19: New Girl

38.1K 1.3K 115
                                    

Chapter Song: Ex-Girl by Monsta X

Palabas ako ng classroom nang makasalubong ko si Shownu. Lunch time na kasi at mukhang patungo din sya sa Dining Hall kaya ayun sabay kaming nagpunta doon.

"Okay na si Kihyun. Salamat sayo," ngumiti ako sa pahayag nya.

"Dahil din yun sa mga luto mo kaya sya gumaling," I said. Kita ko ang pagngiti ni Shownu. Masarap talagang magluto si Shownu at bilib na bilib ako sakanya.

"Pero mabuti naman. Tatlong araw din syang napirmi sa kama nya," saad ko.

Lumipas ang tatlong araw na pag-aalaga ko kay Kihyun at nagpapasalamat ako na maayos na talaga sya. Effective na nurse talaga ako.

"Bisitahin mo sya mamaya para mas lalong gumaling," natawa ako.

"Sige, gagawin ko ang sinabi mo," sagot ko.

Nang makarating kami sa Dining Hall ay naabutan namin ang mga boys. Nagtatawanan sila. Well,except kay Hyungwon na napirmi ang tingin sa pagkain nya.

"Oy. Masyado kayong close kay Mozy! Keep your distance guys. Magagalit si Kihyun," pinagmasdan ko ang nagsabi nun. Si Jooheon.

"Ang arte mo ungas! She's our Queen kaya natural lang na malapit tayo sakanya!," nagulat ako nang akbayan ako ni Wonho.

"Oy Wonho!," tinapunan ni Jooheon si Wonho ng kung ano.

"Nagseselos ka ba? Sumbong kita kay Cindy," natawa ang lahat sa banta ni Wonho.

Pareho kaming nagulat ni Wonho nang alisin ni Shownu ang nakaakbay na kamay ni Wonho sakin.

"Too close," he said. Rinig ko ang pag 'Tsss' ni Wonho.

"Ang aarte nyo naman!," saad ni Wonho.

"Biscuit," I saw Hyungwon mouthed. Nasa harap ko kasi sya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

Ngumiti lang sya bilang sagot. Tsss. Ano daw yun.

Anyway, si Kihyun lang wala dito at si Cindy. Kami lang din ata ang nagpapaingay ng Dining Hall. (The perks of being with these gangsters). At matapos ang lunch ay tumungo ako sa Auditorium dahil may seminar. (Yey! Walang Statistics!)

But speaking of Cindy, tatlong araw din sya natulog sa kwarto kaya hindi talaga nabisita si Hyungwon sa kwarto ko. Nakakapanibago nga, pero sa tingin ko ay dapat na akong masanay dahil sinabihan ako ng Department of Keys na may makakasama na ako sa kwarto.

Dumaan muna ako sa banyo bago pumunta doon dahil bawala ang maglabas pasok habang on-going ang seminar.

Mabuti nga at walang katao-tao ang banyo na pinasukan ko para iwas narin chismis.

Pagkalabas ko naman sa cubicle ay naghugas ako ng kamay at napatingin sa salamin.

Napapaisip talaga ako kung ano ang nagustuhan ni Kihyun sakin. Hindi nga ako nag-aayos ng sarili ko. I barely put powder and lipstick o kahit na anong pampaganda sa katawan. Ang dami kayang magaganda dito sa Monsta X Academy kaya hindi parin ako makapaniwalang nililigawan ako ng katulad ni Kihyun.

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang may marinig akong anouncement?

"Hello? Hello? Nagana ba to? Damn. Ehem anyway,"

Lumabas ako ng banyo. Nakita ko ang pagtataka ng mga studyante dahil dun.

"Hello again! Teka nga! Magsasalita pa ako! Hindi nyo ba ako kilala?! I'm the Queen of Monsta X Academy!,"

MONSTA ❌ ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon