Chapter Nine: Confused

271 18 4
                                    

Sa resto ng resort na lang ulit kami kumain sa gabing 'yon. Bukas ay determinadong maghanap ng ibang pagkakainan sa labas sina Yves. Para naman daw may ibang pagpipilian, not that there aren't enough choices here...

Kumakain na kami nang dumating si Aeolus. Pinilit ko ang sarili na huwag siyang tignan at nagpatuloy na lang sa pagkain. Thank God, my traitor eyes didn't disobey me tonight!

"Dito ka na, bro." tawag ni Ash sa kaniya at lahad ng bakanteng upuan sa tabi niya.

"It's okay, dito na lang ako." halos mapapikit ako nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa tabi ko. 

Kung minamalas ka nga naman, oo! Sa bakanteng upuan sa tabi ko pa siya umupo!

Nagkibit balikat lang si Ash at nagpatuloy naman ako sa pagkain, kunwari di ko ramdam ang presence niya sa aking tabi.

Lumipad ang aking tingin sa mga pinsan. Lianna was looking at me with her brow shot up. Yves, Ash, Rosh and Jacob are talking about something. Viel and Sean were talking too, but Sean glanced at our way then gazed the man beside me and smirked. Pati tuloy si Viel ay napatingin sa amin. May pagtataka sa mukha niya habang mukhang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng katabi.

I wanted to roll my eyes but I stopped myself from doing so. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanilang lahat at kumain na lang ng tahimik.

"Why don't you pass this to Aki, Serene? Walang salmon sa banda niyo." gulat akong napatingin kay Yves na may inaabot na ulam sa akin ngayon.

Kinuha 'yon sa kaniya ni Jacob at si Jacob ang siyang nag-abot sa akin. I shouldn't make this a big deal. It's not even a big deal to them! 

Ipapasa mo lang naman kasi ikaw ang malapit, Serene. Kaya umayos ka!

Unti-unti kong kinuha 'yon at nang hindi tumitingin ay inabot sa katabi ang pinggan na may salmon. Hindi niya 'yon kinukuha kaya napatingin na ako ng tuluyan sa kaniya. 

"Here." I impatiently said.

He was boldly staring at me as if I'm a wonder to him.

"Thanks." he huskily said as he took the plate from my hand.

Muntik ko pang nabitawan iyon dahil hinawakan niya ang kamay kong nakahawak doon! 

Kaagad kong inalis ang aking kamay at hindi na ulit siya pinansin. I busied myself on peeling shrimps by using spoon and fork. Napapaisip tuloy ako kung kakamayin ko na lang ang pagbabalat no'n dahil medyo natatagalan ako sa ganito.

Nagulat ako nang biglang naglagay ng tatlong shrimp na nakabalat na sa aking pinggan si Aeolus. Nagtataka ko siyang binalingan.

Nakaiwas siya ng tingin at may multong ngiti sa kaniyang labi. Ilang sandali pa akong natigilan bago nag-iwas din ng tingin sa kaniya. 

"T-thanks." mahina kong sabi tsaka tinusok na ang isang shrimp na binalatan niya para sa akin.

Tapos na kaming kumain nang may biglang lumapit na waiter at naglagay ng isang buong mango cheesecake sa table namin.

"I'm sorry, but we don't remember ordering that." Jacob said to the waiter.

"Ah yes po... Sino po ba si Miss Serene?" ngiti ng waiter.

"It's me." I confusedly said.

"Pinapabigay po ni Sir." sabi nito at may itinuro siyang table na medyo malayo sa amin.

Sinundan namin lahat ang itinuro niya at nakita kong sa table na iyon ay sina David at ang pamilya niya.

He is looking at our table and when our gaze met, he smiled at me and waved.

Still You Where stories live. Discover now