong ginagawa para tulungan ang isda, at sinisi rin ako kung bakit pumunta pa kami sa palengke, napagod daw tuloy siya.

Ganyan na ganyan siya kapag buntis. Napakaweirdo. Teka, buntis?

"Luh, mahal kailan ba ang huling araw ng regla mo?" tanong ko.

Natigilan ito sa pagtulak nito sa akin. Nakita ko rin ang reaksyon nito na para bang may napagtanto sa sinabi ko.

Bigla naman bumukas ang pinto at nagtitinakbo ang kambal papunta sa amin. Teka, pinatulog ko na ang mga ito ah.

"Daddy, mommy, dito kami matutulog ni kuya Ash," sabi ni Ara Dulce habang nakangiti sa amin.

"No more buts daddy," seryosong sabi naman ni Ash Damien sa akin.

Luh? Paano ko naman masosolo ang asawa ko?

"Sige mga anak, dito na kayo. Sa labas naman si daddy niyo matutulog, 'di ba daddy?" baling ni Seonaid sa akin.

"Hindi. Ayoko," sagot ko.

"No, mommy! Please. Zombies will eat daddy's brain," sabi ng prinsesa ko habang magkadikit ang mga palad nito sa isa't isa.

Ang kyut talaga ng baby girl ko. Tumango-tango naman ako habang naka-pout. Talagang magkakampi kami palagi ng mga anak ko.

Napabuntong-hininga na lamang ang asawa ko. "Fine baby," nakangiti nitong sabi kay Ara.

Pumunta sa gitna ang kambal kaya napahiwalay kami ni Seonaid. Agad naman ang mga ito humiga at nagkumot. Wow! Ibang klase. Ang bibilis!

Napansin ko rin ang pagkatuwa ni Seonaid sa kilos ng kambal.

"Good night mommy and daddy," sabay na sabi ng kambal.

"Nag-pray na ba kayo?" tanong ni Seonaid sa kambal.

"Opo," sabay na sagot naman ng kambal.

"Good night twins," sabay rin naming sabi ni Seonaid. Napatingin kami sa isa't isa at bigla naman lumapit si Seonaid at hinalikan ako.

"Good night daddy," nakangiti nitong sabi sa akin.

"Good night mommy," agad kong sabi.

Hahalikan ko sana ito nang bigla itong humiga sa tabi ng kambal.

"Mahal!" reklamo ko.

Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko sila. Kinumutan ko ng maayos ang mga ito. Nanalangin muna ako sa Diyos bilang pagpapasalamat sa binigay niyang pamilya sa akin at sa kaginhawaan na naramdaman ko mula nang nagpatawad ako.

Pinatong ko na ang wristband ko sa ibabaw ng drawer na katabi ng kama namin ni Seonaid. Nakita ko rin na naroon na ang wristband ni Seonaid kaya pinagtabi ko ito sa aking wristband.

S
2020

END

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now