Chapter 3

22 3 0
                                    

~• Chapter 3 - Painting •~
-

Emellie's Point of view

"Oh ano meron?" tanong ni Iris habang nakapukaw ang tingin sa painting.



"Ang sabi sa'kin hindi pa raw ipinapanganak ang lola ko, nagawa na yang panting na yan." sabi niya. "It's like pamana kay Lola ganun, pero mas prefer nila Mama na dito na lang ilagay yang painting na yan kase wala nang space sa bahay." dagdag niya sabay subo ng mansanas na kanina niyang ibinaba.



"So bakit bawal pasukan 'to ng mga estudyante?" tanong ni Sam.



"That painting hold a sentimental value, even though dito siya nilagay at hindi sa bahay, sobra paring importante yan sa Lola ko." sabi niya habang may laman ang bibig. "Kung mapapansin niyo out of reach pa rin siya sa'tin, nasa tuktok ba naman nilagay. Share ko lang na c-creep out kamo ako sa painting na yan, I don't know why kung bakit ayaw ko diyan." dagdag niya habang nakatuon ang interest sa mansanas.



"Same." sabay na sagot nila Sam at ibinalik ang interest sa ginagawa nila kanina.



"It feels like, parang may nakatingin sa'kin everytime na alam kong nandyan yung painting. It's so weird." sabi niya habang nakakunot ang nuo.



"So true, una kong kita diyan sa painting na yan sobra akong na creepyhan." sabi ni Samantha sabay ibinaba ang hawak niyang libro sa lamesa.



"Ang ganda kaya, anong creepy dun?" halata ang pag tataka sa tanong ko sakanila.



"Maganda naman siya Emie, pero kase parang may something eh. 'Di lang namin ma-explain in other words." sabi ni Iris.



"Like parang possessed, owuu~~" pagbibiro ni Samantha.



"Pano ulit?" tanong ni Iris kay Sam habang natatawa sinyales nito na ulitin ang ginawa niyang expression.



"Bawal nang ulitin." sagot ni Sam habang natatawa.



Ako lang ang hindi na c-creep out sa painting, instead sobra akong nagagandahan. Narinig naming tumunog ang selpon ni Samantha, lahat kami ay sabay na napatingin sakaniya.



"Tara na, time na." sabi niya at agad nang tumayo sa inuupuan. Inayos na nila Iris at Allia ang kalat na ginawa nila sa lamesa. Umalis na kami sa kwartong iyon at nag lakad na papunta sa classroom namin. Habang nag lalakad kami sa hallway ay may nakabunggo sa'kin na estudyante. Bahagya akong natumba dahil sa pagkakabunggo na nangyari sa'kin buti na lamang ay nahawakan ni Iris ang braso ko bago pa man ako tuluyang matumba. Lumapit ito sa'kin at humingi ng paumanhin.



"Okay lang." sabi ko sabay ngiti sakaniya, lumayo na ito sa'min at pumasok na sa classroom niya.

"Hindi ka ata nakita Ems." Biro ni Allia, tumawa sila Iris at iyon ang dahilan nang pagtingin ko sakanila ng masama.



Nang nag patuloy kami sa paglalakad papunta sa classroom, hindi ko mapigilan ang imahinasyon ko't ibinuhos ko na ang nararamdan ko kila Iris.

"Ang pogi nung lalake kanina." sabi ko sabay humagikhik, halata ang kilig sa mga salitang nabitawan dahilan nang pagtigil nila sa pag lalakad.

"Nako po sa 'yo." sabi ni Iris habang umiiling-iling.

"Pogi yun?" diring sabi ni Allia habang magkadikit ang kilay.



"Oo, alam mo yung feeling na nasa love story ka? Like that." sabi ko habang kinikilig sa sariling imahinasyon na tumatakbo sa utak ko.



"Yan napapala nang kakabasa ng mga love story eh." sabi ni Iris habang kunot nuong nakatingin sa'kin.

"What if we're meant to be?" sabi ko sabay takip ng bibig at pinanlakihan sila ng mata dahil sa gulat.

Damn, This Love Ain't Simple! (on-going)Where stories live. Discover now