He's wearing a white polo covered by a khaki-colored apron na may logo ng Cafe Avenue. May suot rin siyang half cap na brown ang kulay.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked. Not that I'm curious pero parang ganoon na nga.

"Oo nga cous, why are you here?" tanong ni Viel sa pinsan.

I looked at him biting his lower lip and mumbled something before he answered.

"I'm working here." He said stating the most obvious answer to our question.

"What?!" Halos maibuga no Viel ang iniinom na kape. "Does tito and tita knows?"

"Nobody knows." Now we know.

"Even Kuya Levi?" Usisa ni Viel and umiling naman si Rigel.

Ilang segundo rin kaming natahimik ni Viel nang biglang lumingon sa akin si Ely. Kunot ang noo nito at salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko sa kanya?

"What are you doing here?" tanong niya sa akin and he sounded as if he doesn't want me here. Hindi ko alam kung bakit parang iritable siyang makita ako.

"To have coffee?" Me stating the obvious. "Bawal ba akong pumunta dito?"

"Yes." He said with conviction. Bigla nalang niya hinagip ang braso ko. "Let's go."

Hinila niya ako dahilan para mapatayo at magapatianod sa kanya. Kita ko namang sumunod sa aminn si Viel. Bago pa kami makalabas ng cafe ay nagpumiglas ako dagil para nabitawan niya ako nang tuluyan.

"Ano ba'ng problema mo Ely? What the heck are you doing?" Napalakas ang sigaw ko. He's so rude for dragging me out of the coffee shop. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero tahimik lang siyang nakatayo. Kita ko kung paano siyang magpigil ng galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay. This is unusal. The Ely I know ay agad na makikipagtalo sa akin sa ganitong sitwasyon o di kaya ay lalo akong aasarin. Maybe because nakikita niya na galit ako sa ginawa niya.

"George, just leave–no.. Sumama ka sa akin, please." he pleaded with the magic word. I wan't to be amazed how he was able to say 'please'. Kitang-kita ko kung paano niya ako tignan nang masama pero may halong pag-aalala sa kanyang mga mata.

Ayokong sumama at hindi ako sasama. Hindi ko siya maintindihan.

"Ely, what's happening?" Tawag sa kanya ng isang babae. Mukhang siya ang manager ng coffee shop. Kita ko kasi yung name tag. "Anong nangyayari dito? Miss, okay ka lang ba?" Tumango nalang ako para hindi na lumaki pa ang gulo. Nakakahiya na rin na gumawa ng eksena lalo na at kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. "Ely, inaaway mo ba ang customer?"

"Hindi po." Ako ang sumagot. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Siguro ay ayaw ko lang rin siyang mapagalitan. Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya.

Bigla nalang tumalikod si Ely at umalis papalayo sa amin.

Napailing naman 'yung manager at hinarap ako. "Miss are you okay?" tanong nito.

"Okay lang po ako. Hindi lang po kami nagkaintinidhan."

"Ganoon ba? Pero hindi pa rin tama ang ginawa niya sayo. Pasensya ka na. Ako nalang ang kakausap."

"Ayos lang po talaga ako. Wag niyo na po sana siyang pagalitan. Hindi naman ako nasakatan o ano. Magk-kaibigan po kami. Hindi lang nagkaintindihan." Gusto kong sampalin ang sarili. A few minutes earlier I was so frustrated with his actions tapos ngayon pinagtatanggol ko naman. Napakagulo mo Georgina!

Muling humingi mg tawad yung manager and even offered us free food but I politely declined it.

Lumapit agad sa akin si Viel at bumalik kami sa table namin. "Bestie okay ka lang ba? Ano bang problema ni Ely?" halatang nag-aalala at naguguluhan siya sa nangyari.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now