8). "Unang araw ng ikaapat na buwan"

22 0 0
                                    

September 19, 2018

Mga araw ay lumilipas .
Iyong mga banat na walang kupas
Napasakay mo ako sa byahe mong paspas
Mga matatamis mong salitang sa aking katawan ay parang mga paru - parong pumapagaspas

Ikaw ay aking iniisip sa paglalim ng gabi .
Nagkukunwaring ikaw ay aking katabi.
Sa aking isipan nagpapaulit ulit ang iyong matatamid na sinabi.
Kung may katotohanan ba ay hindi ko mawari.

Sana ako ay iyong masalo sa aking pagkahulog.
Kung hindi aking puso ay magiging bubog.
Aking damdamin ay sumasabog para sa iyo
Tunog ng aking pusong nakakabulabog.

Dumating ang araw , mahal kita yan ang sabi mo.
Salitang labis na nagpatibok ng aking puso.
Ngunit hindi ko rin inaasahan ang kasunod na sinabi mo.

Happy April Fools Day , pasensya na sayo ..

-------------
Oh april fools dito talaga lumalabas ung mga manloloko eh HAHAHAHA
Kaya ingat kayo sa kanila .

Sila ay mapanakit!

Ilag kayo HAHAHAHAHAH

Kindly vote , comment and share 🥺🖤

Grey Skies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon