Chapter 6 : First Date

Magsimula sa umpisa
                                    



"Gusto mo ng isa pa?"



"Oh, bakit? Kaya mo? Gantihan kaya kita!" kinunot niya ang mga mangas ng polo niya.



"Ang panget mo!" Dumila ako sa kanya para magtigil na siya. Hindi ko alam kung bakit pero natitigilan siya tuwing ginagawa ko 'yun tapos tatawa siya. See? Alam ko na agad ang kahinaan niya.



Nahalata ko na agad 'yon sa kanya hanggang sa mag-retain na sa memory ko. Yes, I'm observant. I love observing people. No choice lang din talaga sa lalaking 'to. Nasa paligid, e.



"Babye na nga."



Ah!



Pinilit kong ilayo ang mukha ko sa kanya.



"Grabe ka! Maliit na nga, pinipirat pa!" angil ko habang hinihilot ang ilong ko. Para siyang si Papa! Lagi nalang ilong ko ang pinagdidiskitahan. "Shoo! Alis na! Sana madapa ka!"



"Ulul!"



"Ulul ka rin!" Tumawa na naman siya bago tuluyang lumabas ng classroom. Tinapos ko nang ayusin ang mga gamit ko. Gusto ko na rin kasing umuwi at mahiga sa kama.



Tumayo na ako sa upuan ko saka lumabas ng room. Hindi na rin ako nagulat nang makakita ako ng human-sized bubble gum ice cream na naghihintay sa akin.



"Hi, baby. Missed me?"



"A-S-A."



"Naks. Napakasweet talaga ng baby ko."



"Mukha ba akong baby sa laki kong 'to?"



"Oo naman. Baby kita—ack!" Napaurong siya noong itinulak ko ang bag ko sa may tiyan niya. Imbes na masaktan sa ginawa ko, nginitian pa ako nang nakakaloko. Bakit ang wiwirdo ng mga tao ngayon? "Uwi na tayo agad?"



"I want to sleep." Sabi ko habang nag-uunat.



Napatingin ako sa mga fans niya na iniintay rin siya. Kulang nalang mabali ang mga leeg para lang masilayan ang kasama ko.

Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon