Chapter Four: Coffee

348 18 1
                                    

Hinintay kong magising si Lianna at nakisabay sa kaniyang bumaba. Alas otso na rin 'yon. Hindi na ako nakatulog pang muli kanina at ang tanging ginawa lang ay ang mag-isip. 

What I did earlier was rude, I know. Did he expect me to reply him with a good morning too? 

And then, what? 

We weren't obviously, even in good terms last night. Maybe what I did is understandable...

Iisipin lang naman niya na iritado pa rin ako sakaniya...

Nang mapansin na parang siya lang naman ang laman ng isipan ko, nagbukas na lamang ako ng cellphone.

Nakita kong nag umpisa na pala ang entrance exam sa university na pinapasukan nina Lianna at kalaunan ay papasukan ko rin.

Kaya naman sa sumunod na pag gising ko ay sinabihan ko kaagad tungkol doon si Lianna. Pumayag siyang ngayon kami pumunta. Pagkababa namin ay wala na sina Ashford. Umuwi na raw ang dalawa. Thank God... I won't have to face him again. I don't think I could face him after what happened.

I realized na walang katuturan ang pagiging iritado ko sa kaniya kagabi. Hindi niya alam na iritado ako mainly because of his relationship with Krisa. He only knows I got irritated because he showed irritation towards me first last night.  Which I think was not right, because I've only met him, and I already feel like this? That sounded so wrong to me. I thought love at first freaking sight was only a myth. 

After breakfast, Hinatid ako ni Jacob sa amin para makapag ayos na.

"We'll pick you up by 10:30. We can't be late. Baka abutin tayo ng lunch break." sabi ni Jacob bago ako lumabas sa sasakyan niya.

I nodded and went straight to our house. Kaagad akong naligo at nagbihis ng isang yellow sweetheart puff sleeve blouse, a denim skirt and matched it with black ankle boots. I put on light make up and I kind of curled the ends of my hair and tied it in a half ponytail.

Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Jacob ay kaagad na akong bumaba. Inside the car are my three cousins: Jacob, Viel and Lianna.

Kaming apat lang naman ang magf-first year pa lang.

"Did you bring all of the requirements?" Lianna asked.

I closed the car door and nodded at her. "Yup. 'Yon lang naman mga kailangan diba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "'Yon lang sinabi nila." sabay turo niya kina Viel na nasa front and driver's seats.

Nauna na kasing nakapag entrance exam sina Viel dahil nag apply sila as varsity players. Tutulungan na lang daw nila kami ngayon at kailangan din yata silang kausaping mga rookies sa magiging football training nila.

Binaba nila kami ni Lianna sa main gate ng univ. Iikot pa raw kasi sila para sa parking at susunod na lang din sa amin. Kaya naman kaagad din akong hinila ni Lianna. Malawak ang eskwelahan, maraming halaman kaya presko ang hangin. Malalaki at matataas ang mga building at sa mga pagitan ng mga ito ay may mga lamesa at benches para sa mga estudyanteng gustong magpahinga o gumawa ng assignments at mag-aral. Nasa lilim ang mga iyon kaya mas maganda.

Si Lianna ay panay ang turo sa mga building kaya pilit kong sinundan ang kaniyang sinasabi habang pinagbibigyan ang sariling maging pamilyar sa mga nakikita ngayon.

"That's the Engineering building... Doon naman yung sa atin..." turo niya sa dalawang building na nasa magkabilang dulo ng univ. "Bandang dito naman ay ang SHS building... Dyan kami noon." kwento niya.

Nalaman kong hindi na nga pala kasama ni Lianna sina Viel at Jacob nang mag SHS sila dahil ibang strand ang kinuha ng mga ito. Si Krisa lang ang nanatiling naging kaklase niya at ni-hindi raw sila nag-uusap kung hindi lang para sa mga school projects.

Still You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora