Epilogue (Part 2)

147 11 5
                                    

"Oo, wait lang! Nandito pa ako sa trabaho, last day ko na nga diba? Magpapaalam pa ako sa boss ko." ang kulit-kulit naman kasi! Sinabi ko nang malalate ako ngayon ginawa pang pangblackmail 'yung inaanak ko!

Inimpake ko na 'yung mga gamit ko dito sa opisina at inilagay sa box. Hindi naman ganong kadami kaya madadala ko naman siguro 'to pauwi. Hindi naman ganong kabigat at dala ko naman ngayon ang kotse.

"Ali, aalis ka na ba talaga?" nagulat ako nang biglang sumilip si Ma'am Flor. Tumango ako sa kan'ya at ngumiti.

It's been five years since I started working here. Napalapit na rin ang mga tao rito sa akin. Lalo na 'tong si Ma'am Flor. She used to be my mentor when I'm starting here.

"Opo, ma'am eh." kung wala lang naghihintay sa akin oppurtunity sa States, hindi naman ako aalis dito.

Lumapit sa akin si Ma'am Flor at may inabot. Isang keyring. Kinuha ko naman 'yun. Pagkatapos ay niyakap n'ya ako ng mahigpit.

"Mamimiss kita talaga, Ali. Mag-iingat ka do'n ha? Balik ka rito kung hindi maayos 'yung pupuntahan mo ron." sabi ni Ma'am Flor sa akin. Niyakap ko s'ya pabalik.

"Mamimiss din po kita, Ma'am. Kayo pong lahat dito. Thank you po sa lahat ng naituro n'yo sa akin dito. Hindi ko po talaga 'yun malilimutan."

"Drop the 'Ma'am' na, Ali. Ate nalang from now." napangiti naman ako do'n.

Nasa byahe na ako ngayon, chineck ko ang phone ko na tadtad na ng mga tawag at messages. Ang kulit naman! Nagreply muna ako bago pinaandar ang kotse.

Pinarada ko na ang kotse sa parking lot ng venue. Ang dami naman palang bisita! Punong-puno ang parking eh. Bago bumaba ako ay inayos ko muna ang suot kong damit. Naka-corporate attire ako, hindi bagay sa birthday party pero wala naman akong choice. Hassle kung magpapalit pa ako ng damit na angkop sa theme, 'no.

"Ali!!!" nagulat ako sa sigaw ng babaeng 'to! Nagbabantay pala s'ya dito sa entrance! Agad n'ya akong niyakap.

"Kalat mo talaga, Hana! Nagtitingan na mga tao, para namang VIP ako." siniringan ko si Hana at s'ya naman ay hinampas ang braso ko.

"Hayaan mo sila, nagandahan lang yata sa'yo. Business woman na business woman ah!" s'ya naman ang hinampas ko this time.

Pumasok na kami sa venue. Agad kong hinanap ang inaanak ko.

"Mikael!" tawag ko sa cute na cute na batang nagcecelebrate ng 7th birthday n'ya ngayon. Hindi n'ya ako pinansin nang tawagin ko s'ya kaya nilapitan nalang at agad hinalikan sa pisngi

"Ninang!" sigaw n'ya. Nairita nang halikan ko s'ya. Masyado namang pabinata na 'tilong batang 'to. 7 years old palang naman!

"Sorry na. Ito oh, gift ko." nilabas ko naman 'yung malaking box na dala ko. Nagliwanag naman agad ang kan'yang mukha at kinuha 'yun. This time s'ya na ang yumakap sa akin ang hinalikan rin ang cheeks ko.

"Thanks, Ninang!" sabi n'ya tapos umalis na rin agad. Sa regalo lang talaga s'ya interesado.

Tumayo ako at tiningnan si Hana.

"Yang anak mo, ayaw na magpahalik! 7 years old palang, pabinata na!" reklamo ko sa kan'ya at s'ya naman ay napatawa.

Parang kelan lang no'ng nalaman kong pinagbubuntis ni Hana 'yang si Mikael. Kaya naman pala nagdrop out non kasi nalaman n'yang buntis na s'ya kay Mikael. Nalaman ko nalang na ganon ang sitwasyon n'ya nang tawagan n'ya ako dati. Nakonsensya daw kasi s'ya nang isnobin n'ya ako nung nakasalubong ko s'ya no'ng nag enroll ako.

"Oh, Ali buti nakapunta ka." natuon naman ang atensyon ko sa nagsalita. Hawak n'ya ang isang batang babae na dalawang taong gulang pa lang.

"Ofcourse, masabihan na naman akong 'indian'" sarkastikong sabi ko kay Matt.

if we were a seasonWhere stories live. Discover now