'I don't get you.' inis na sagot ni Ben. 'Anong kinalaman ni Kiara dito? Saan nanggagaling yan?! Paano napasok dito si Kiara?'

'Just answer me!' Laikynn shouted. Ito lang ang unang beses na nakapagtaas siya ng boses kay Ben. And it did surprised him.

'Ano? Bakit hindi ka makasagot?! May kinalaman ba kay Kiara yang client meeting mo?!'

'Shut up!' Ben shouted back, inihagis niya ang tasa na ikinagulat niya dahil sa lakas ng impact ay tumama ito sa sahig at nabasag.

Lumipad pa ang vase sa kanilang center table dahil ipinaghahagis iyon ni Ben. Mabilis na pumatak ang kanyang luha.

'My ghad, Kynn. Napaka-walang kwentang usapan nito!'

'You're right, napaka-walang kwenta talaga.'

She stood up and run to their room, nag-lock siya sa shower room at doon umiyak ng umiyak.

'Dapat hindi nalang ako nag-open.'


'I should've keep it to myself.'

Mas masakit ipamukha sakanya ni Ben na wala itong pakialam at napaka-walang kwenta ng mga pinagsasabi niya.

Honestly, she never saw Ben being genuinely happy. Yung sayang nakita niya kagabi habang kasama nito si Kiara at buhat ang bata, she never saw him like that when he is with her.

She wanted to ask Ben about the kid, kung anak ba nila ito ni Kiara. She wanted to know everything, handa siyang palayain ang asawa para sa ikakasaya nito.

'I can never really replace Kiara in his life, ano?' she thought, smiling sadly while the tears are continously pouring her eyes.


And then she made her final decision.


—————————————————————

Ben was busy thinking about how to make it up with his wife, alam niyang nagkamali siya sakanyang ginawa, mukhang na-disappoint ito ng magbasag siya ng mga gamit sa bahay. Nagkaroon pa nga siya ng sugat dahil nasuntok niya ang salamin nila sa living room.

He just couldn't control his anger every time they argue, para kasi sakanya wala naman siguro siyang ginawang mali kagabi. He's not just used to talk about their problem dahil sa tuwing magkakaroon sila ng problema, alak ang sagot niya. He'd always choose to drink with Diego than talk and fix the problem with Laikynn. But this time, Diego suggested na subukan niyang ayusin ang pinag-awayan nilang dalawa ni Laikynn.

But he doesn't know where and how to start. Sasabihin niya ba sa asawa na nagkita sila ng ex niya?

To understand her more and where all of this accussasions were coming from, he secretly called Kyla. Labag ito sa kalooban niya pero kailangan niyang mag-reach out sa pinsan nitong pakialamera.

'Hello? Sino to?'

'Benedict.' walang ganang sagot niya, bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

'Sinaktan mo na naman pinsan ko! Walangya ka talaga, Ben! Ano bang pumasok sa kokote mo at nakipagkita ka sa ex mo! Mga manloloko—'

Inilayo niya ang telepono sakanyang tenga dahil sa sigaw nito, 'Are you done?'

'Ako naman.' he tried to calm, 'First, hindi ako manloloko. Secondly, paano mo nalaman na nakipagkita ako kay Kiara?'

Kyla sighed, 'We went sa mall, nakita ko na kasama mo siya! And Laikynn deserves to know that! Sobra mo siyang nasaktan! If you really can't love my cousin, wag mo na siyang pahirapan pa.'

If You Met Me First | (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें