Chapter 7

16 4 3
                                    

Harvey's POV



Maaga akong umalis ng bahay para dumiretso sana sa opisina. Pagkatapos ng ilang araw kong pag papahinga sa bahay ay pinayagan na rin ako ni Daddy na bumalik na sa pag tatrabaho dahil may mga bagay din siyang dapat asikasuhin.


Bago pa man ako makasakay sa kotse ko ay binging bingi ako sa mga paalala ni mommy.


Nabibingi man ako pero pinapakinggan ko pa rin at sinusunod. Alam kong kaligtasan ko lang ang gusto nila, kaya tuwing ganyan sila ka concerned ay hindi na ko umaalma pa.

Pag dating ko sa opisina ko ay may dalawang magazine, tungkol sa DIAZ EMPIRE at yung isa ay tungkol sa CEO itself, ALESSANDRA DIAZ.


Nandoon din ang kontrata na kailangan kong pirmahan para sa partnership namin sa kanila.


Kung ako naman talaga ang tatanungin ay kahit tanggihan niya ang pag gawa ng wedding gown ni ate ay tatanggapin ko pa rin ang partnership na offer nila.

Malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa mga Diaz, at maaaring hindi ito alam ng anak ni tito Gregor.

Sa dami ng tambak kong paper works, hindi ko na namalayan ang oras.

Bigla namang bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito ang isang morenang babae, maikli at may kulay abong buhok, balingkinitan ang katawan at may mapupulang labi.

Ang babaeng pinaka mamahal ko.



Agad akong napatayo sa inuupuan ko para salubungin siya ng halik. Mariin ko siyang hinalikan na tila ba ilang taon ko itong hindi ginawa sa kanya.

God knows how I missed this lady.

Halos isang linggo lang kaming hindi nag kita ay parang mababaliw na ako.

Marahan ngunit medyo madiin niyang kinagat ang labi ko, dahilan para tumigil ako sa pag siil sa mga labi niya.

"I missed you so much babe. Nag alala ko sayo. I'm sorry kung hindi na kita napuntahan sa hospital, you know naman Dad needs m---. "

"It's ok babe, I'm fine. You really don't have to worry. I understand that tito needs you too. I am all good now and it is because you're here. Thank you for visiting babe."

"Of course, this is the least that I can do for you. Anyway, I brought you a lunch, come on let's eat it."


Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang tumingin sa babaeng nasa harap ko. I am so blessed to have her.

Napaka maalaga, she always make time for me kahit na sobrang busy niya. She's really trying her best to take care of me even if her own father needs her because he's sick too.

"Stop staring at me Harvey, hindi ako makakain ng maayos."

nginitian ko lang siya at muling sumubo ng pagkaing dala dala niya.

Sandali pa kaming nag kwentuham tungkol sa mga nakaraang araw na hindi kami nagkita.

Hindi na rin nagtagal si Samantha dahil kelangan niya ng umuwi at hinihintay na siya ng mommy niya para palitan ito sa pag babantay sa daddy niya.

"I really need to go babe. Please take care of yourself, okay?"

"Yes babe. I'll take care of myself, just promise that you will do the same thing."

Nginitian niya lang ako at hinalikan sa labi bago ako talikuran upang lumabas na ng pintuan

"Drive safely babe, papakasalan pa kita."

Sigurado akong hindi niya na narinig ang huling sinabi ko dahil nakalabas na siya ng pintuan.




-------------------------------------------------------------

Maaga pa rin akong nagising kahit hindi ako masyadong nakatulog.

Gusto ko sanang mag jogging ulit pero wala akong gana. Pumasok ako ng bathroom at naligo na lang, baka kasi mag bago pa yung isip ko at hindi na rin ako maligo.

Pagbaba ko ng dining ay nadoon na si Gray.

"Good morning ate, napaka ganda mo talaga."

"Anong nakain mo, aga aga ganyan ka?"

"Wala pa, eto o kumukuha pa nga lang ako ng hotdog."

Napa iling na lang ako kay Gray, ganto ba talaga pag inlove?

"Yaya where's ate Maggie, can you call her?"

Agad namang tumayo ng upuan si Gray, "Ako na yaya."

"No Grayson, sit down. Yaya, call her."

"Grayson, I don't like what you are acting towards ate Maggie. I told you to treat her like you're own ate too."

"I am ate. Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Hindi ako bulag Grayson Alexander, you like her didn't you?"

Hindi naman nakasagot si Gray.

"Stop that Gray, you should stop that as soon as possible"

"Ano namang gagawin ko sa nararamdaman ko, pipigilan ko?
Ate, hindi ganon kadaling pigilan ang pagmamahal. Kilala mo ko."

"Kaya nga sabi ko sayo, pigilan mo na ngayon pa lang, habang maaga pa"

"Bakit kasi kelangang pigilan? I see no reason."


"She's like a big sister to me Gray, at dahil kapatid kita hindi magandang tingnan kong magkaka gusto ka sa kanya."

"She's like, but she's not OUR sister ate. You are so unreasonable."



"Gray, ayoko lang namang masaktan ka."

"Ate, bakit naman ako masasaktan huh?"


"Bakit, sigurado ka bang magugustuhan ka rin ni ate Maggie. You're too young for her. Kilala ko ang mga tipo niya Gray. Ikaw lang ang inaalala ko dito."


Natahimik naman siya sa sinabi ko. Hindi ko rin gusto ang lumabas sa bibig ko, pero kong ito lang ang makakapigil sa nararamdaman niya kay ate Maggie ay hindi ko pag sisisihang sinabi ko ito sa kanya.

Bumaba naman na si ate Maggie kaya naman mas tahimik kaming kumain. Hindi na muling nag salita si Gray.

"Kelan ang balik ni tito dito?"

"I don't know, madami pa yung inaasikaso for sure."

"There's so many beaches pala in Batangas, at lahat magaganda. When do you have plan to go there."

"Yeah, that's so true. Sa ngayon wala pa kong balak since hindi ko pa naman gaanong kelangan mag unwind."

"Kahit gusto mong mag unwind, hindi na ganoon kadali Ally. You're the CEO, maraming trabahong kelangan unahin."

"So, why are you asking kung kelan ako bibisita doon?"

"Hahaha, I'm just so excited to see the beautiful beaches."
"Teka bakit parang ang tahimik ni Gray? Okay ka lang ba? "

"Don't  mind him, hindi lang siguro nakatulog ng maayos yan."

Bigla namang nag salita si Gray.
"Excuse me, papasok na ko, maaga pang klase ko ngayon."

"Are you sure Gray, okay ka lang?"
tanong pa ni ate Maggie kay Grayson

"Yeah, thanks for the concern. Mauna na ko."


Tinapos na din namin ni ate Maggie ang breakfast at pumasok na din kami sa trabaho.


I am a bit guilty for what I have said to Gray. Pero nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa. Isa pa, kilala ko naman talaga ang mga tipong lalake ni ate Maggie, at hindi si Gray isa sa mga yon.












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Halik sa HanginWhere stories live. Discover now