I suddenly blushed. Did he hear that? Viel kasi eh. Hindi naman talaga ako mabigat! Buti nalang mukhang mabait si kuyang anghel at mukhang wala lang sa kanya 'yon. Pero teka lang. Kilala niya ba ako? Bakit alam niya ang pangalan ko? Weird guy.

"Bestie, tara na inaantay na tayo ni Manong Andy sa may gate." Sabay hila ni Viel sa aking kamay paalis sa may clinic.

Pagdating sa may gate ay nakita namin ang sasakyan nila Viel. At sa di kalayuan ay naka park ang motor ni Ely. Alam ko kasi..... alam ko lang.

Bakit kaya di pa siya umuwi kung wala namang klase? Wala pa naman masyadong gagawin sa school kasi first day pa lang naman. Baka gumagawa na naman 'yun ng kalokohan.

Habang papauwi ay panay lang ang kwentuhan namin ni Viel.

"Uhm Viel, kilala mo ba yung lalaking nakatama ng bola sa akin?" tanong ko.

Nilingon ako ni Viel while munching her favorite snack. "Ah si Kiko ba?"

"Kiko? Kilala mo ba 'yun?"

Nanlaki ang mga mata niyang tinignan ako. "Grabe ka bestie! Hindi mo kilala si Kiko? Schoolmate natin siya noong high school! Nasa kabilang section and from the same band as Ely and Gio. Ka-team rin nila sa basketball. One of the campus crushes remember?!" she stated without pausing.

Hindi ko maalala. Malay ko ba sa mga campus crushes na 'yan.

Familiar 'yung mukha niya. Pero hindi ko siya masyadong maalala. Umiling nalang ako as a response to her.

"Palibhasa kasi puro ka Zeke." Pang-aasar niya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Siguro nga. Namiss ko tuloy si Zeke.

"Be conscious naman sa mga nakapaligid sayo. Ang gwapo gwapo ng tao pero nakakalimutan mo lang." Tumawa siya nang malakas. Aba pati rin si Manong Andy nakitawa.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin dahil panay pa rin ang tukso niya sa akin. Kinuha ko ang huling piraso ng biskwit na kinakain niya at mabilis iyong nginuya.

"Yna!" She pouted. "Bahala ka, hindi ko sasabihin sa'yo yung secret ko."

"Ows di nga?"

"Yup. Super secret 'yun. At di ko sasabihin sayo." umasta itong sini-zipper niya ang bibig.

"Secret? Ano 'yun? Sabihin mo na please." Nagbeautiful eyes ako sa kanya at saka naman siya natawa.

"Ayoko." Aniya at tumalikod sa akin.

Five.

Four.

Three.

Two.

One.

"Pero sige na nga, eh kasi babalik na si Zeke sa village."

Ahh. Akala ko naman kung ano.

Sabi na nga ba eh wala pang limang segundo eh sasabihin niya agad. Hindi talaga marunong magtago ng sikreto si Viel. Hindi makapagpigil. Kaya nga kung ako man 'yung tinutukoy ni Zeke na gusto niya eh sa malamang alam ko na yun ngayon. Close silang magpinsan eh. Sinasabi nila ang lahat sa isa't-isa.

May pasecret pang nalalaman. Babalik lang naman pala si Zeke.

Wait what?! At ganun nalang nagsink-in ang sinabi ni Viel.

"Ano?! Babalik na si Zeke?" tanong ko.

"Yup. He's staying with gramma. Pupunta kasi sa States sila tito at tita."

Bigla nalang ako napangiti. Excited tuloy akong makita siya. Nasa i-isang village na ulit kami!

Lumipat kasi sila ng bahay noong nagsecond year high school kami. Kahit na magkaklase kami noong high school eh iba pa rin 'yung nakakasabay ko siya dating umuwi sa village. Kaya ngayong college kahit nasa iisang university lang kami ay di ko mapigilan maexcite dahil sobrang lapit lang ng bahay namin sa bahay ng gramma nila Viel.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now