Luissa p.o.v
Good morning sunshine! Good morning my lovely bed! Good morning to you too my annoying alarm clock, naunahan pa kita mwuhaha. Oh good morning to you too my super soft kumot! Wahhh! Ang ganda ng umaga ko! 'Pag mulat pa lang ng dalawang mata ko, nakangiti na ko agad!
Sino ba namang hindi ngingiti agad pagkagising? Eh pupunta lang naman dito sa bahay namin si Lanz! The one and only Lanz Miyamoto! The man in my dreams hihi. Literal na man in my dreams kasi napanaginipan ko siya sa sobrang excited ko. Ang dapat na gawin ko muna ay sabihan si ate Pearl na maglinis ng bahay! Well malinis naman na yung bahay namin, pero para sure, magpalinis pa rin tayo.
Hmmm Magbake kaya ako? Para naman may makain si Lanz pagdating niya dito. Ano naman ibebake ko? Cookies? Brownies? Cake na lang kaya? Eh kung gumawa na lang kaya ako ng chocolates? Teka nga lang! Bakit ba puro dessert yung iniisip ko?! At bakit nasama yung cake?! Ano to birtday celebration?
I'm craving na tuloy char, why so conyo Luissa. Magbebake na nga lang ako ng cookies tapos pancake with maple syrup, syempre for me hihi, tapos yung usual na breakfast food na lang ihahanda ko. Sinigang na hipon na lang lulutuin ko para sa tanghalian.
Pagkatapos ko maglinis ng kwarto, bumaba na ko para tignan kung may mga enough na ingredients pa ba sa ref... Hmm okay walang hipon, kang-kong, teka wala ding pork?! Omg?! Walang ham? Ham is mah peyborit and wala na kaming ham?! How could this be? Nilista ko na yung mga kelangan kong bilhin, so meaning kailangan natin pumuntang market ngayon. Hays buti na lang talaga maaga nagbubukas yung market malapit dito sa village.
Nagpaalam na ko kay kuya na mamaya pa yata yung pasok, at kay ate Pearl na mamimili lang ako ng uulamin para sa mamaya. Hmm dun na lang kaya ako sa may labasan magtraysikel? Lalakarin ko na lang muna para tipid sa pamasahe at syempre exercise na rin.
Grabe! Pangalawang beses naman na to ni Lanz na pupunta sa bahay pero parang feeling ko first time pa rin niyang pupunta dito sa bahay! Well first time ni Lanz na pupunta sa bahay ng mag-isa, at sabagay hindi ko naman kasi masyadong nakakausap si Lanz nun eh. Busy kaming lahat that time para sa MAPEH.
Hays buhay, parang candy hehe ang sweet char! Pero nakakasakit din ng ngipin yung candy eh... Meh.
"Luwings?" Napatingin naman ako sa lalaking tumawag sakin. Tsk isang tao lang naman yung kilala kong may lakas ng loob na tawagin ako nun eh, hays okay ngiti ngiti muna tayo.
"Uy Natsu!"
"Mukha kang pupuntang divisoria sa suot mo. Mukha ka pang gusgusing bata na naligaw sa lansangan." Pektusan ko kaya tong mokong na to? Like, now na?
"Tse! Lumayas ka nga sa harapan ko! Tabe! Haharang harang ka sa dadaanan ko." Natawa na lang yung loko sa sinabi ko.
"Saan ba punta mo? May dala ka pang eco bag."
"Dyan sa may market, mamimili, sige na, dyan ka ng mokong ka." Papalakad na sana ako ng pigilan niya ko.
"Taray taray mo talaga Luwings. Tara sabay ka na sakin, dun din naman punta ko eh." Nanlaki bigla yung mata ko sa sinabi ni Natsu.
Wait! Pinapasabay ba niya ko? Hihi kapag sumabay ako sa kanya makakatipid ako ng bente pesos sa pamasahe! Pero duh, si Natsu makakasabay ko! Sa motor! Eh delikado pa naman to mag drive! Akala mo laging may karera eh.
"Iba din, nag isip pa talaga siya." Natatawang sabi ni Natsu, sinapak ko tuloy. "Ah! Ang sakit nun ah, ito naman parang hindi tropa eh, tara na, makakatipid ka pa sa pamasahe." Okay nadala niya ko sa makakatipid ako sa pamasahe.
"Basta ayusin mo yung pagmomotor mo ah! Baka mamaya niyan makarating tayo sa market ng wala na kong buhay." Natawa naman siya bigla sa sinabi ko. Feeling ko talaga tingin nito sakin clown eh.
YOU ARE READING
Twisted
Teen FictionAno nga ba ang mangyayare kapag inalam mo ang nakaraan ng kaybigan mo na pilit nilang tinatakasan? Subaybayan ang kwento nila Luissa at ng kanyang tatlong bagong kaybigan na alamin ang mga nakaraan ng bawat isa at ang ibang pinakatatago nilang sekre...
