CHAPTER THREE

8.8K 260 9
                                    

"Romans 10:17 So faith comes from hearing, and hearing through the word of Christ."

CHAPTER THREE

***

Delly: Butterfly Mask

"HUWAG po! Maawa na po kayo sa akin!" umiiyak na pakiusap ng labing dalawang anyos na si Delly. Napasiksik siya sa sulok, habang yakap-yakap ang mga tuhod.

"Pumayag kana Delly, sige na pagbigyan mo na ako, hmmm?" hinubad nito ang pantalon. Napatakip sa mata si Delly.

"Kuya please, don't do this to me!" pag mamakaawa niya dito.

Hinatak siya nito at itinulak sa kama. Kaagad na pinaghahalikan siya nito sa mukha at leeg, habang pilit na hinuhubad ang mga damit niya.

"Kuya!" kinagat niya ang balikat nito at mabilis na tumakbo sa pinto pero nakasara iyon. Nanlisik ang mga mata nito habang dumadaing sa sakit. Nagdugo ang balikat nito, hinablot nito ang buhok niya at kinaladkad siya pabalik sa kama at doon siya pwenersa.

"NO... No! Please no kuya, please..." napabalikwas ako ng bangon, naliligo na ako sa sariling pawis. Kaagad na niyakap ko ang tuhod, nanginginig parin ang katawan ko.

Gabi-gabi nalang akong binabangongot, pilit na bumabalik ang pilat ng aking madilim nakaraan. Sa gilid ko, gumalaw si Winston nagmulat siya ng mata.

"Babe?" bumangon siya at kaagad na niyakap ako. "You're having a nightmare again?" he asked.

I nodded at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Pagkatapos ng kahayupan ng Kuya ko sa akin ay tumakas ako ng magkaroon ng pagkakataon at doon ako napadpad sa mga sindikatong gusto kaming ibenta sa Malaysia.

Doon nakilala ko sa loob ng truck van sina Alice, Belle, Celen, at Elsa. Sa kanila ako muling nabuhayan ng pag-asa, pero hindi pumanig sa amin ang pagkakataon dahil nagkahiwa-hiwalay din kami.

Si Winston ang tumulong sa akin nang tangayin ako ng agos ng baha kasama sina Celen at Belle noon.

Madilim at malakas ang agos ng ilog kung saan kami tumalon, pilit kaming kumampay at kumapit sa mga naaanod na kahoy. Hinawakan ako ni Celen nang wala na akong makapitan at pilit na akong tinatangay ng agos.

"Delly! Kumapit ka!" sigaw ni Celen. Sumabit siya sa isang may kalakihang bato habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.

Si Belle naman ay nakasakay sa malaking kahoy na nakaharang sa bato. Pilit din nitong inaabot ang kamay ko. "Delly, abotin mo ang kamay ko!" si Belle.

"H-hindi ko na kaya!" sigaw ko sa kanila. "I'm sorry!" umiyak ako. "Iligtas niyo ang mga sarili niyo, pakiusap..." bumitaw ako kay Celen at narinig ko pa ang pagtawag nila hanggang sa lamonin na ako ng rumaragasang tubig.

NAPAKURAP ako sa alaalang iyon. Kumusta na kaya sila ngayon? Ligtas din kayang katulad ko?

Akala ko doon na ang katapusan ng buhay ko, pero mabait parin ang Diyos at iniligtas niya ang buhay ko sa pamamagitan ni Winston. Kung saan nagtatangka itong magpakalunod sa dagat noon, dahil tinakbuhan ito ng fiancee sa araw ng kasal nito.

Ang ilog pala na tinalunan ko ay karugtong ng dagat, kaya doon ako naanod at doon ako nakita ni Winston na palutang-lutang habang nakasampa sa isang maliit daw na kahoy. Embes na kitilin daw niya ang buhay ay mas pinili niyang tulongan akong mabuhay at muling bumangon. Ten years ang gap ng age namin pero sa paglipas ng panahon natutunan ko na siyang mahalin at muli akong nagtiwala sa lalaki.

WILD ANGELS (PUBLISHED UNDER DREAME)Where stories live. Discover now