PROLOGUE

34 2 0
                                    

Shout out kay Binibining_Leah_07 for making my book cover. Maraming thank you sayo 🥰

ONCE UPON A TIME
by Queyzi_irene

PROLOGUE


"What's your last wish honey you want me to do?"

"Nothing mumma, you're a great mother. Wala na akong mahihiling sayo coz lahat na ata nagawa mo."

"Thank you baby, alam mo bang ikaw ang pinaka-maganda sa lahat ng nangyari sa buhay ko?"

I giggled.

"Then request something nalang baby."

"Hmm, can you tell a story nalang mumma? before I sleep."

Humikab ako.

Tinitignan ko siya at ngumiti siya sa akin na may halong kakaiba. Hindi ko malaman kung ano iyon dahil sa mura kong edad.

"Once upon a time, a long time ago there was a kingdom. Well, that kingdom rules a large country. Yung Kingdom na iyon ay namumuhay ng maayos at kalkulado lahat dahil sa mga batas na ipinatupad ng hari. And then one day, may isang hindi kilalang tao ang pumunta sa lugar na iyon. Walang lumalapit dito na kahit na sino dahil sa tindi ng amoy nito at duming taglay. Kilala ang kaharian dahil din sa kalinisan nito kaya gayon nalamang ang galit ng hari nang malamang may isang taong nagkakalat sa lugar. Kumatok ang taong gumagala sa kaharian at nanghihingi ito ng tulong na pagkain para maiuwi sa lugar nila. Pero ang hari ay matigas ang puso at sa halip na tulungan ang tao ay itinaboy ito. Pero it turns out ang tao palang iyon ay isang diwata. Isinumpa nito ang hari at ang lahat na nasa kaharian. Na ang kaharian narin ito ay babagsak at ang dating iniingatang nasasakupan ay mawawala narin sa kaayusan. And then, simula nung araw na iyon ang kaharian ay hindi na natagpuan. Ang buong bansa ay naging madilim at wala na sa kaayusan dahil sa wala nang namumuno. Kanya kanya na ang lahat. Walang batas, ayos, linis na para bang isang abandonadong bansa. "

" Ang bad naman ng King na iyon Mumma, dapat tinulungan nya kasi ang diwata. "

" Yes baby, always help others in need baby. No matter what is their status and Don't judge someone based on their appearance. that is the lesson I want you to learn in the story. "

" Kahit na po hindi masyadong maganda iyong kwento mo mumma, im still happy. Kasi po madami po akong natutunan."

" I want you to always remember that story. That story is from my grandma. Lagi niya rin kinukwento sa akin yang istorya na yan. "

I smiled at her and then i closed my eyes ready to sleep.

" I love you Victoria, always remember that. Whatever happens, I'm always here for you watching you and guiding you."

She kissed my forehead.

ONCE UPON A TIMEWhere stories live. Discover now