AWKB 1

88 3 6
                                    

Ang Weirdo kong Boyfriend

by: yammyoverload

———————————

Sabe nila basta Pag-ibig  kahit ano pa ang itsura ng tao maganda panget,mayaman mahirap,matangkad pandak at payat mataba,  basta tinamaan ka ng love  hindi mo na makikita yung mga bad side nya. Kase para sayo sya lang ang perfect.

Para sayo sya lang ang nag sstand out sa lahat. Kahit na marami ang kumukontra sa inyo. Sabe nga nila

LOVE IS BLIND!

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Actually pogi di naman sya pero ang ung pormahan nya lang ung nag papaiba sa kanya lagi syang naka long sleeves ng checkerd or Stripes , may malaking Eye glasses, super shine na black shoes yung buhok nyang parang dinilaan ng sampung baka sa hawi.

Lagi syang tahimik minsan kapag mag kasama kame bigla bigla na lang sya aalis di ko nga alam kung saan sya nag pupunta eh.

Gumagawa din sya ng mga bagay na sya lang ang nakaka alam

Tinatanong ko nga sya kung gusto nya maging scientist e.

Ewan ko din ba kung bakit ang Weird ng boyfriend ko.

Pero kahit na sya pa ang pinaka Weirdo sa lahat di pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. :)

Charlie's POV

Hi! my name is Charlie Mae Rodrigo 16 years old 4th year student. At nag aaral ako sa Stanford Academy.

✔Maganda

✔Matangkad

✔Mayaman

✔Smart

Well hindi naman sa pagmamayabang totoo lahat yan.

Tinatanong ako sa school namin kung ginayuma daw ba ako ng boyfriend ko.

Andami nilang sinabe na kesyo di daw kame bagay kase famous ako at sya naman ay peymus sa mga pambubully.

Sorry na lang sila dahil wala akong kiber sa kanila.

Basta mahal ko sya ♥♥♥

At lalo ko pang nararamdaman na espesyal ako kapag kasama ko ang love na love kong boyfriend.

"Ms. Rodrigo someone's looking for you outside"

nagulat ako nang tawagin ako ni Ms. Betty at sino naman kaya yun oras ng klase ee.

Pag labas ko nakita ko ang isang lalaking naka talikod naka long sleeves. Aha likod pa lang nya alam ko na. Nawala tuloy yung inis ko.

"Audrey!"

"ahh Charlie andito ka na pala na istorbo ba kita"

naka yukong sabi nya ang cute nya talaga kapag nahihiya.

"Syempre hindi ano ka ba, ano ba ang kailangan mo?"

"ahmm ano kase itatanong ko lang sana kung ano ahmm eee, ahh wag na nga lang sige kalimutan mo na yun pumasok ka na"

paalis na sana sya ng hilahin ko ang kamay nya pabalik.

"Audrey sige na wag ka na mahiya ano ba yung sasabihin mo"

"hmm ano kase itatanong ko lang sana kung may gagawin ka pa pag katapos ng klase mo"

"ahh wala na naman baket"

Ang Weirdo kong BoyfriendWhere stories live. Discover now