"A-Apat?" I asked at tinaasan ko siya ng kilay.

They were seven in the band. Hindi ako pamilyar sa dalawa pang miyembro nila pero I'm definitely surprised na wala ang isa sa pinakakilala ko.

Tumango si Gio and questions kept on coming in my head at I'm sure na ganoon rin kay Viel."Where are they?" usisa nito sa pinsan ko. Halatang ayaw magkuwento ni Gio but he knows that we won't stop pestering him.

"Kris is going to Canada, while Jimmy will be transferring to another band na binuo nila ng kapatid niya. Zeke.." napasinghap siya ng malalim before continuing.".. he just left." I want to ask him again if I heard it right but seeing Viel's reaction confirmed it.

"What?! Wala namang na-ikwento si Zeke sa akin. Bakit raw?" Kahit si Viel ay hindi rin makapaniwala sa sinabi nito.

"Tch. Ewan, napaka-duwag." Pekeng ngumit si Gio habang napapapailing nalang.

Gusto ko pang magtanong sa pinsan ko but seeing his reaction made me realize that it is not the best time for it. I saw his mood changed. He's smiling pero bakas sa mata niya ang lungkot.

"Guys, I'll go ahead." Paalam ni Gio sa amin."Baka abutan pa ako ng mga fans ko rito." Bago niya kami talikuran. I rolled my eyes. Ang kapal talaga ng pinsan ko! Wala sa lahi namin 'yan! Si Viel naman ay natawa lang.

Nang maka-alis si Gio ay nilingon ako ni Viel confirming if I have any idea of what is happening.

"Viel, hindi ko rin alam. Matagal na kaming hindi nakakapag-usap. Or mas maganda siguro sabihin na iniiwasan na niya ako." Inunahan ko na siya sa mga itatanong niya.

Simula noong graduation ay hindi na kami nakapag-usap ni Zeke. Kahit noong summer na bumisita siya kila Viel ay hindi man lang kami nakapagkamustahan. It's just that suddenly were strangers to each other. It's so sudden that we started not talking to each other and who knows about the reason why. Kasi ako, wala akong alam na pwedeng maging rason. Ayoko naman siyang tanungin kung bakit siya umiiwas sa akin kasi baka mamaya ako lang pala ang nag-iisip noon. Maybe he's not that interested to bond with me anymore.

"I'm sorry bestie. Wag nalang natin siya pag-usapan. Magcoffee nalang tayo! Total maaga naman natapos ang klase natin." Hinila niya ako paalis ng school at nagtungo kami sa pinakamalapit na coffee shop. It's just seven mintues away from the university pero okay na rin para maiba naman. May coffee shops rin sa loob ng university. 'Yun nga lang laging puno. Ayoko rin ng magulo at maingay saka maraming makakakilala sayo.

Nakarating na kami sa coffee shop at Café Avenue ang pangalan nito. Medyo kaunti lang ang tao siguro ay dahil maaga pa para sa uwian ng mga estudyante. Umupo kami ni Viel at mabilis namang kinuha ng waiter ang mga orders namin.

Viel ordered an espresso at ako naman ay isang strawberry vanilla milkshake ang inorder.

Maganda ang ambiance ng coffee shop. Hindi naman gaano kalaki pero mukhang maganda ang service at masarap ang mga food and drinks nila dito. I saw a lot of unfamiliar flavors and dishes sa menu nila.

"Grabe! Ang ganda dito in fairness. Hindi rin matao unlike sa school na magulo. Pwede ka talaga ritong mag-chill." Viel said with amazement.

"Yeah. Mukha ring masarap ang mga drinks and food nila dito."

Nagkwentuhan muna kami ni Viel habang nagaantay ng drinks . We talked about our first few days as college students, about our pets hanggang sa napunta ang usapan sa nalalapit kong birthday. She seems more excited about it than I am.

We are busy talking nang biglang may naglapag ng order namin sa mesa.

"One espresso and one strawberry vanilla frappe. Any other orders–" sabay sabay kaming natigilan. I winked a few times before nilingon si Viel who's also surprised as I am. Bumalik ang tingin namin sa waiter at kahit siya ay nagulat rin nang makita kaming dalawa.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now