Luissa p.o.v
Yes! Uwian na omg! Kanina ko pa kamo hinihiling na sana matapos na yung klase namin and fortunately maaga nag pauwi si Sir! Hindi rin naman siya nagklase kaloka, nagpakilala lang tapos the end, hinintay na lang namin mag two thirty. Tapos itong si Vincie tuwang tuwa ng malaman niya na si Sir Zack pa rin yung teacher namin sa Computer subject.
Well I can say na gwapo si Sir, may pagkatahimik nga lang.
"Grabe yung saya ni Chelseia the whole computer period, ang hyper lang eh." Sabi ni Carl habang hinihintay namin sila Vincie, Aya at Natsu dito sa cafe.
Pinatawag kasi sila ni Principal, ewan ko kung anong meron, basta tinawag na lang sila gamit yung school intercom. Feeling ko nga one of the boys ako ngayon hihi kasama ko lang namang naghihintay dito sa cafe sila Lanz at sila Terence ngayon hihi biro niyo besh limang naggwagwapuhang lalake ang kasama ko ngayon! At 'wag kayo! Kasama pa si Lanz!
Enebe! Mahal na mahal talaga ako ng cafe na to!
"Bakit nga ba ang hyper ni Miyazaki kanina? Kahapon naman parang normal lang siya, ganun ba nagagawa sa kanya ng chocoloates?" Tanong ni Lanz sa'min.
"Feeling ko hindi sa chocolates yun eh. Alam niyo kasi, tuwing valentines day, ang daming nagbibigay sa kanya ng chocolates, so every valentines naman madami siyang nakakain na chocolates pero hindi naman siya naging ganun ka-hyper." Paliwanag ni Terence sakanila.
"Lagi naman hyper yun eh." Natatawang sabi ni Ivan. "Nagtaka pa kayo."
"Pero iba kasi yung pagkahyper niya ngayon 'di ba? Lalo na kanina sa com lab." Sabi ni Terence.
"Hay nako, crush kasi ni Binsay si Sir dragon warrior." Sagot ko sa nagugulumihanan nilang isip.
At pagkasabi ko nun, napabuga ng iniinom si Lanz, nasamid naman si Terence, muntikan ng mahulog sa inuupuan si Ivan at nabilaukan naman si Jm na nanghihingi pa ng tubig kay Carl na halatang nagulat din.
Well... Hindi na ko magtataka sa reaksyon nila, nakakagulat naman kasi talaga malamang may crush na mortal na tao si Vincie eh.
"Crush ni Chelseia sino?" Tanong ni Carl.
"Dragon.... Warrior?" Halatang hindi makapaniwala si Jm sa tanong niya.
"May crush si Che/ Zaki/ Miyazaki?!" Sabay na tanong nila Ivan, Terence at Lanz.
"Wait guys, isa isang tanong lang, mag-isa lang ako, madami kayong tanong." Pagtataas ko ng dalawang kamay na parang nasurrender ako sakanila.
Huminga muna ako ng isang malalim na hininga bago sumagot sa mga tanong nila, nakakaloka naman tong mga to.
"Okay si Sir dragon warrior ay yung teacher natin sa Computer subject, si Sir Zack, and yes, crush ni Binsay si Sir dragon warrior."
"Yung sa kung-fu panda?" Hindi ko maiwasan matawa sa tanong ni Jm kahit wala namang nakakatawa dun, napatango na lang ako bilang sagot.
"Eh hindi naman mataba si Sir Zack ah? Ganda nga ng katawan ni Sir eh." Sabi ni Ivan.
"Pa'no naman naging dragon warrior tawag niyo kay Sir Zack?" Tanong ni Carl.
"Teka Luissa, pa'no naging crush ni Zaki si Sir Zack?" Tanong ni Terence sakin.
"Kaya dragon warrior tawag namin sa kanya kasi magaling din si Sir sa self defense, tyaka si Sir din kasi yung nagligtas samin ni Aj nung second year kami, grabe kamo yu---" Napahinto ako sa pagpapaliwanag ng marealize ko kung ano na yung sinasabi ko.
"Nagligtas sa inyo ni Aj nung second year?" Tanong ni Terence.
"Ligtas? Naaksidente ba kayo nun?" Tanong din ni Carl.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Twisted
Ficção AdolescenteAno nga ba ang mangyayare kapag inalam mo ang nakaraan ng kaybigan mo na pilit nilang tinatakasan? Subaybayan ang kwento nila Luissa at ng kanyang tatlong bagong kaybigan na alamin ang mga nakaraan ng bawat isa at ang ibang pinakatatago nilang sekre...
