"H-Hi!" he greeted the two of us so Viel welcomed him warmly.

I think he wanted to say something more but it's somehow getting awkward already kaya naman ako na ang naunang magsalita.

"Uhmm yes?"

I saw him clear his throat at nagulat ako ng mabilis siyang nagbow sa amin. "I'm sorry. Ako nga pala yung.. ako yung dahilan kung bakit ka nandito." I heared him cleared his throat once again. Hindi ba siya nauubusan ng laway niyan?

I felt his nervousness at mabuti nalang nag offer si Viel na maupo siya sa tabi nito. A moment of silence made the situation more awkward than it is earlier. Mabuti nalang at nakiramdam naman si Kuya at nauna na siyang magsalita.

"Naglalaro kasi kami ng volleyball sa PE class namin. Hindi ko sinasadyang mapalakas ang tira ko sa bola." I can feel that he's too shy but at the same time there's sincerity in his voice. "I'm sorry." Aniya at may inaabot na isang paper bag na mabilis namang itinabi ni Viel sa bedside table.

Oh, so natamaan nga talaga ako?! "O-Okay lang. Hindi mo naman sinasadya eh." I replied.

He looked at me for seconds at tila nabigla sa aking sinabi. Mukhang napansin naman niya ang pagkunot ng noo ko and went back to his senses. "I-I'm really sorry. I brought foods! Canteen foods to be exact. Hehe."

"I-It's okay! Wag mo na isipin 'yun and t-thank you." Sabi ko at nagthumbs-up sa kanya.

How can I not forgive if it was really an accident? Campus crush ba ako para mag-inarte?

Bigla ulit siyang napangiti and this time masyado yatang naging HD and vision ko at biglang may gwapong nilalang ang nakangiti sa akin ngayon! Yung tipong abot-langit. Wow! Am I seeing an angel? Ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo niya. Lalo na noong lumapit na siya nang tuluyan sa akin para daluhan ako ng tubig. He really looks neat and fresh!

Sabay kaming nagsilingon sa paghawi ng nurse sa kurtina sa tabi ng kama ko. Kanina pa ba siya diyan? Creepy.

Biglang sumingit ang nurse sa usapan namin at nagtanong kung maayos na ba ang kalagayan ko.

Tumango naman ako bilang tugon at pinaalalahanan ng kung anu-ano.

"Basta magpahinga ka nalang muna pagka-uwi para di ka mahilo ulit." Paalala pa ulit ng nurse sa akin.

Nagpasalamat ako at nagpasyang umuwi na. Pinilit ko nang makatayo sa kama at sinuot ang flats ko. Hinablot ko na rin ang bag ko sa table at sabay-sabay kaming lumabas ng clinic.

"Uwi na tayo. Tawagan ko lang yung driver. Teka sandali ah." Paalam naman ni Viel at bahagyang lumayo sa amin.

"Teka may class pa tayo ah? Oh no.. may klase pa tayo Viel! Tara na." yaya ko sa kanya.

Mabilis ko siyang hinila pero hindi man lang siya gumalaw. "Nagtext sakin si Ely, wala raw prof sa dalawang class natin sabi noong class rep. Kaya we're free for today!" She informed me with excitement bago lumayong muli para tumawag.

Tumalikod ako and I saw flashes of smile from the guy who's the reason why I ended up on the clinic.

He took a step forward at mas nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. If I have a list of crushes then he would be one on the top of my list. "Sorry pero mauuna na rin ako ah? May class pa kasi ako pagkatapos ko nito." Sabi ni kuyang mukhang anghel. Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala siya umaalis. Mukhang inaantay kami ni Viel. I just nodded and thanked him for all his help.

"Uhm — aalis na talaga ako. Bye! See you around!"

Tinanguan ko siya saka siya tumalikod at naglakad papalayo. Wala pang sampung segundo ay humarap ulit siya sa akin. "Yna!" tawag niya. "Don't worry, hindi ka naman mabigat!" Ngumiti siya at tumalikod ulit.

Their Chasing SoulsWhere stories live. Discover now