CHAPTER ONE

12.8K 346 22
                                    

"John 8:24 unless you believe that I am who I claim to be, you will die in your sins."

CHAPTER ONE

***

Alice: Black Angel

SUMUSUNOD ang mga balakang ko sa maharot na musika sa loob ng bar na iyon. My mission ay makuha ang atensiyon ni Mr. Marte na noo'y malalagkit na ang mga tingin sa akin. Sa isang sulok ng bar nakamasid si Andrew at sinusundan ang bawat kilos ng mga tauhan ni Mr. Marte. Palihim niyang kinukuhanan ng litrato ang mga nagaganap na transactions sa loob habang nakikipag deal sa mga foreigner nilang mga kliyente.

Hinubad ko ang suot na damit at inikot-ikot iyon, dahan-dahan akong lumapit sa harapan ni Mr. Marte. Mas ginalingan ko pa ang pag kembot sa harapan niya. Mula sa pagkakasandal ay napaayos ng upo si Mr. Marte.

"Very good," napangisi ito. Senenyasan niya ako para lumapit. "C'mon baby, come closer to me."

Umikot-ikot ako at palihim na kinindatan si Andrew. Tumango naman ito at tumayo. Pagkalapit kay Mr. Marte ay kaagad kong hinaplos ang mukha niya.

"Hi!" malambing na sabi ko sa kanya. Umupo ako sa mga hita niya at inayos ayos ang damit. Nagsilapitan kaagad ang mga tauhan niya. Kaagad na senenyasan niya ang mga tauhan kaya nagsi balikan ang mga ito sa pwesto.

"Wanna go out with me tonight? Hmmm?" napapikit ako ng haplosin niya ang hita ko pababa sa mga binte ko. Nalintikan na malapit na ang mga kamay niya kung saan nakasuksok ang kutsilyo sa boots na suot ko. Kaagad akong tumayo pagkatapos palihim na inilagay ang tracker sa barong niya at matamis na ngumiti sa kanya.

"Sure... just wait me here, okay?" kumindat ako sa kanya. At mabilis na pumunta sa restroom. Kaagad na nagdamit ako at mula sa ilalim ng sink kinuha ko ang nakatagong baril na inilagay ni Andrew.

"Black Angel, are you in your position?" napapikit ako dahil sa ingay sa tainga ko, inayos ko iyon.

"Yes," sumilip ako sa labas at nakita ko si Andrew na hawak na ng mga tauhan ni Mr. Marte. Kaagad na nagkubli ako ng tumingin sa gawi ko ang isa sa kanyang tauhan.

"We are in danger! Hello? Hello? Shit!" tinanggal ko ang earphone at muling sumilip.

"Black Angel lumabas kana, hawak na namin ang iyong precious partner o gusto mo na siyang mamatay? Labas na Black Angel," humalakhak si Mr. Marte.

Lumikot ang mga mata ko sa loob ng restroom, mabilis na umakyat ako at pumasok sa kisame sa itaas. Gumapang ako doon. Narinig ko ang pagputok ng baril.

"No... Andrew!"

Mula sa siwang sa taas ay sumilip ako at nakita ko ang pagbaril ng isa kay Andrew.

"Boss! Nakatakas na si Black Angel!" sabi ng isa na nagmula sa banyo.

"Ano? Mga bobo! Hanapin niyo! Hindi pa iyon nakakalayo dito mga inutil!" nakita ko ang pagbagsak ni Andrew kaya napatakip ako sa bibig.

"Bullshit! Pasabogin niyo ang lugar!" nagmadali na itong lumabas kasunod ang ibang mga tauhan nito. Naiwan ang isa na bumaril kay Andrew. Itinutok ko sa kanya ang baril mula sa itaas. Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng lumuhod ito at nag-iiyak sa harapan ni Andrew.

"I'm sorry! I'm sorry!" sabi nito at pinindot ang timer nang bomba bago patakbong umalis. Kaagad na bumaba ako at dinaluhan si Andrew na may tama sa dibdib.

"Andrew, please lumaban ka!" inalalayan ko siya patayo at dumaan kami sa likod. Bago pa sumabog ang buong bar ay naisakay ko na si Andrew sa kotse niya at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

WILD ANGELS (PUBLISHED UNDER DREAME)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora