Chapter 14

199 9 0
                                    

14.



My heart is still pounding after letting go of the last bullet. Of course it's a bull's eye and my smile even got wider.

Ah... The feeling of satisfaction whenever I'm holding a gun. A shotgun.

Nilingon ko si Marco, nandun pa rin siya sa dati niyang pwesto, diretso lang nakatingin sa akin habang hawak niya pa rin yung blazer ko. Pero nakita kong lumapit na rin sila Jaro, Lucas at Mike. Wait, naglunch na ba si Marco?

Mabilis akong naglakad papunta sa kanila. "Hey, guys... Nabusog ba kayo sa lunch?"

Ang laki ng ngiti ni Mike. "Opo, Ma'am. Thank you, ha. Ang sarap ng pagkain nila."

"Wala yun. Ikaw Marco, nakakain ka na rin?"

"Oo."

"Ano'ng oo? Hindi ka naman pumunta dun kahit tinawag ka na ni Lucas kanina." Sabi ni Jaro.

"Hindi kasi siya pwedeng iwanan mag-isa." Katwiran niya.

"Si Lucas nga ang papalit, 'di ba? Ayaw mo lang talaga." Jaro insisted with his frowning face, as always. But Marco didn't mind his remarks.

"I don't know why you didn't eat but we will head back now so that you can still have your lunch."

"Sige, Ma'am. Kunin ko na po yung sasakyan." Si Mike.

"Magpapaalam lang ako kay Lolo Ninong." Pipigilan ko sana si Marco na sumunod pero hindi na lang. Alam ko namang hindi kasi siya papayag. Sinamahan din kami ni Jaro.

"Tatawagan mo ako agad kapag may problema, ha. Hindi kasi ako na-inform ni Maiah na pupunta sila ng Palawan, eh. Na ikaw lang ang mag-isa." Sabi ni Lolo.

"Lo, you don't have to worry, I'm well and everything's okay. Besides, I have them, so I'm safe. And if ever that something happens, maybe I can defend myself that time."

"Kahit na. Knowing what happened, we'll never know. But good thing Kyle appointed some bodyguards for you while they're away."

"Sa galing ba namang mag-aim ni Kaye, for sure, kaya na niyang makipaglaban, Boss." Sabi ni Aldrich na nakangisi sa akin.

"Loko ka. Baka magkaroon ng heart attack ang mag-asawa kapag nakita nila ang apo kong gumagamit ng baril." At sabay sabay kaming nagtawanan.

"Oo nga pala Kaye, yung tanong mo sa akin kanina... Yung pagpunta mo three weeks ago, yun lang din ang log niya dito sa range. Hindi na nasundan."

"Talaga ba?..."

"Bakit sino yon?" Usisa ni Lolo Ninong.

"Yung crush niya Boss!" Sabay tawa ni Aldrich. Sinimangutan ko siya pero tawa pa rin ng tawa. Aba, ang isang 'to!

"Uuwi na kami, Lolo Ninong. May isa pa po akong bodyguard na hindi naglalunch. I'll be back here as soon as possible, I promise." I'm not ready to talk about Kade with Lolo Ninong. Not with anyone else.

I bid my goodbye to them and walked away from his office together with Marco and Jaro who remained silent.

Paglabas namin sa main entrance, nakaparada na ang sasakyan at naghihintay na sila Lucas at Mike sa loob.

"Mauna ka na Ma'am." Sabi ni Jaro na sinunod ko rin naman agad. Pumasok na rin si Jaro at naupo sa likuran kong upuan.

"Marco, ano na?" Tawag niya dito na nakatayo pa sa labas. Tiningnan ko si Marco na parang may tinatanaw sa 'di kalayuan.

"May problema ba?" Lalabas na sana si Lucas pero pumasok na si Marco at tumabi sakin.

"May problema?" Ulit ko. Pero pag-iling niya lang ang nakuha kong sagot bago tuluyang pinaandar ni Mike ang sasakyan.

Angel With A ShotgunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon