"Alam mo ba kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi ko sa 'yo Horace? Tuwing nakikita kita, naaalala ko ang ginawa ng ama mo sa akin," nag-uumpisa na magtubig ang mga mata ko.

Pinilit kong ngumiti. "Akala ko kakampi ko siya pero isa rin pala siyang duwag. Hindi siya naniwala sa akin."

"Ano ba ang sinasabi mo? Diretsuhin mo na kami!" matapang na sabi ni Horace habang niyayakap si Seonaid, pinoprotektahan laban sa anumang hindi kanais-nais.

"Kung kinampihan lang ako ng papa mo Horace, hindi ko sana pinatay ang mama mo!" bunyag ko.

Kitang-kita ko kung paano nagulat sina Horace at Seonaid sa rebelasyon ko.

"Walang hiya ka!" sigaw ng pabebeng Seonaid.

"Tumahimik ka!" balik ko sa kanya. Akala niya siya lang ang magaling sumigaw!

"Bakit mo nagawa 'yon?" seryosong tanong ni Horace. Nakita ko rin sa mga mata nito ang galit at poot sa akin.

"Bakit? Dahil hindi naniwala sa akin si kuya Anthony, hindi ako kinampihan ng papa mo," tumigil muna ako ng ilang saglit. "Kaya pinatay ko na lang ang pinakamamahal niyang asawa, si Maureen," sabi ko habang tumatawa.

"Galit ako sa papa mo Horace! Katulad din siya nina mama at papa, parati nilang sinasabi na nababaliw na ako! Hindi sila naniwala sa akin, kinampihan pa nila si grandpa! Pare-pareho silang lahat!"

"Grandpa?" singit ni Seonaid. "Nababaliw ka na nga!" dagdag nito.

"Tumahimik ka sabi! Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam nang binababoy at paulit-ulit kang ginahasa!" nanggigigil kong sabi.

"Ano naman ang kinalaman ko diyan?" pag-iiba ni Horace.

"Kinalaman mo? Ang totoo wala naman akong pakialam sa inyo ni Seonaid umpisa pa lang dahil hindi naman kayo importante sa akin," sagot ko.

"Alam mo kung ano ang totoo Horace? Nilagyan ko ng lason ang iniinom ni mama dahil sawang-sawa na ako sa pananakit niya sa akin," natatawa kong sabi. "Ganoon din ang ginawa ko kay papa!" muli kong tinitigan si Horace. "Dapat pinatay ko na lang din ng mga oras na 'yon ang papa mo kaso naawa ako sa kanya kasi sa panahon na 'yon, buntis na si Maureen. Kaya hinayaan ko si kuya Anthony na mabuhay kasama mo at ni Maureen."

Binaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon.

"Akala ko okay na ang lahat. Sumisikat na ako, marami na ang humahanga at nagmamahal sa akin. Tahimik na ang buhay ko."

Tinitigan ko muli sila.

"Pero isang araw, pinagbintangan ako ng papa mo na ako raw ang pumatay kina mama at papa," tumigil muna ako ng ilang saglit at tumawa sa naalala ko. "Ang totoo Horace, tama naman ang papa mo eh."

Kinuha ko ang kutsilyong dala ko sa aking bulsa. "Nakikita mo ito Horace? Ito lang naman ang ginamit ko para takutin ang papa mo! Tinakot ko siya na papatayin kita kung magsusumbong siya sa mga pulis," sabay itinutok ko ang kutsilyong hawak ko sa kanila.

"Ayoko lang malaman ng lahat kung ano ang ginawa ko sa mga magulang namin ni kuya Anthony! Ayaw kong malaman ng lahat na ang iniidolo nilang dyosa ay isa palang mamamatay-tao."

"Kaya sinet-up ko ang papa mo, pinatulog ko ito at pinamukha kay Maureen na mayroon kaming relasyon. Gusto kong iparamdam kay kuya Anthony kung ano ang pakiramdam na hindi paniwalaan. Kaso mas matimbang ang pagmamahalan nilang dalawa. Hindi ko sila napahiwalay kaya no choice ako," sinadya kong tumigil ng ilang segundo para kabahan naman sila.

Ngumiti muna ako sa kanila na halatang natatakot na sa akin.

"Pinatay ko muna ang mama mo Horace para maramdaman ng papa mo ang sobrang sakit. Kaso matigas pa rin ang papa mo kaya napilitan akong patayin din siya!"

Nagulat muli sina Seonaid at Horace.

"Hindi!" umiiyak na sabi ni Seonaid.

Napatiim-bagang na rin si Horace habang seryosong nakatitig sa akin.

"Kaso mautak ang papa mo, nalaman ko na sinabi niya na pala ang lahat ng nalaman niya sa 'yo Horace kaya nasali ka tuloy sa galit ko. Nalaman ko rin na balak niyong umalis ni Seonaid. Tsk. Tsk. Tsk. Ano ba ang tingin niyo sa akin inutil?" sabi ko.

"At dahil matalino ako, pinasunog ko ang isang gusali na malapit lang sa opisina niyo Horace. Alam ko kasi na uunahin mong tumulong sa ibang tao, kaya 'yon ang tangi kong naisip para patayin ka. Pinasabog ko ang gusaling iyon habang nando'n kayo sa loob ng mga kasama mo, para magmukhang aksidente lang."

"At dahil akala ko patay ka na, si Seonaid na sana ang susunod kong papatayin, 'yon nga lang nabaliw," sabi ko habang tumatawa.

"Sa totoo lang, tawang-tawa ako kapag nakikita ko si Seonaid na kinakausap at hinahalikan ang isang manika dahil akala niya na ang manika ay ikaw," turo ko kay Horace. "Hindi lang 'yon pinaliliguan pa niya ang manika kaya ikaw ang nababaliw hindi ako," turo ko naman kay Seonaid habang tinitingnan ko ito ng matalim.

Dahil hindi ko pa rin mapigilan ang tumawa sa kabaliwan ni Seonaid nang mga panahon na 'yon, mas nilakasan ko pa ang tawa ko, sinasadyang asarin ang mga ito ngunit tumigil ako dahil sa biglaang pagsali nina Horace at Seonaid, nakikitawa rin.

Napansin ko rin ang pagngiti ni Seonaid na para bang pinagtatawanan ako pero mas nagulat ako nang ngumiti si Horace. Isang ngiti na para bang nanalo sa lotto. Imposible! Hindi kaya?

Ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang magsalita si Horace.

"Kumusta auntie?" nakangiti nitong sabi.

"Hindi!" sabi ko.

Itutuloy...

Wait For Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now