4). "Isa,Dalawa,Tatlo"

53 4 0
                                    

July 05,2018

"Isa , dalawa , tatlo"
Isa,dalawa , tatlo bibilang ako.
Tatakbo palayo sa mga alaala natin at pati na rin sayo.
At pag umabot ng tatlo wla ka na sa buhay ko.

Isa , natauhan ako, kaya ko palang mabuhay ng wala ka .
Kaya ko plang maging masaya kahit wla ka.
Kaya ko palang tumakbo hanggang dulo ng hndi ka kasama.
At kayang kaya ko na ipagpatuloy ang buhay ko ng wla ka.

Dalawa, pipikit at unti unting maglalaho ang mga pangakong binitawan mo.
Uusad papalayo sayo at sa mga alaala mo .
Unti unting mabubuo ang mundo kong winasak mo .
At pag mulat ng aking mata kasabay nito ang pagkalimot ko sayo.

Tatlo , malaya na ako .
Malaya na sa rehas na gawa ng puso mo.
At masaya akong sabihin na nakamove on na ako.
Ang paglimot ko sayo at pagtanggap na wla na talaga tayo.

Kasabay ng pagbilang ko ng tatlo.
Ay ang paghakbang ko patungo sa panibagong yugto ng buhay ko.
Kayat mahal paalam sayo.
Kung magsisisi ka man pasensya na hindi na ako babalik pa sayo .

Isa ,dalawa, tatlo .
At gaya nga ng sinabi ko.
Pag umabot ng tatlo
Pasensya sayo.
Wala ka na sa buhay ko.

---------------------------

Marunong ka naman magbilang diba .
Tara bilang tayo
Pag bilang natin ng tatlo kakalimutan mo na siya.
Sabay tayo
Isa ...
Dalawa..
Tat.

Ano bat di ka makasabay?!!!
HAHAHA ahhh di mo kaya kalimutan ..

Siraaaa...

Hay nako oo na ikaw na marupok.

Kindly vote , comment and share 🥺🖤

Grey Skies Where stories live. Discover now