AYR 18: SECOND MISSION-ARSON

374 29 0
                                    

[TAMARA]

Nag-ayos na kami ng mga gagamitin namin para sa misyon na ito. Halos wala naman kaming masiyadong dinala maliban na lamang kina John at Pauline.

Si John, ang daming dinalang kung anu-anong mga gadget. Andun pa rin ang kaniyang laptop, mga earpiece at cameras.

Si Pauline naman, puro weapons. Naglagay siya ng dalawang baril sa may bewang niya at isang kutsilyo sa may paanan niya. Dadalhin niya pa sana ang katana at baseball bat niya kung hindi namin siya pinigilan.

"Huwag, Pauline" pagpigil ni Hale. "Masiyado na nilang mahahalata iyan." Sumimangot si Pauline dahil doon.

Nagdala rin ng mga pistol si Hale at Seb. Para lamang sa self-defense if something out of our hands happens. Hindi tulad last time sa nauna naming misyon, sumabak kami ng walang dalang kahit anong armas. Atleast now, we're prepared.

Sumakay na kami sa van na ginamit namin kahapon. As usual, si John ang umupo sa driver's seat.

8:45 AM

Medyo inabutan kami ng traffic sa daan namin papunta doon, it took us 45 minutes before we could go there.

Mabilis kami humanao ng kaniya kaniya naming puwesto. This time John and Felize are the lookouts. Naka-assign sila sa loob ng van at papanoorin ang mga kilos namin at mga kilos ng nasa paligid namin.

"Guys, on your 10:00, may dalawang bodyguards na nandoon. Krissha, you need to distract them para maayos na makapasok ang mga natitira." John

"Okay, copy. This one would be easy." Krissha

Mabilis kaming kumilos upang sundin ang mga sinabi ni John. Kailangan kasing mabaling ang atensyon ng mga guwardiya dahil may dala sila Hale na mga baril. Those are prohibited inside the library.

Humiwalay si Krissha upang gawin ang ipinaguutos sa kaniya. Sa tingin ko naman ay kayang kaya niyang gawin 'yun. She could lure them with her beauty.

Tinignan ko si Seb. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang okay lang sa kanya ito. He's cool with it.

Kinausap na ni Krissha ang dalawang bantay sa may pintuan. Success! Nadistract niya ang mga iyon. Ginamit namin ang pagkakataon na iyon upang makapasok sa loob ng library.

Naghiwa-hiwalay kami at pumunta sa kaniya-kaniyang puwesto. Naka-assign ako upang magmanman sa may Short Story Section kung saan nanggaling ang nawawalang libro na omnibus.

Papunta na dapat ako sa may 8th aisle ng seksyon na ito, nang may marinig akong mga boses. I can hear muffled voices of two men talking.

Naglakad ako palapit kung saan nanggagaling ang mlboses ngunit bigla na lamang may humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Hmmp!" pilit akong kumakawala sa akap niya. Nasa may pang-anim na aisle kami ngayon.

"Shhhh!" Kumalma ako nang makilala ko kung kanino ang boses.

Tumigil ako sa kapapalag at napansin kong lumuwag din ang pagkakahawak sa akin ng kung sino man ito.

Nilingon ko siya gamit ang nagtataka kong mukha. Sinagot niya lang ako ng senyas na huwag umano kami maingay.

Magkalapit pa rin kami at medyo awkward ang puwesto kaya medyo naiilang din ako. Amoy na amoy ko mula rito ang matapang niyang pabango.

Nahulaan niya yata na medyo naiilang ako kaya't humakbang siya ng kaunti palayo sa'kin.

ARE YOU READY? | completedWhere stories live. Discover now