Chapter 7

149 12 1
                                    

Ang bilis ng oras, akalain nyo yun nasa last week na agad ng month. Time flies so fast talaga. Sabado ngayon and as usual, alam nyo na rin ata ang trabaho ko tuwing Sabado, diba?

Nga pala, nakalabas na ng ospital si Mama. Actually matagal na yung nakalabas. Wala lang, share ko lang.

Inakay ko na ang bike papunta sa labas ng tinawag ako ni Kuya.

"Ali!"

Nilingo ko sya at boring ko syang tiningnan. "Bakit?" sagot ko. Dali-dali namang syang bumaba at tinapatan ako.

"Samahan mo muna ako, dali! Kailangan ko ng tulong mo." wow, parang iba si Kuya ngayon.

"Kuya anong ginagawa natin dito...sa mall?!" tanong ko ng nakababa kami ng jeep. Akala nyo nagbike ako papuntang mall? Well hindi, duh ang layo kaya ng Mall sa amin.

Weird na nga si Kuya lalo pang naging weird dahil sa inaasta nya ngayon.

"Kuya, anong gagawin natin dito?" taning ko kay Kuya pero dirediretso lang sya sa pagpasok ng mall. Imposible namang mamamasyal kami kasi hindi naman kami close nyan. Saka sa sobrang busy nyan sa studies nya di ko inaakalang makakapunta pa sya sa ganitong lugar.

"Siguro ililibre mo ang maganda mong kapatid? Hindi ba Kuya?" sabi ko at nag-cling sa kanya. Pero siniko naman nya ako para makalayo sa kanya.

"Tanga manigas ka dyan." aba't tinatanga nya ako. Akmang aalis na ako para patampo effect pero nagsalita naman sya.

"Tulungan mo ako." sabi nya. Agad ko naman syang nilingon at lumapit sa kanya.

"Ikaw, magpapatulong sa akin? Naalog ba ang mundo ngayon? Alejandro needs Alandria's help? Omygosh, imposible." pailing-iling ko pang sabi pero natauhan ako ng pinitik nya ang noo ko.

"Pag tinulungan mo ako, ililibre kita ng kahit anong gusto mo." para namang pumalakpak ang tenga ko sa akung naring. Is this for real? I like your sudden change Kuya ha.

Syempre pabebe muna para di magmukhang nadala ako sa panglilibre nya. "Para saan ba yang hinihingi mo ng tulong, Kuya Aji Landicho?"

Umupo muna kami doon sa upuan ng isang stall sa mall. Nakakapagod kayang maglakad habang nagsasalita.

"Ano kasi, hm..ganito..ano bang gustong—gusto nyo..hm. Ano bang gusto ng mga babae? Like mga pwedeng ibigay na regalo sa inyo, type nyo sa lalaki..style ganon..hm..Hoy wag mo nga akong tawanan Alandria!" at humagalpak na ako ng tawa. Grabee! Di ko ineexpect na magtatanong ng ganyan si Kuya.

"Bakit Kuya..? Manliligaw ka ba?"

"Huh? Di ah..nagtatanong lang ng ganyan manliligaw agad?"

"Syempre! Nagtanong ka nyan para ano, dahil nababakla ka na? Yuck!" sabi ko at napakamot naman sya ng batok.

"Oo na, oo na. Manliligaw ako. So ano, wala ka naman atang matutulong dapat si Abi nalang ang sinama ko eh." sabi ni Kuya at inirapan ako.

"Nay, Kuya. Pinag-aral ka nina Mama para maging abogado ha, hindi para lumandi. Yuck, you're not a good example for me." sabi ko at tiningnan naman ako ng masama ni Kuya, napatawa tuloy ako lalo.

"Wow, coming from you ha? Di naman kasi pwedeng aral-aral lang let's make some landi rin. Ang tanda ko na, di pa ako nakaka-isa." sagot nya at nag-make face nalang ako.

Niyaya ako ni Kuya sa dep. store para mamili ng gusto daw ng mga girls. Sinabi ko nga sa kanya, bakit ako ang tinataning nya eh di naman ako ang liligawan nya. Pero nabara lang nya ako dahil syempre di naman nya kaclose yun at sino bang manliligaw ang tatanungin ang liligawan nila kung anong gusto nito?

Tinanong ko rin si Kuya kung saan nya nakilala at kung mag-aabogado din. Syempre..kung mga ganong profession eh dapat elegante naman ang ibibigay mo at di puchu-puchu lang. Di daw abogado, magdodoktor daw. Huh, kita nyo galing nyang pumili diba.

"Kuya, pang-injection nalang ang ibigay mo."sabi ko at for the nth time nakatanggap ako ng irap sa kanya. Pamilya talaga kami ng mga nag-iirap.

In the end, chocolates lang ang nabili namin. Nag-advice kasi ako sa kanya na simple gift lang muna sa una since di pa naman sila nakakapag-interact nito saka kung bumili si Kuya halimbawa ng..damit eh di naman gusto ni girl edi sayang lang diba. So basic muna saka na pag kilala na nila ang isa't isa.

"Yehey!!! Thanks Kuya!!" sabi ko at iwinagayway sa kanya ang isang box ng Krispy Kreme na bigay nya sa akin. Para namang labag pa sa loob nya kasi nakasimagot. Heh, hihingi din naman sya nito sa bahay.

Pauwi na kami at narealize ko na ito ang unang paglabas namin ni Kuya. Parang bonding na rin kung baga. Tiningnan ko sya at may kinukutingting sa cellphone nya. Hay, sana sagutin sya nung liligawan nya kasi gusto kong magkaroon ng Ate na doktora!

***

"Huy, Aliii dali naa dali naa!!" pangungulit ng mga katabi ko ngayon. Si Matt, Andrew at si Lucas. Err.

"Tumigil nga kayo, busy ako tuwing weekends at di ko yan masisingit sa sched ko."

"Ito naman eh, papayagan ka naman ata ng Mama mo eh." sabi ni Drew at nagpopout pa. Nasa cafeteria kami ngayon at kanina pa ako kinukulit ng tatlong ito. Naalala ko talaga sa kanila ang 3 idiots.

"Oo nga, Ali di ka naman sumama nung birthday nung kapatid ko eh..pagbigyan mo na kami dito." si Matt naman yan.

Kung nabubutas agad ang balat kanina pang naagos ang dugo dito sa kakatusok ni Lucas sa tagiliran ko. Sinamaan ko sya nga tingin pero di paawat.

Ano bang meron sa concert na yun?

"Saan ba yun?" napilitan ko lang na taning sa kanila pero agad namang nag-iba ang expression ng tatlo. Parang nagningning?

"Sa convention center lang. Pleaseeee! Importante lang yun sa kapatid ko, concert for a cause rin yun kaya may mapupuntahan din ang bayad. Please Ali sumama ka naa!" Andrew plead. Ganon din si Matt. Siguro kasama din yung kapatid nya sa concert? Eh si Lucas wala naman kapatid yan eh. Mema-kulit lang.

"Oo na nga! Tigilan nyo na ako sa kakakulit nyo nakaka-irita na."

"Yehey!! Sa isang linggo pa yun, Ali. Thank you, thankyouuu!!" si Andrew at patalon-talin pang nalalaman. Mga isip bata.

*





if we were a seasonWhere stories live. Discover now