God Loves You

8 1 0
                                    

Oh, ba't ka andito? Trip mo lang?

O baka naman.. suicidal ka pero takot kang mamatay kasi masakit? Kung oo, huwag mo nang ituloy, kaibigan.

Walang paraan para mamatay nang hindi ka nasasaktan unless it's a natural process.

Hmm. Bakit nga ba natin naiisipang mag-suicide?

1. Gustong takasan ang problema. Alam mo kapatid, kapag nawala ka sa mundo, hindi mo pa rin naman masisiguradong wala ka nang problema. Maaaring pagnamatay ka, mas malaking problema ang kaharapin mo. Pwede kang mabulok sa impyerno o kaya naman ma- reincarnate as a mosquito or a stone. Well, who knows?

2. Wala nang dahilan para mabuhay. Actually, hindi naman talaga tayo nauubusan ng dahilan para mabuhay, iniisip lang natin na wala. Kung pagod ka na sa mga nangyayari sa'yo ngayon, magbagong buhay ka (hindi ko sinasabing mamatay ka tas mabuhay ka ulit ha). Gumawa o humanap ka ng mga bagay na magiging rason mo para mabuhay.

Kung nag-iisa ka na lang sa bahay mo or sa buhay mo, 'wag kang mag-alala, nasa likod mo ako. Charot. Pero di nga. Maraming tao sa mundo. Wala namang mawawala kung hahanap ka ng taong makakasundo mo o masasandalan mo diba? And don't worry, kung tingin mo walang taong makakaintindi sa'yo, you're wrong. Sa ilang bilyong tao sa mundo, imposibleng wala kang mahanap. Maraming taong may mabuting kalooban. Maybe 'yung mga nakasalamuha mo ay hindi para sa'yo.

Walang successful na suicide. Well, wala pa naman akong kilala na nag-suicide at nasabing successful ang gusto niyang mangyari.

Anyway, kung gusto mo ng kausap, I recommend Omegle. Pero pwede mo naman din akong kausapin. Ba't ka pa lalayo kung nandito na ako? Rawr. HAHAHAHAHHAHA. Kidding aside, if you need someone to talk to, I'm more than willing. Mag-comment ka lang kahit tuldok rereplyan kita. 'Wag kang mahihiya, kaibigan. Ako nga kaibigan na agad turing sa'yo eh. Yieee3e.

Pero bakit ko nga ba 'to ginawa?

I was suicidal too. And the title of this story which is 'how to die in less painful way' (original title) is what I searched on the internet that time. You see, gusto ko na rin mamatay nung mga panahong 'yon pero ayokong masaktan. Duwag ako eh. Kaya ko gustong mawala sa mundo kasi gusto kong tumakas. Again, duwag ako.

Funny thing is, the reason why I want to die is also the reason why I am alive right now. I am a disgrusting shat. HAHAHAHHAHAHAHAHHA. At dahil nga wala akong mahanap na paraan kung pano mamatay nang hindi masakit, nagdesisyon na lang akong mabuhay. Not to longer the pain but to fully remove it in my life.

Nagsearch ako ng mga tips para maging positive sa life at magco-comfort sakin and you know what? May bayad yung librong magliligtas sa akin mula sa aking suicidal phase. And I was like, what the freak? Mamatay na ako tapos 'yung supposed to be magliligatas sakin ay kelangan ko pa bayaran?! Pero alam mo, imbes na mas ma-depress ako (kasi nga may bayad), mas nagkaron ako ng dahilan upang mabuhay.

Sabi ko sa sarili ko, gagawa ako ng libro makakatulong sa mga kagaya kong naiisip na magpakamatay. AT SISIGURUHIN KONG WALANG BAYAD. At boOm. Nagawa ko 'to. Di ko alam kung nakatulong ba 'to sa'yo pero at least walang bayad.

PERO!

Pero kung bigla mo na lang maisipan mag-suicide, tumawag ka lang sa hotline na 'to. Pang Pilipinas 'yan don't worry.

Hotline: (02) 8969191
Hotline: Mobile phone: 0917 854 9191

Pero siyempre, mahirap kabisaduhin 'yan kaya pwede na ring sa 911 na lang tas sila na kakausap sa'yo. Tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Marami kaming nag-aalala sa'yo.

Keep safe. Be brave. Breathe properly. Stay alive. Live. God loves you.

Reasons to Stay (oneshots) Where stories live. Discover now