10 // Like A Viking

Start from the beginning
                                    

Binigyan ko ulit siya ng siko, this time malakas-lakas na iyong force. Pero para lang siyang nakiliti dahil tinawanan niya lang ako, pagkatapos ay nagpatuloy na siyang gumawa ng kape.

"Kinikilig sa iyo ang pamangkin ko," tuwang tuwa na anunsyo ni Tita Lar kay Jerkrick.

Malakas na humalakhak si Jerkrick. Napatingala pa siya habang naniningkit ang mata.

Muntik na akong mapamura nang malutong! Buti napigilan ko kaagad.

"Our Viennica was brokenhearted for a long time. That's why as a family, we are all this happy to see her like this again," Tita continued to share.

Hindi ko na talaga kaya. My chest was heaving from embarrassment and all sorts of emotion.

"Well, ma'am," he started to charm Tita Lar again, "As a concerned citizen, I shall make her kilig everyday for free."

Tita Lar clapped her hands together out of delight. Mabilis siyang nagpunch ng order sa register. "Your order is on the house, Jerrick. Go sit. My niece will take the house brew special to you."

I rolled my eyes. Tumingin ako kay Pol and mouthed, "What? On the house again?"

Nagkibit lang siya ng balikat. Malulugi ang Mostaccio sa ginagawa ni Tita eh.

"I will pay, Tita. No need po," nag-aalalang sabi ni Jerrick. Inilabas pa niya kaagad ang wallet niya.

"Naku! Hindi na! You go sit, Jerrick," utos na ni Tita Lar gamit ang boses ng isang ina. Itinulak pa niya ang wallet ni Jerkrick.

It showed on his face that he had no choice but to obey my auntie. Nagdadalawang isip pa siya. Mabagal siyang naglakad para maghanap ng table, at kada segundo ay ibinabalik niya ang tingin niya rito.

"Pol, use the beans we got from Sagada for Jerrick's coffee," utos ni Tita Lar.

Masunuring tumango si Pol. Nang makuha niya ang tingin ko ay siya naman ang nagsalita sa hangin, "Wow. First customer to taste our house brew special."

Bago siya pumasok ng stock room ay tinigilan niya ako. "Keep your sunshine, Vie. Ibang level na 'tong Tita mo."

I shook my head because of disbelief. No matter how hard they ship us both, I'll never falter.

Dahil hindi ako bangka, tao ako! I should know better. Ships don't have brains, but I do.

Matagal akong nakanguso habang naghihintay matapos ang kapeng nakalaan para kay Jerkrick. Tita Lar had taken over being the cashier so I was left with nothing to do for now.

"Ibigay mo na ito kay Jerrick. Doon ka muna sa table niya. Samahan mo at mukhang malungkot!" madamdaming utos ni Tita Lar. Ngayon, ako naman ang itinataboy niya.

Nagpadala ako sa tulak ng magaling kong tiyahin imbes na pumalag at matapon itong kapeng hawak ko.

Nakabukas na ang laptop ni Jerrick nang masulyapan ko siya. Tamad na tamad akong naglakad papunta sa table niya. Hindi naman kasi namin ito ginagawa, itong pagsilbihan ang fully-abled na tao sa kanilang lamesa

Magalang kong inilapag ang kape at pastry katabi ng laptop charger niya. Mabait pa rin naman ako at times.

"Kinikilig ka pala sa akin?" he smugly said out of the blue. Napatingin ako sa mukha niya. Iyong titig naman niya ay naka-pokus pa rin sa laptop.

Something That Will LastWhere stories live. Discover now