CHAPTER 3

0 0 0
                                    

***********

Stella P.O.V

ngayong araw na ang alis ko papunta sa maynila inayos ko lng ang ibang gamit ko at aalis na ako

Inaamim ko malulungkot ako sa pagalis ko ngayon lng kasi ako mawawalay kila inay ng mahabang panahon

Lumabas na ako ng aking silid dala dala ang shoulder bag at maleta ko na regalo saakin ni Don tiago kahit ayaw kong tanggapin ay tinggap ko na kasi siguradong magtatampo si Don tiago pag di ko to tinggap at ginamit

alis na po ako- sabi ko kay inay at niyakap ito ganon din kay ken

Mag iingat ka ha- sabi ni inay at hinawakan ang mga kamay ko

Opo kayo rin po ha mag iingat po kayo dito- sabi ko sakanila

Pasensya na anak at hindi ka namin mahahatid ni ken sa terminal ng bus alam mo nann na may importante akong gagawin diba- sabi ulit ni inay

Opo naiintindihan ko po- sabi ko at ngumiti sakanila may aasikasuhin kasi si inay pero di ko alam kung ano yun

Lumabas na kami ng bahay dahil dumating na yung tricycle na sasakyan ko papunta sa terminal ng bus

Tumawag ka pag nakarating kana sa maynila ha- sabi ni inay kaya tumango ako bilang sagot

Tumingin ako kay ken at niyakap siya mamimiss ko ang isang to

Magpapakabait ka ken ha wag kang mag papasaway kay inay- sabi ko kay ken na kinatango niya

Opo ate pangako basta umuwi ka agad ahh, mamimiss kita- sabi ni ken habang nagpipigil ng iyak

Promise uuwi rin si ate, basta alagaan mo si inay ahh- sabi ko at tinap ang ulo niya

Tumango lang siya bilang sagot at pinunasan ang luhang pumatak galing sa mga mata niya

Alis na po ako- sabi ko kila inay ay niyakap ito

Sige anak mag ingat ka ha- sabi ni inay na kinangiti ko

Opo- sabi ko at sumakay na ng tricycle ng umandar na ang tricycle ay sumilip ako sa labas at kumaway kila inay, Namimiss ko sila ng sobra

Makalipas ng ilang oras ay nakarating na rin ako sa terminal ng bus inaantay ko na lng ang bus na masasakyan ko

Nandito ako nag hihintay sa waiting shed, Ng dumating na ang bus ay agad agad akong sumakay matagal tagal na byahe ito dahil aabutin ito ng 5-6 hours

Sana maging maayos ang pamumuhay ko sa maynila bulong ko sa sarili ko sinuot ko ang earphones gusto ko muna magsoundtrip dahil baka mabored lng ako sa tagal ng byahe

********

Nandito na tayo, pwede na kayong lumabas- nagising ako sa sigaw ng kondoktor

Nakatulog pala ako hindi ko namalayan, tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko at bumaba na ng bus

Napakarami ng tao dito sa bus station, naglakad lakad ako para makahanap ng sakayan

Para makahanap na ako ng mauupahan, kaso hindi ko alam kung saan ako daan

Kanan ba o kaliwa mukhang problema ito, hindi ko nga pala kabisado itong maynila paano na to

Saan ako makakahanap ng pwedeng maupahan, try ko kaya magtanong tanong

Kaso kanino ako magtatanong, naglakad lakad na lng ulit ako baka sakaling may makita akong paupahan dito

Ilang oras na akong naglalakad pero wala pa rin akong makita napapagod at nagugutom na ako kaya umupo muna ako sa isang gilid

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till I Met YouWhere stories live. Discover now