t w e n t y - t h r e e !

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wait. So all this time alam mo lahat?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Uh, yeah. 'Yung pagkakaroon niya ng small crush sayo hanggang sa nadevelop 'yung feelings niya for you, hehe."

All this time, si Michi lang pala 'yung pinagkakatiwalaan ni Sicheng.

"Kaya pala hindi ka masyado nagkwekwento kay Sicheng at kung ano nangyayari sa kanya."

"'Cause I'm afraid that I might spill anything about him. Hinihintay ko lang naman na siya magsabi sayo, huhu. Please don't be mad, Mielle."

"I understand, Michi." I smiled.

Nung natapos na 'yung class hours, nagpaalam na sa akin si Michi dahil pupunta pa siya sa choir practice niya.

I was about to bid Sicheng a goodbye pero wala na pala siya. Hinanap naman ng mata ko si Jaehyun pero pagtingin ko wala na rin siya. I guess, dumiretso na siya sa musical play rehearsal namin.

Masaya akong naglalakad papunta sa auditorium. Pagpasok ko, sinalubong ako ni Johnny.

"Where's Jaehyun?" Tanong niya sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa kanya, "Akala ko nandito na siya?"

"He messaged me saying he'll quit."

Nagulat ako sa sinabi ni Johnny. He's the student director, for sure, stressed na stressed na siya tapos sasabihin ni Jaehyun, magquiquit siya? Bakit ano dahilan niya?

After nilang sinubukan kontakin si Jaehyun, they failed to reach out Jaehyun kaya si Doyoung muna pumalit sa kanya.

I felt comfortable rehearsing with Doyoung since he's one of my friends that's why I have no problem with it.

Nagbreak muna kami kaya umupo muna ako sa pinakadulo ng auditorium. Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko.

"Oh, Taeyong?"

"Hi, Mielle."

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako. Ngayon lang ulit kami nagkita simula nung nag-outing ang Neo Band.

"Hindi na kita masyadong nakikita around campus." Sabi ko sa kanya.

"Busy ako sa upcoming exams." Nakangiting sambit niya.

"Ay, oo nga pala. Namiss ko mag-aral palagi sa library." Natatawang sabi ko naman.

"I miss you."

Oo, narinig ko 'yung sinabi niya kahit mahina lang 'yun. Pero let's pretend na lang na wala tayo narinig kasi ang awkward. Nasabi niya lang siguro 'yun?

"Bakit wala si Jaehyun?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Hindi ko alam."

-

Sumabay sa akin si Doyoung at Taeyong palabas ng campus pagkatapos ng rehearsal. Kasama rin namin si Jungwoo, isa rin sa cast ng play.

"Doyoung, sure ka ba sa play? May quiz bee ka pa." Paninigurado ni Taeyong sa kanya.

"Hindi ko nga alam. Ano ba kaso nangyari dun kay Jaehyun?" Doyoung sighed.

"Running for Valedictorian ka pa naman, hyung." Sabi naman ni Jungwoo.

Nakalabas na kami ng campus at humiwalay na si Doyoung at Jungwoo sa amin ni Taeyong.

Taeyong insisted na i-hatid ako since maggagabi na. Hindi nga ako pumayag kasi iba way niya pero since kinulit niya ako about it, wala na ako nagawa.

"Si Jaehyun at Miette ba 'yun?" Tumingin ako sa tinitignan ni Taeyong at tumigil.

Si Jaehyun at Miette nga dun sa isang coffee shop sa may kabilang street. Magkaharap sila.

Are they back together now?

Matagal ko silang tinignan. Hindi ko alam, nasasaktan pa rin talaga ako. It hurts that I can't have him when I've liked him for so long even before their relationship.

Naramdaman ko 'yung braso ni Taeyong sa balikat ko at dinala ako paalis sa pwesto na 'yun.

"Mielle, bakit sobrang gusto mo si Jaehyun? You'll just end up getting hurt. Sinasabi ko sayo 'to kasi I just want the best for you and I don't want to see you crying."

'Yung mga sinabi ni Taeyong tumama sa akin kaya napatigil ako ulit sa paglalakad. Tumingin ako sa sahig to keep myself from crying.

It hurts so much. One sided love. Bakit patuloy pa rin ako umaasa?

I felt Taeyong's arms wrapped around my body, hugging me. Hindi ko namalayan na nababasa na pala ng luha ko ang damit niya.

"Mielle, bakit hindi na lang ako?"

⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝ - ⁝⁞⁝⁞ʕु•̫͡•ʔु☂⁝⁞⁝⁝

thank u sa mga nagbabasa nito and dun sa mga nagsusupport ng story na 'to huhuhu i appreciate it so much :((((

la douleur exquise | jaehyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon