Kabanata 1

105 2 2
                                    

Kabanata 1

Blue eyes

Lumabas na ako ng bahay habang hawak-hawak ang isang basket na naglalaman ng mga kakanin. Kailangan kong ibenta ang mga kakanin upang makakita ng pera sa pangangailangan namin araw-araw. I smile ng makita ko ang aming kapitbahay na kumakaway sa akin. They know already kung ano ang laman ng basket na dala ko.

"Ligaya! Pabili ako!" nakangiting salubong ni Aleng Dezza sa akin. Agad kong nilapag ang aking dalang basket sa harapan nila upang makapili sila ng maayos.

Tatlong klasi ang dala ko ngayon. Puto Maya, Suman at Puto. Ang mga kakanin na ito ay gawa sa bigas. At ang bigas na ginamit namin ay galing sa palayan ni Amang. Ang pagbibinta ng kakanin at ang lupang sakahan namin ang bumubuhay sa amin. Kahit papaano ay natustusan naman ang aming pangangailangan araw-araw.

"Sampung peso po tig-isa." sabi ko sabay ngiti.

Pagkatapos kong tanggapin ang bayad nila ay agad ko naman nilisan iyon at nagtungo sa malaking gate ng isang mansion. Lumabas si Manang Arcely habang kinakawayan ako. Isa siya sa kasambahay ng mansion. Simula bata pa ako palagi ko siyang nakikita diyan sa loob ng mansion. Minsan kasi nakakapasok ako riyan upang bisitahin si Lolo Rufino at Lola Constancia. Silang dalawa at ang mga kasambahay at guard lang ang nandyan sa loob. Kasama ko si Amang at ang mga kaibigan ko para bisitahin si Lolo at Lola.

"Ligaya!" sigaw ni Manang Arcely. Agad naman akong tumango at binilisan ang paglakad patungo sa mansion.

Binuksan niya ang malaking gate saka ako pinatuloy. Habang naglalakad sa pathway patungo sa Mansion ay nasisilayan ko ang fountain na nasa kabilang bahagi habang pinalilibutan ng bermuda grass. Habang sa kabila naman ay mayroon rin bermuda grass ngunit natatabunan ng mga sasakyan.

Agad akong napatingin kay Manang ngunit huli na ng nakatayo na siya sa harapan ng malaking pintuan ng mansion. Patakbo akong nagtungo sa kanya dahil sa bagal kong paglalakad. Pagkabukas ng pintuan ay agad nahagip ng aking mga mata si Lolo Rufino na nakaupo.

Sinalubong niya ako ng ngiti, i also give him a genuine smile. Lumapit ako sa kanya habang pinapakita ang naglalaman ng dala kong basket.

"Iha! Nandito ka na pala." masayang wika ni Lola Constancia sa akin.

"Opo! Suman, Puto maya at puto po ang dala ko ngayon." wika ko sa kanya.

"Salamat at hindi mo kami nakakalimutan. Anyway, Arcely! Kumuha ka nga ng pinggan." utos ni lola cia kay Manang.

Habang busy si Lola cia sa pagpipili ay may mga dalagita at binatilyo ang bumaba sa hagdanan. Makikita sa kanila na anak mayaman sila, dahil sa kutis at pananamit nila. Agad naman naagaw ang pansin ko sa isang dalagita na kanina pa nakatitig sa akin na tila'y nandidiri. Iniwas ko ang aking tingin at tinoon nalang kay Lola Cia.

"Magkano nga ulit ang isang piraso nito?" tanong ni Lola Cia.

"Sampung peso po, Lola." nakangiting saad ko. Maarte namang tumingin sa akin ang isang babae.

"Lola, who is she?" maarteng tanong niya. Agad naman inangat ni lola ang kanyang tingin sa mga apo na nakaupo sa sofa. Hindi niya siguro namalayan ang presensya nito.

"Oh! Mabuti at bumaba kayo. Siya si Ligaya nagbibinta siya ng kakanin. Siya rin yung nagsisilbing apo ko dito." pagkasabi ni lola cia non ay ngumiti ako sa kanila habang ang isang dalagita ay inikot ang dalawang mata na tila'y hindi gusto ang presensya ko.

Naagaw ang tingin ko sa isa pang binatilyo na ngayo'y pababa na sa hagdanan. Kapansin pansin ang kulay asul niyang mga mata. This is my first time seeing a blue eyes. Ang kanyang mga mata ay parang karagatan. Napakaganda. Habang nakatitig sa kanya ay nahagip niya ang aking mga tingin kaya agad ko itong iniwas.

Fly High, Kat (TJOAP Series #1)Where stories live. Discover now