Prologue

2.7K 85 9
                                    

Malapad ang ngiti ni Rivero ng ilagay niya sa lamesa nito ang picture ng Martin family. Abot tenga ang ngiti ng mag-asawang Maiah at Kyle Joseph habang nakaakbay sa kanilang dalawa ang nakangisi ring si Mikayla Kaesley; ang nag-iisang anak ng mga ito.

Kuha ang larawang ito sa katatapos lang na 24th birthday ng dalaga at kitang kita nilang dalawa kung gaano kasaya ang mga ito.

"Tingnan mo nga naman ang mga ngiti nila, o! Sobrang saya, hindi ba?... Lalo na 'tong si Maiah... At itong anak nila, napakaganda ah! Pero mas kamukha niya yata ang Daddy niya." Tuwang tuwa na sabi ni Rivero habang pinagmamasdang mabuti ang larawan ng may malaking ngiti sa mga labi.

Nilingon siya ng lalaki para tingnan ang kanyang reaksyon pero nagkibit balikat lang siya at napaangat ang sulok ng kanyang labi.

I can't disagree. But I want to get her for another reason. 

"Sa tingin ko nga'y bagay na bagay ka sa kanya, eh. Hindi malabong mapagkakamalan ka talaga nila na boyfriend niya." Dagdag pa nito.

Gusto niyang mapabuntong hininga dahil ayaw na niyang makinig sa mga sinasabi nito pero hindi niya gagawin yun.

"May impormasyon na rin ako kung saan sila nakatira. Mukhang magiging mabilis lang ang lahat." Tugon niya dito.

Ngumisi ulit si Rivero at tumango tango sa sinabi niya na para bang bilib na bilib sa kanya.

Pero ayaw niyang magpasiguro. Big time drug lord at syndicate leader ang kaharap niya. Tuso at walang patawad. Sa tatlong buwang pagsasama nilang dalawa ay nasaksihan niya kung gaano kabrutal na tao si Rivero.

"May tiwala naman ako sa 'yo na magagawa mo ng mabilisan ang lahat, Hunter. Aba! Ang tagal tagal kong naghintay na mahanap sila, dapat lang na mapasakamay ko na ang pamilyang yun, lalo na si Maiah!..."

Tumayo ito mula sa swivel chair na kinauupuan at nilapitan siya tsaka tinapik ang kanyang balikat.

"... Kaya aasahan ko ang mabilisang sinasabi mo, ha. Pwede ka rin namang umiskor sa anak nila, okay lang yun." Sabay kindat sa kanya.

Natawa siya sa sinabi nito. "Well, maganda naman siya kaya hindi imposible." At muli niyang inalala ang maganda at maamo nitong mukha na mahahawakan niya sa oras na magharap na silang dalawa. 

Angel With A ShotgunWhere stories live. Discover now